Kabanata 25

235 8 0
                                    

Seducing


Buong oras ay sa akin lang ang atensyon ni Samuel. Kanina ko pa siya pinanlalakihan ng mata ngunit tanging ngisi lang ang sinusukli niya.

"Let's go home. I'm really tired." Si Leah. Nilingon ko siya at tinanguan. Tumayo na kami.

Napatingin ako kay Samuel na nakatayo na rin. Tumayo na rin ang iba. Nagsisiuwian na rin ang mga tao. Kaya uuwi na rin kami saka pagod na din kami.

Habang naglalakad palabas. Walang tigil sa pangaasar si Echo kay Leah. Kahit ilang beses siyang sawayin ni Addi hindi siya tumitigil. Hinihintay ko na lang makitang nakabulagta na si Echo sa sahig. Pagod pa naman si Leah. Baka masuntok siya niyan.

Bigla akong napatingin kay Samuel na nasa gilid ko. Saktong nakatingin din siya sa akin.

"Hatid na kita?" Bulong niya.

Napatingin ako sa paligid. Nasaan ba si Nina? Bakit hindi ito ang katabi niya?

Nakita ko si Nina na may kausap sa phone niya kaya siguro hindi niya napansin na katabi ko si Samuel.

Agad akong umiling. Kahit gusto kong magpahatid sakaniya hindi pa rin pwede. Baka magtaka sila. Alam nila na ayaw ko kay Samuel tapos bigla akong sasama sakaniya?

Nakarating kami sa parking lot. Pinatunog ko na ang kotse ko.

"Ingat kayo!" Sigaw ni Addi.

"Hoy! Ingatan niyo si Leah..." Si Echo.

Ngumisi naman ako kay Leah nang marinig 'yon. Tinarayan niya lang ako. Tinawanan ko siya. Badtrip na badtrip ah.

"...tanga pa naman 'yan." Pahabol ni Echo.

Humagalapak sa tawa si Isaac. "Manhid mo tol d'yan ka na nga."

Napatingin ako kay Leah na mas lalong sumama ang timpla ng itsura.

"Asshole.." Bulong niya.

Nagpaalam na sila. Napatingin ako kay Lucas na naglalakad palapit sa akin.

"Hatid ko na kayo?"

Umiling ako. "No, no, kaya na namin. Saka pagod ka na rin. Sakay ka na sa kotse niyo."

Hindi na siya nagpumilit at tumango na lang. Pagod talaga siya. Sa pagkakaalam ko bukas ay may malaking event na gaganapin sa bahay nila kaya hindi siya makakasabay sa amin bukas para umuwi ng Manila. Hindi naman makakaattend si Leah dahil marami siyang shooting bukas.

"Nakakapagod!"

Napatingin ako kay Leah na pumasok sa kotse. Talagang sa backseat pa ha. Nagmukha naman akong driver nito.

Akmang maglalakad na ako nang may biglang magsalita sa likuran ko.

"Florencia.."

Nilingon ko ang taong 'yon. Nanlaki ang mata ko. "Bakit hindi ka pa umuuwi?"

"Ihahatid kita."

Napatingin ako kay Leah na nakapikit. Binalik ko ang tingin sakaniya.

"Samuel..."

Hindi pa rin ako makapaniwala na hanggang ngayon mahal ko pa rin siya. Walang nagbago. Walang nabawas.

Ngayon, hinahayaan ko na ulit siyang pumasok sa buhay ko. Kung sasaktan niya man ako ulit. Haharapin ko yung sakit. Iisipin kong lesson lang sa akin 'yon. Ang mahalaga binigyan ko siya ng pangalawang pagkakataon. Binigyan ko ng pangalawang pagkakataon kaming dalawa.

Midnight Confession (Paradise Series#1)Where stories live. Discover now