Kabanata 2

572 20 0
                                    


Work


Kanina ko pa sinasaway si Talia dahil kanina niya pa ako kinukulit kung anong nangyari nung natapunan ako ng pintura at biglang hilahin ni Samuel papunta sa kwarto.

Bakit kasi sa kwarto niya pa? Wala ba siyang guest room?

"Ikaw ha! Kaya siguro ayaw mo sabihin. Dahil may nangyari." Hindi niya pa rin ako tinitigilan kaya hinarap ko na siya.

"Ano bang pinagsasabi mo? Ganiyan ba ang tingin mo kay Samuel?" Tanong ko habang nakakunot noo.

Umiling siya at pinaglaruan ang dulo ng buhok. "Siyempre hindi, pero baka ikaw ang nauna. Saka Samuel na talaga ang tawag mo? Hindi na Mayor? Level up!" Pangungutya niya.

Tinarayan ko na lang siya. Kunti na lang masisiraan na ng bait 'tong kaibigan ko.

Lord, kayo na po ang bahala sakaniya. Nawa'y pagalingin mo po siya sakaniyang pinagdadaanang sakit.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at bumuntong hininga. Sa tingin ko mukha na akong tao sa ayos ko.

Ayoko naman na ang losyang ko tignan kapag kaharap si Samuel.

Pero bakit nga ba ako nagpapaganda ng ganito? Pinapagandahan ko ba siya?

Hindi, hindi. Pang boost lang ng confindence 'to. Tama. Tumango tango ako.

Kinuha ko ang paper bag na nasa lamesa at tinignan ulit ang loob. Inamoy ko ulit ang t-shirt at short para siguraduhin na mabango. Kinuha ko rin ang tupper ware na may lamang cookies.

Ngumiti ako at binalik 'yon sa loob. I'm satisfied with this. I grabbed it at nagsimula nang maglakad palabas.

"Aba, ganda ng ngiti ah. Ingat ka! Enjoy sa date!"

Kinawayan ko siya ng patalikod. Tinawanan niya lang ako. Kung papatulan ko ang kabaliwan ni Talia baka pati ako maging baliw na rin. No thanks na lang.

Naglakad ako palabas at sakto may tricycle kaya pinara ko na agad. Sumakay ako doon.

"Manong, sa plaza po."

Pinaharurot niya na ang lumang tricycle niya. Tumingin ako sa labas at napansin ang rice field ng Jalmanzar. Napakalawak non at halos lahat ay mukhang malulusog.

Napakasipag siguro ng nagaalaga niyan. Napansin ko rin ang ilang taong abala sa pagbubunot at pagaayos ng halaman doon.

Malinis rin ang kapaligiran at halatang araw araw siguro naglilinis ang mga tagapaglinis. Infairness ang sisipag ng mga tao dito.

Nakarating na ako sa plaza. Nagbayad agad ako at mabilis na bumaba. Pinalibot ko ang tingin para hanapin ang pinakamalapit na coffee shop.

Ngayong araw ko isasauli ang damit na pinahiram sa'kin ni Samuel. Nagsuggest ako na sa bahay na lang niya tutal iaabot ko lang naman ito sakaniya. Pero ang sabi niya nandon raw ang magulang niya.

Kaya sa pinakamalapit na coffee shop sa plaza na lang kami magkikita ngayon. Pumayag na lang din ako dahil nahihiya rin ako sa magulang niya. Mukha kasing masungit ang Nanay niya.

Naglakad na ako papuntang coffee shop at pumasok sa loob. I looked around and hoping that Samuel is here. Ayoko naman magmukhang kawawa dahil magisa akong nakaupo. Nagkibit balikat ako. Hihintayin ko na lang siya tutal patient naman akong tao.

Umupo ako sa dulo yung walang masyadong tao. Baka kasi isipin nila nagde-date kami ni Samuel. Ma-i-issue lang talaga ang mga tao. Kalahi yata nila si Talia.

Dagdag pa 'tong si Talia masyadong ma-issue pakiramdam ko tuloy nagkakatotoo lahat ng pangaasar niya sa'kin.

Napaangat ako ng tingin ng may lumapit na waiter.

Midnight Confession (Paradise Series#1)Where stories live. Discover now