Kabanata 15

159 11 0
                                    


Flora


"Anak, kamusta naman ang karenderya mo?"

"It's fine, Tita. Madaming taong kumain. Nagustuhan nila ang luto ni Florencia." Si Samuel na mismo ang sumagot non para sa akin.

Napaiwas ako ng tingin sakaniya. Tinignan ko ang plato na may lamang pagkain. Hindi ko pa rin ito ginagalaw simula kanina.

Ramdam na ramdam ko pa rin ang labi niya sa akin. First time ko 'yon kaya hindi ko alam ang mararamdaman sa nangyari.

Buti na lang at dumating na agad si Mama kaya bumitaw sa pagkakahawak si Samuel sa akin.

Masyadong malawak naman ang pagiisip ni Mama kaya hindi niya pinagdududahan ang kinikilos ko.

"Anak?"

"Po?" Mahina ang boses ko. Inangat ko ang tingin sakaniya.

"Ayos ka lang ba? Namumula ka." May bahid na pagaalala sa tono niya.

Mabilis akong tumango. "O-Opo, Ma. M-Medyo mainit lang. Alam mo naman po na kapag m-mainit ay n-namumula ako." Nauutal kong sabi.

Nangunot ang noo niya at naningkit ang mata. Iniwas ko ang  tingin sakaniya at nagsimula nang kumain.

"How are you, Tita?"

Nagsimula na ulit silang magkwentuhan. Hindi na ako nakikisali dahil kung saang lupalop ng bansa namin napupunta ang isip ko.

Simpleng kiss lang 'yon pero ganito na ang nararamdaman ko.

Big deal sa akin 'yon dahil unang halik ko 'yon. Napakagat ako sa labi.

Nagsasalita lang ako kapag tinatanong ako ni Mama. Napapasulyap rin ako kay Samuel kung may pagkakataon.

Nahahalata ko ang pagaalala niya. Nginitian ko na lang siya to make sure na okay lang ako.

Natapos ang masayang kwentuhan nila. Oo, nila lang. Dahil hindi nama ako nakikisali.

Si Mama na ang nagprisentang maghugas ng pinagkainan.

Nagpasya na ring umuwi si Samuel dahil may byahe rin ito pauwing Manila.

"Hindi ba't delikado ng magmaneho sa gabi?" Nagaalala kong sabi.

Nilingon niya ako. Nakatayo kami sa tabi ng gate. Hinatid ko siya sa labas hindi dahil utos ni Mama. Dahil gusto ko pa rin siyang masilayan.

Nakakabaliw pala kapag nagmamahal.

"Oh! my baby is concern." He said playfully.

Inismiran ko siya. "Oo concern talaga ako. Sa kotse mo."

He laughed. Pinisil niya ang pisngi ko. "Are you mad?"

Nanlaki ang mata ko at natawa. "Bakit naman ako magagalit? Sa anong dahilan?"

Hinarap niya ako. Pumamulsa siya at nilagay ang hinlalaki sa gilid ng labi.

"Uh.. kanina... Sorry. I-I just carried away." Nahihiya niyang sabi.

"That was my first kiss."

Lumapit ako sakaniya at nagulat naman siya kaya napaatras siya ng kaunti.

Nagagawa kong panerbyosin si Samuel? The Mayor of our town? Is this a achievement?

"It's okay. It happened."

He licked his lower lip. "Still, sorry. Basted na ba ako n'yan?"

Natawa naman ako. "Hindi. But you make me so uncomfortable."

Midnight Confession (Paradise Series#1)Where stories live. Discover now