Kabanata 16

131 7 0
                                    


Aalis kami


Dali dali kong inayos ang mga gamit ko. Tinext ko rin si Talia na siya muna ang maglinis ng karenderya ko dahil kailangan kong puntahan si Mama.

Halos mayanig ang mundo ko nang marinig ko ang sinabi ng Ina ni Owen. Nasusunog ang bahay namin at nasa loob si Mama. Hindi raw nila ito mahanap.

Bago ako matapos sa pagaayos ng gamit ko ay dumating si Talia kasama ang ilang katulong.

"Florencia, Anong nangyari kay Tita?" Natataranta nitong sabi.

Inutusan niya na ang kasamang katulong na maglinis. Inabot ko din sa isang katulong ang susi.

Umalis na kami ni Talia. Lakad takbo ang ginawa ko para lang makarating agad sa bahay.

Napatigil ako sa pagtakbo at napaatras.

Yung bahay namin nasusunog. Malakas rin ang apoy. Nanghihina akong naglakad papunta roon.

"Florencia."

Dali dali kong binuksan ang cellphone ko at tinawagan si Samuel. Hindi ko alam pero kailangan ko siya ngayon.

Nanginginig ako pero nagawa kong tawagan si Samuel.

"Florencia?"

"S-Samuel t-tulong..."

"What the... why are you crying? What happened? Where are you?"

"Y-Yung b-bahay namin. N-Nasusunog... S-Si Mama n-nasa l-loob."

"Papunta na ako."

Umiiyak lang ako habang tinitignan ang bahay. Hindi ko na kayang tignan lang. Kailangan kong pumasok.

Binitawan ko ang bag ko at tumakbo papasok. Tinawag pa ako ni Talia.

Saktong nakasalubong ko si Owen na palabas ng bahay. Panay ang ubo. Laking gulat niya nang makita ako.

"Huwag ka pumasok delikado!"

Nilingon ko siya nang bigla niya akong hawakan sa braso. "Bitawan mo ako Owen."

"Delikado nga! Ako na ang kukuha kay Mama Flora."

Tinagal ko ang pagkakakapit niya. Napatigil ako sa pinto at pansin kong patumba na ito papunta kay Owen kaya mabilis ko siyang tinulak palabas.

Tumilapon naman ako papunta sa loob. Nasa ang daan palabas dahil sa malaking pinto.

"Florencia!"

Malakas akong napasigaw nang may nahulog sa binti ko. Napahikbi ako sa sobrang sakit.

Inalintana ko ang sakit non at tumayo. Naglakad ako papuntang kusina. Maliit lang ang bahay namin kaya madali ko lang mahahanap si Mama.

Panay ang tingin ko sa paligid ngunit puro apoy lang ang nakikita ko at mga usok.

Ubo naman ako nang ubo. Hinahawi ko rin ang mga usok na napupunta sa mukha ko.

Naaninag ko ang mga gamit na nahulog. Paika ika akong naglakad palapit doon.

Nang maglalakad ulit ako ay bigla akong napatid. Buti na lang ay walang ibang matutulis na bagay ang nasa sahig.

Tinignan ko ang nakapatid sa akin. Hinawakan ko 'yon laking gulat ko nang makitang paa 'yon.

"M-Ma?"

Sinundan ko ng tingin ang mga gamit. Mabilis kong tinanggal 'yon at nanginig ako nang makita ko si Mama. Puro dugo ang mukha niya na mukhang galing sa uluhan niya. Nilapitan ko siya.

"Ma!"

Niyugyog ko siya nang niyugyog pero hindi siya nagigising. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Basang basa na ng luha ang pisngi ko.

Midnight Confession (Paradise Series#1)Where stories live. Discover now