Kabanata 3

355 19 1
                                    


Restroom


"Pabili! Frutos nga ho limang piraso!"

"Ilan?"

Muntik na ako masamid dahil sa tanong ng tindero. Kakasabi lang na lima tapos itatanong pa kung ilan?

"Lima nga." Mataray na sabi ni Talia.

Nakatayo lang ako sa gilid niya habang hinihintay siya. Mukhang nainis si Talia dahil sa tindero.

"Walang frutos." Walang ganang sabi ng tindero.

"E bakit ka pa nagtanong kung ilan? Ano pang ibang meron d'yan?" Naiinis na tanong ni Talia.

"Kutos lang. Libre pa. Gusto mo?"

"Bwiset ka!" Sumilip si Talia sa tindahan para tignan ang nasa loob. "At oo sobrang bwiset ka! Ano na namang trip mo Silas? Bakit ngayon ay tindero ka naman?" Tanong niya.

Nakisilip na rin ako para tignan kung sinong Silas 'yon. Hindi ko siya kilala kaya umayos na ako ng tayo habang si Talia ay nakasilip pa din doon.

"Pake mo ba?" Masungit na sabi ni Silas.

"Aba! Gusto mo hilahin kita papunta dito?"

"Bibili ka ba? Kung hindi, umalis ka na. Bawal humarang ang pangit. Nakikita mo ba ang karatula d'yan? Mukhang nabasa mo naman diba? Kaya alis!" Pagtataboy niya kay Talia.

"Anong pangit? E crush mo nga ako!"

"Uy, pasensya na hindi kita type."

Akmang magsasalita pa si Talia hinawakan ko na agad ang braso niya.

"Nagsasayang ka lang ng oras. Tara na." Bulong ko sakaniya.

Umayos na siya ng tayo. She flipped her hair. Nagsimula na siyang maglakad paalis kaya sumunod na lang ako.

Isang linggo na ang nakakalipas simula ng mangyari ang bagyo. Medyo maganda na ang panahon at mukhang hindi na ulit uulan.

"Nako! Makasalubong ko lang ulit ang pisting Silas na 'yon. Pipingutin ko siya ng bonggang bongga. Sinira niya ang umaga ko! Kailangan kong makita si Soren ngayon para naman mawala ang inis ko." Pagrereklamo niya habang naglalakad kami pauwi ng bahay.

Nung mga nakaraang araw walang gaanong ginawa kila Samuel kaya hindi rin kami tumatagal sakanila.

Hindi ko rin siya nakikita nitong mga nakaraang araw. Hindi naman sa namimiss ko siya. Hindi lang ako sanay na hindi siya biglang susulpot kung saan.

Sabi rin ni Talia na minsan umuuwi ito sa Manila dahil may malaking kompanya sila doon.

Hindi ko alam 'yon dahil hindi naman ako interesado sa buhay ni Samuel noon.

Sa tingin ko umuwi siya ng Manila nung nakaraang araw. Dahil kahit ang masungit niyang Sekretarya ay hindi ko nakikita.

Bumalik ako sa dating gawi. Nagtinda ulit ako ng mga ulam. Ako na mismo nagdadala sakanila dahil lumalabas labas na rin naman ako. Kaysa ang mga anak anakan ni Mama ang mag deliver. Kung ako ang mahahatid ay mas makakatipid.

Sa buong isang taon. Ngayon ko lang naisip 'to. Nagiging bobo na yata ako.

Nang makarating kami sa bahay panay pa rin ang reklamo ni Talia at hindi ko na lang siya pinansin. Kung mababaw ang kaligayahan niya mas mababaw naman ang dahilan ng mga kinaiinisan niya.

Sira na talaga yata ang ulo niya.

Napatigil ako nang mapansin ko ang isang puting sasakyan na nakaparada sa tapat ng bahay namin.

Midnight Confession (Paradise Series#1)Where stories live. Discover now