Kabanata 22

203 10 0
                                    


Lock


Kinuha ko ang mug at lumapit sa balkonahe. Ala sais pa lang ng umaga kaya wala pang gaanong tao.

Nilingon ko naman si Samuel na mahimbing pa rin na natutulog. I wondering kung hinahanap ba siya ni Nina? Hindi naman kumatok sa akin si Nina. Naisip niya sigurong impossibleng magkasama kami.

Inubos ko ang gatas na iniinom at pumunta sa sink para ilapag doon.

"Ah.."

Napatigil ako sa paghati ng apple. Nilingon ko si Samuel na nakaupo at hawak ang ulo na tila dinadaing ang kasakitan nito. Nilibot niya ang tingin niya at tumama ang tingin sa akin. Nanlaki ang mata niya ay napaayos ng upo.

"A-Anong ginagawa mo dito?" He pointed me.

Kinuha ko ang apple at nilagay sa platito. Nagsalin ako ng tubig sa baso. Kinuha ko 'yon at naglakad palapit sakaniya.

Nilapag ko 'yon sa lamesa. Naglapag rin ako ng pangtanggal ng hangover. Para makaalis na agad siya dito.

Galit ako pero may puso ako. Hindi kakayanin ng konsensya ko na makita siyang sumasakit ang ulo. Kung binigay niya kasi sa akin agad ang susi niya edi sana hindi ako buong gabi pasulyap sulyap sakaniya.

Napairap ako sa hangin. "Kwarto ko 'to. Kainin mo na 'yan at uminom ka ng gamot. Pagkatapos pwede ka nang umalis.

Lumapit ako sa kama. Binuksan ko ang tv. Abala ko iyong pinalipat lipat. Nakikita ko siya sa gilid ng mata kong ngumunguya doon at pasulyap sulyap sa akin.

My expression is still blank. This room is spacious but I feel crowded because he is here.

"Uh... Florencia."

"Hmm?" Nang hindi lumilingon.

"D-Did I say something weird last night?"

Pumasok sa isip ko ang mga pinagsasabi niya. Parang gusto ko siyang saksakin. Hindi niya naaalala? Ang lakas ng loob niyang sabihin 'yon.

Umiling ako. "None." Nilingon ko siya. "Are you not done yet?"

Inubos niya na ang apple at uminom na ng gamot. Tumango ako. Tumayo siya.

"P-Pasensya ka na."

Nagkibit balikat ako. "No prob. Just lock the door when you leave."

Naglakad na siya palapit sa pinto binuksan niya na 'yon at sumilip muna sa akin bago tuluyang lumabas. May multong ngiti sakaniyang labi kaya napaawis agad ng tingin. Napahawak ako sa dibdib ko nang bigla itong humarentado. Para saan 'yon?


"Cheer!"

Uminom ako sa baso na may lamang juice. Sila lang ang nagaalak ngayon. Wala ako sa mood para uminom.

Alas tres ng hapon umiinom. Ano bang trip ng mga 'to?

Umalis na sila sa harap ko at dumiretso sa swimming pool.

Kaninang umaga mukhang nagkasalubong sila Leah at Samuel. Dahil pagkatapos niyang isara ay may kumatok.

Nginisian niya lang ako at wala nang sinabing ano pa. Inaya niya na lang akong magbreakfast.

Kaninang umaga ko pa sila kasama. At nagsasawa na ako sa pagmumkha nila.

"Anong mukha 'yan? Kaya nga pumunta dito para makapagrelax e."

Nilingon ko si Lucas na nagpupunas ng buhok. Nandito kami sa swimming pool area. Silang lahat ay lumalangoy samantalang ako ay nakahiga dito. Bakit ba nagsuot pa ako ng two piece? Dapat 'di ako nakikinig kay Leah e.

Midnight Confession (Paradise Series#1)Where stories live. Discover now