Kabanata 13

131 9 0
                                    


Only yours


Binuhat ko ang box na dala papuntang sasakyan ni Talia. Ngayon ang araw na magbubukas ako ng karenderya.

Nag-insist na rin si Owen na tumulong. Mabuti na lang at may kaibigan akong katulad nila.

Ilang araw na ang nakakalipas simula nang matapos ang eleksyon.

Nasa isip ko pa rin ang nakita ko sa restaurant na 'yon.

Hindi na rin gaanong pumupunta sa bahay si Samuel. Sabagay, 'di naman dapat palagi. Ngayon pang nanalo muli siya sa pagka-Mayor. Na-i-congratulate ko naman siya sa text nga lang. Masyado siyang maraming ginagawa.

"Talia!"

Lumapit siya sa akin. May hawak siyang chichirya at panay ang nguya.

"Oh?"

"Kunin mo yung huling kahon sa loob." Utos ko.

Umalis naman siya sa harap ko at inabala ko naman ang sarili sa pagaayos ng gamit. Nauna si Owen doon dahil siya ang maglilinis.

Nagagalak ako sa nangyayari. Para akong batang excited na kumain sa jollibee.

"Florencia?"

Napatalon ako. I immediately turned to the man who called me. My eyes widened.

"O, anong ginagawa mo dito."

I let go of the box and faced him. Ngumiti siya sa akin.

"Napadaan lang. What are you doing?" Sinilip niya ang loob ng compartment.

"Magbubukas ako ng karenderya. Ngayon ang simula."

He raised his brows. "Oh..." Napatango siya. "May maitutulong ba ako d'yan?"

Nahihiya akong ngumiti. "Naku, ayos lang. Kaya na namin 'to."

"I insist and we're friends right? Ang magkaibigan ay dapat nagtutulungan."

"E, wala ka bang pagkakaabalahan ngayon?"

Umiling siya. "Don't have."

Napatango ako. I bit my lower lip before speak. "Osige, friend naman tayo e."

He smiled. Saktong lumabas na din si Talia.

"O, gawa mo dito?"

Binuhat ko ang kahon na hawak niya at laking gulat ko nang maramdaman ko ang kamay niya sa kamay ko.

Agad kong nabitawan 'yon. "S-Sorry. Ako na magbubuhat." Sumulyap siya sa akin saka pinasok sa loob ang box.

Tumabi naman ako kay Talia. "Love triangle na ba 'to?"

Hindi ko siya pinansin. Nang matapos niyang ayusin ang gamit. Pumasok na kami sa sasakyan. Siya na rin ang nag-insist na magmamaneho.

Sa passenger seat kami ni Talia dahil may box naman sa shotgun seat.

Habang papunta kami ay nagku-kwentuhan silang dalawa. Nakikisali lang ako kapag tinatanong niya.

Nang makarating kami ay sinalubong agad kami ni Owen na tagatak ang pawis.

Tinulungan niya kaming magbuhat ng ilang boxes.

"Owen, pawis na pawis ka!"

Nginisian niya ako. "Ang hot ko tignan 'no?"

Binato ko sakaniya ang towel na nakuha sa bag. Tawa tawa naman siya habang nagpupunas.

"Kapag nagkasakit ka magaalala si Mama." Ismid ko.

Midnight Confession (Paradise Series#1)Where stories live. Discover now