Kabanata 6

231 10 0
                                    


Mother


Tila mauubusan ako ng hangin dahil sa taong nakatitig sa akin.

Pwede ko ba siyang iwasan ng tingin? Para niya akong hinihigop e? Parang inoobserbahan niya ako na tila naghahanap ng mali sa pagkatao ko.

Kaso kapag iniwasan ko siya ng tingin baka maging bastos ako sa harap niya.

Never in my life I imagined myself to this situation. My shoes seems glued to the floor.

"What's your course? Are you done studying? Are you honor student?" Sunod sunod niyang tanong.

Her authoritative personality can be seen in her voice. How she speaks is obviously that she is from a wealthy family.

"Ma! What kind of question is that?"

Napalunok ako dahil mas lalong naging seryoso ang tingin ni Donya Lucinda sa akin.

Hindi ko naman in-expect na mangyayari 'to. Sana naging aware ako na makakaharap ko siya. Na makakausap ko siya ng ganito kalapit.

E'di sana hindi lang simpleng t-shirt ang sinuot ko. Nakakahiya. Mukha tuloy akong malaking dumi habang kaharap siya at katabi si Samuel.

Napatingin siya kay Samuel. Tinaasan niya ito ng kilay. "I just want to know if she studied HRM."

"No, she's studied business." Tila nauubusan ng pasensyang sabi ni Samuel.

Nangunot ang noo ni Donya Lucinda. "Then why is she the one you are suggesting in exchange for Chef Legaspi? You know that he is the famous and best Chef."

Nga naman. Bakit ba ako ang ipinalit ni Samuel? Hindi naman ako nagaral ng HRM.

Huwag niya naman ako ipahiya sa harap ng nanay niya!

"But she's great Cook, Mom. Once you tasted her cooked you will definitely forget your name." Samuel said, playfully.

Mahina ko naman siyang siniko kaya napatingin siya sa akin. Pinanlakihan ko siya ng mata. Ano bang sinasabi niyang makakalimutan ang pangalan?

Hindi niya nga nakalimutan yung pangalan niya nung natikman niya yung luto ko. Bolero talaga 'to e.

Nginitian niya lang ako. Naramdaman ko ang titig sa amin ni Donya Lucinda kaya iniwas ko ang tingin sakaniya.

"You're insane!" Sabi niya kay Samuel. Humarap siya sa akin. "Sorry Miss whatever-your-name. I'm sorry but I already found a replacement."

"Mom! You're rude! Her name is Florencia. And I maked sure to you that you will love her cooked." He assured.

Mas lalong naging matalim ang tingin ni Donya Lucinda.

"Samuel Jalmanzar. You better know what you're doing." Sabi niya bago umalis sa harap namin.

Tinapunan niya lang ako ng tingin. Kahit ngiti hindi niya ako binigyan.

Hinarap ako ni Samuel sakaniya. "Don't listen to her. I know she has not yet found a replacement."

"Totoo naman yung sinabi niya. Maghanap ka na lang ng totoong Chef. Saka baka may iba pang mas masarap magluto kaysa sa akin." Nginitian ko siya.

Hindi niya ako pinansin at biglang hinila papunta kung saan. Napapatingin sa amin ang ilang tao. At ako ang nahihiya.

Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Simpleng paghawak lang 'yon pero ang lakas ng epekto sa akin.

Hindi ko namalayan na tumigil na pala siya sa paghila sa akin. Napatingin ako sa paligid.

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko sakaniya.

Midnight Confession (Paradise Series#1)Where stories live. Discover now