Kabanata 9

209 8 0
                                    


Fish


"Anak, ito pa!"

Napanguso ako. Ang dami namang lalabhan! Bakit ba kasi hindi kami nakapaglaba ng buong dalawang linggo? Gosh!

At isa pa! Ako lang ang maglalaba nitong lahat. May pasok si Mama ngayon at kailangan niyang pumasok ng maaga.

But good things here. Maayos na kami ni Mama.

"Anak.."

Napatingala ako sakaniya. Napatigil ako sa pagnguya. Umayos ako ng upo at tumingin sakaniya ng seryoso. "Bakit ma?"

Binitawan niya ang kubyertos. Ibinaba ang kamay. Pinigdikit ang labi.

"Pasensya ka na, Anak.." Napatango siya.

Bumuntong hinga ako. "Ma, kung gusto mo ulit magmahal. Payag na ako. Napagisip isip ko na baka gusto mo lang ulit makaranas ng pagmamahal na naranasan mo kay Papa."

Tipid siyang ngumiti. "Ang Papa mo ang pinakamabuting taong nakilala ko. Sa lahat ng pagkakataon nand'yan siya, sa kasiyahan, kalungkutan kahit pa sa kahirapan. Hindi niya ako iniwan. Hindi niya ako pinabayaan. Kaya napamahal ako sakaniya at nabuo ka.." Napatigil na siya na tila may naisip. Lumaki ang ngiti sakaniyang labi. "Sobrang saya niya nang dumating ka sa buhay niya, namin.." Nawala ang ngiti sakaniyang labi. Hinarap niya ako.

"Ayos lang sakaniya kahit na nasasaktan na siya basta nagiging masaya ako..Nakagawa ako ng napakalaking kasalanan sa Papa mo. Kasalanan na hinding hindi na mabubura kahit kailan. Kasalanan na sobrang nasaktan siya." May namuong luha sa mata niya. Napatayo ako at lumapit sakaniya. Isa sa kahinaan ko ang iyak ni Mama.

"Anak, hindi ko na uulitin ang kasalanan na 'yon. Kahit wala na ang Papa mo. Hindi na ulit ako gagawa ng ikakasakit niya." Napahagulgol na siya.

Gusto ko mang itanong ang naging kasalanan niya pero nakikita ko ang sakit sa mata niya. Kaya hindi ko na lang itinanong.

Guto ko rin sanang itanong kung bakit gusto niya pang magmahal ulit.

Hindi ko na nagawang itanong pa dahil sa pagiyak. Baliwala na rin sa akin 'yon. Kung saan siya sasaya susupportahan ko siya. Kaligayahan niya lang naman ang bukod tanging gusto ko.

"Ma!"

Pumasok ako sa bahay. Naabutan kong nagaayos siya ng buhok. "Bakit?"

"Wala na bang labahan d'yan?"

Umiling siya. "Aalis na ako. Ikaw na ang bahala sa bahay. Kung aalis ka isarado mo lahat." Hinalikan niya ako at kumaway.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

Naglakad ako papuntang bakuran. Pumaneywang ako nang nasa tapat na ako ng mala bundok na damit.

Nagsimula na akong paghiwalayin ang de kulay at puti. Nilinisan ko ang planggana. Lumapit ako sa washing machine para naman iyon ang linisan.

Pinuno ng tubig at nilagyan ng powder. Nagsimula na akong maglaba.

Ilang araw na rin ang nakakalipas nang simulang umuwi si Samuel sa manila.

Palagi lang siyang tumatawag sa akin at kinakamusta ako. Walang palya sa bawat araw. Minsan na rin kaming nag face time.

Napabangon ako nang biglang nagring ng malakas ang cellphone ko.

Nangunot ang noo ko. "Pambihira! Istorbo, natutulog yung tao e!"

Padabog kong kinuha ang cellphone. Sinagot ko 'yon at halos maibato ko ang cellphone nang makita si Samuel sa cellphone.

Midnight Confession (Paradise Series#1)Where stories live. Discover now