Kabanata 7

206 9 0
                                    


Court


Staring at the sky in the midnight is the best thing to do. The star is twinkling like they are comforting me. As if they knew what I'm feeling right now.

Sumasayaw rin ang mahaba kong buhok dahil sa hangin. I quietly staring at the hit of the wave.

Ang shunga shunga ko dahil hindi ko manlang itinanong kung may girlfriend ba siya o wala.

Sabi naman kasi ni Talia ay wala raw. E'di naniwala ako. Saka wala naman akong nakikitang nakakasama niyang babae. Bukod sa secretary, workers or some friends I know. At lalo na sa'kin.

Tapos malalaman ko na lang na may long time girlfriend siya at getting married na!

Kakaamin ko lang sakaniya na gusto ko siya tapos bigla kong malalaman ang ganon.

Hindi ko rin alam kung bakit ako nasasaktan! Bakit nakakaramdam ako ng paninikip ng dibdib.

E, gusto ko lang naman siya diba? Kailangan ko na ba ulit magresearch? Hindi ko rin kasi alam kung bakit masakit sa dibdib.

Tila um-echo sa tenga ko ang sinabi ni Donya Lucinda.

Kung umuwi na lang kaya ako? Paano ako lalabas nang hindi nila mapapansin?

I sat down and cupped a sand and throw it to sea. Napatili ako nang bumalik sa akin ang buhangin. Pati ang mata ko ay nalagyan.

"M-Miss, a-ayos ka lang?"

Napalingon ako sa nagsalita habang kinukusot ang mata.

"Ha? A-Ano, ayos lang ako." Ngumiti ako sakaniya.

Dahan dahan siyang lumapit at umatras naman ako. Tumigil siya sa paglapit nang mapansin ang pag-atras ko.

"Ah..g-gusto mo bang p-pumasok?" Nahihiya niyang sabi.

Mahina naman akong natawa. "Bakit nauutal ka?"

Nanlaki ang mata niya at maliit na ngumiti. Nawala ang ngiti niya nang mapatingin ng diretso sa mata ko. "N-Namumula yung mata mo."

Napahawak naman ako sa mata ko at laking gulat ko nang nasa harapan ko na agad siya.

Napalayo naman ako. "S-Sorry."

Umiling ako at nginitian siya. In fairness gwapo siya. Pero not my type. Mukha siyang totoy para sa akin. Nauutal pa siya habang kinakausap ako.

"C-Can I ask you?" Nagaanlinlangan niyang sabi.

"You're asking." Natatawa akong sabi

"Ah.." Mahina siyang natawa. "W-What are y-you d-doing here? H-Hindi ka ba nilalamig?" Pinasadahan niya ang suot ko.

Umiling ako. "Huwag ka ngang mautal. Ako lang naman 'to e." Tumatawa kong sabi.

Napahawak siya sa batok. "I-I'm not really a friendly..that's why I'm here."

Nanlaki ang mata ko at tingnan ko siya. "Oh? Hindi kita napansin dito." Tumingin pa ako sa paligid.

May tinuro siya sa likuran ko kaya sinundan ko 'yon ng tingin. Puro puno at may malaking bato. Madilim ang bandang 'yon na kapag nandon ka walang sinong makakakita sa'yo.

"Nandon ako."

Tinanguan ko siya. Namutawi ang katahimikan. Binalik ko ang atensyon sa dagat. Naramdaman ko ang pagtabi niya sa akin at pagtingin rin sa dagat.

"Ano nga pa lang ginagawa mo doon?" Tanong ko.

"Ayoko sa loob. Maingay. Magulo. Ang daming tao." Sabi niya at ramdam ko sa boses ang inis.

Midnight Confession (Paradise Series#1)Where stories live. Discover now