Kabanata 28

220 10 0
                                    


Malandi ka


"Thank you!" sigaw ko sa taxi driver.

Naglakad na ako papasok sa building. Sinalubong ako ng katrabaho ko.

"Blooming Ms. Rivera ah!"

Napailing naman ako, "Ganon siguro kapag inlove."

"Wala na tayong pagasa pre!" sabi niya sa katabi niya.

Natawa naman ako. Nagpaalam na ako at pumasok sa loob. Binati ko ang mga nakakasalubong. Yung iba pa ay nagtataka.

Dalawang araw na ang nakakalipas simula nang pumunta kami sa bahay nila Samuel.

Masasabi kong naging masaya ako ng sobra. Tila nawala ang mabigat na nakadagan sa dibdib ko matapos ang paguusap namin.

Masarap pala sa pakiramdam kapag natanggap mo na. Kapag tanggap mo na yung sakit na binigay nila sa'yo.

Lumipas ang buong maghapon. Napatingin ako sa malaking wall clock habang umuunat.

Alas dos na ng madaling araw hindi pa rin ako natatapos sa trabaho.

Kamusta kaya si Samuel? Nagpaalam siya sa akin kanina na may meeting na pupuntahan.

Sana nakauwi na 'yon. Tumingin ako sa cellphone ko at wala namang natatanggap na text niya doon.

To: Samuel

Hi Love! Hindi pa ako makakauwi, maybe later? I don't know. Ang dami ko pang works. Sorry, tulog ka na ba? Sige sleepwell my love.

Binaba ko ang cellphone at hinilot ang sentido. Sumasakit na ang ulo ko kakaharap sa computer.

"Hindi ka pa ba uuwi?"

Nilingon ko si Jen at nginitian. "Ang dami ko pang paper works."

Napangiwi siya. "Pwede pa naman 'yan bukas. Namumutla ka na oh," tinuro niya ang mukha ko.

Tumingin ako sa salamin na nasa harap at tuming doon. Namumutla na nga ako.

"Umuwi ka na rin, Florencia. Mauna na ako."

Tinanguan ko siya. Tumayo ako at lumapit sa Dispenser. Kumuha ako ng tubig doon. Habang naglalakad pabalik sa cubicle ko ay iniinom ko 'yon.

Umupo ako sa swivel chair at nagsimula na ulit magtype. Maya maya pa ay biglang tumunog ang cellphone ko. Mag-a-alas tres. Sino naman ang tatawag sa akin ng ganitong oras? Hindi kaya si Samuel.

Dali dali ko 'yon kinuha ngunit nadismaya lang ako dahil si Nina pala ang tumatawag. Bakit kaya siya napatawag?

"Yes?" I answered it.

"I have a goodnews!"

"What is it?" mukhang excited siya.

"I'm pregnant."

Nanlaki ang mata ko at napatigil sa pagtatype sa computer.

"Who's the father? Oh gosh girl!"

"Si Samuel! I'm with him right now. Babe, I'm talking to my friend right now and I'm telling that I'm pregnant...... Yeah?"

Pamilyar na boses ang narinig ko. Nanghihina akong napasandal sa upuan.

Sabi niya may pupuntahan lang siya na meeting? Why is he with Nina? And Nina is Pregnant with Samuel's child? I though nakauwi na siya kanina pa.

Midnight Confession (Paradise Series#1)Where stories live. Discover now