Kabanata 14

133 10 0
                                    


Kiss


Namutawi ang katahimikan nang matapos kaming kumain. I press my lips together then tinignan sila isa isa.

Si Owen ay pinaglalaruan ang kutsara na tila may iniisip. Si Talia ay abala na sakaniyang cellphone. Hindi ba nauubusan ng load ang isang ito?

Si Robert ay tahimik na nginunguya ang kakanin na binili nila Owen.

Lumingon ako kay Hudson na nakatingin pala sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit?"

Napangiti siya at napailing. "Wala."

Napaismid ako. "Weh?"

Nginitian niya lang ako. Napatingin naman ako kay Samuel na seryoso ang matang nakatingin sa akin.

Napanguso ako. "B-Bakit?"

Bakit nung si Hudson ang tumitig sa akin ng ganito ay tinaasan ko lang ng kilay pero kapag siya napapanguso ako.

Nagpapacute ba ako?

"Anong maitutulong ko ngayon?"

Napadiretso ako ng upo. "Wala ka bang trabaho?"

Umiling siya. "So, what can I help?"

Napatingin ako sa lamesa. "Sigurado ka bang wala kang trabaho ngayon?"

Tinungkod niya ang braso sa lamesa at medyo lumapit sa mukha ko.

Hindi ko kayang lumingon dahil kapag lumingon ako ay mahahalikan ko.

Nakakahiya 'yon dahil nasa harap ko ang mga kaibigan ko. At mas lalong nakakahiya dahil mahahalikan ko siya.

Hindi ko naisip na mahahalikan ko ang Mayor ng lugar namin.

"Ayaw mo ba ako na nandito?"

Napalunok ako. "Hindi naman..."

"What do you mean 'hindi naman'."

I bit my lower lip. "Puwede bang umayos ka muna ng upo?"

I saw him in my peripheral vision. Tinignan niya ang ayos niya.

"Bakit? May masama ba sa upo ko?"

'Oo, may masama dahil napapatibok mo nang husto ang puso ko!'

Gusto kong sabihin 'yan ngunit tiyak kahihiyan lang ang maidudulot.

"Masyado kang malapit at... ah baka m-mahalikan kita."

He chuckled. Umayos naman siya ng upo. Hindi ko alam kung nabunutan ako ng tinik o nanghinayang ako.

Nilingon ko siya. May ngisi sakaniyang labi. Bad boy looking pero good boy.

Nanlaki ang mata ko nang lumapit siya at may binulong sa tenga ko.

"Malambot ang labi ko. Gusto mo subukan?" He said with his teasing tone.

Agad ko siyang naitulak. Ramdam ko ang pagiinit ng pisngi ko. Hindi ako sanay na may magsasabi sa akin ng mga ganito.

He laughed. Sinamaan ko siya ng tingin. Hiyang hiya ako ngayon pero nagawa ko siyang tignan ng masama.

"Hoy, ano 'yan? Landian nang landian! Respeto sa walang lovelife oh!"

Napatingin kami kay Talia na mukhang nagrarally dahil sa itsura.

"Inggit ka na naman, Talia. Palibhasa hindi ka gusto ng gusto mo." Si Owen.

Masama naman siyang binalingan ni Talia. "O, bakit? Gusto ka rin ba ng gusto mo? E, friend zoned ka nga!"

"Anong friend zoned? Ang gwapong katulad ko hindi magagawang i-friend zoned!"
Ismid ni Owen.

Midnight Confession (Paradise Series#1)Where stories live. Discover now