Kabanata 4

311 12 0
                                    


Owen


"Is she okay?"

"Yes. She's just resting."

"Thankyou."

Unti unti kong iminulat ang mga mata ko at ipinalibot ang tingin sa paligid.

Nasaan ako?

"Miss Florencia!"

Napatingin ako sa tumawag sa akin ngunit hindi ko maaninag ang itsura niya pero kilala ko ang boses niya.

"S-secretary.."

"Okay ka na ba?" Ramdam ko ang pagaalala sa kaniyang boses.

Akmang uupo ako ngunit pinigilan niya ako.

"Humiga ka lang. Kailangan mo magpahinga. Pabalik na rin si Mayor Samuel. Hintayin na lang natin."

Tila hindi nagsink in sa akin ang mga nangyari. Saka ko lang naalala nang marinig ko ang pangalan ni Samuel.

Umiling ako. "G-gusto ko na u-umuwi."

"Ha? Mayor will get mad." She said.

"S-secretary.."

"Just call me Cosima." She said.

"Cosima...uuwi na ako.."

Napaupo siya sa upuan na nakalagay sa tabi ko. Inangat ko ang sarili ko. Ang kalahati ng katawan ko ay nakahiga samantala ang likod ko nakasandal sa head board.

"But...mayor will get mad at me." She said, biting her lips.

Ibang-ibang Cosima ang nasa harap ko. Ang kilala kong Cosima ay yung tinarayan ako nung unang pagkikita namin.

"P-please..." Pagmamakaawa ko.

Tumitig muna siya sa akin bago tumango. Tumayo siya at pasimpleng sinarado ang pinto. Bumalik siya sa akin.

Inalalayan niya ako patayo ng kama. Nginitian ko siya. "Kaya ko na."

"Sure ka? Baka bigla kang matumba." Sabi niya.

Tumayo ako at muntikan pa akong matumba buti na lang agad akong inalalayan ni Cosima.

Naiilang pa rin ako sakaniya. Napakasungit niya nung una naming pagkikita tapos ngayon inaalalayan niya ako.

Lumapit ako sa bag ko. Naalala ko na hindi ko nga pala dala ang cellphone ko.

Hinarap ko siya. "May cellphone kang dala? I-te-text ko lang sana si Talia. Magpapasundo ako. Ano bang address dito?"

Napakamot siya sa ulo. "E Miss-"

"Florencia na lang."

Napatingin siya sa akin at napatango tango. "Florencia, hindi ko dala yung cellphone ko. Saka hindi ko alam yung address dito."

"Ha? E kaninong kwarto 'to?" Nagtataka kong tanong.

"E, kasi nung bigla kang nahimatay nung pagbukas ko ng pinto, Hindi ko alam ang gagawin ko kaya tinawagan ko kaagad si Mayor. Sa tingin ko isa ito sa mga bahay ni Mayor." Pinalibot niya ang tingin sa paligid.

Wala na akong oras para ipalibot pa ang tingin sa palagid. Hindi ko na rin ito magagawang purihin. Kailangan ko ng umuwi bago pa ako balikan ni Samuel.

"Ipapahatid na lang kita sa driver sa labas." Sabi niya.

Akmang magsasalita ako nang biglang malakas na bumukas ang pinto. Habol habol ko ang hininga ko dahil sa gulat.

Akala ko si Samuel. Si Talia pala. Halata sakaniyang mukha ang pagaalala at kunting galit.

Dali dali siyang lumapit sa akin at ipinalibot ang tingin sa buong katawan ko.

Midnight Confession (Paradise Series#1)Where stories live. Discover now