Kabanata 11

152 9 0
                                    


Jealous


"Florencia!"

Napalingon ako sakaniya. Tumaas ang kilay ko nang mapansin na hinihingal siya.

"Anong ginagawa mo dito? Wala ka bang trabaho?" Tanong ko.

Kinakandado ko ang gate namin dahil may pupuntahan ako. Maghahanap ako ng pwedeng pagpwestuhan ng karenderya ko.

Gusto ko ay yung medyo malapit lang sa baranggay namin para pwede ko lang lakarin kapag uuwi at kapag uuwi ako doon.

Baka kapag katapos ng election ay magsimula na ako o bago mag election. Medyo wala pang budget kaya hindi muna sa ngayon.

Mag dadown muna ako ng bayad ngayon para sa upa. Para naman kapag magsisimula na ako hindi na ako mamomroblema ng babayaran.

"Where are you going?"

Napatingin ako sakaniya. Pinalibot ko ang tingin sakaniya. "Bakit pawis na pawis ka? Tumakbo ka ba?" Kinuha ko ang panyo sa bag at inabot sakaniya.

Nakangisi niya namang kinuha 'yon at ipinunas sa mukha. Umiwas ako nang tingin dahil sa mga titig niya.

Ano na naman bang trip niya at tinititigan niya na naman ako. "A-Ano pa lang ginagawa mo dito?"

Inayos ko ang suot ko. Naka floral white dress lang ako at simpleng flat shoes. Pinasadahan ko naman ng tingin ang suot niya. Blue v-neck t-shirt at khaki short with his topsidder.

"Binibisita ka. Where are you going?"

Napakamot ako ng ulo. "E, napagisipan ko na dapat nga ako magtayo ng sariling karenderya dahil sayang naman ang talent ko sa pagluluto." Biro ko.

Napatango siya. "Namiss kita!" Nakanguso niyang sabi.

Bigla ko namang naramdaman ang pagiinit ng pisngi ko. Hindi pa rin talaga ako sanay na ganito siya sa akin.

Araw araw naman kami nagkikita dahil gumagawa talaga siya ng paraan para mapuntahan ako.

Pursigido rin siya sa panliligaw. Minsan niya na rin tinulungan si Mama sa paghuhugas ng pinggan kahit hindi naman na kailangan.

Nagpaalam rin siya kay Mama na kung pwede manligaw at siyempre pumayag agad si Mama.

Pinagluto niya rin kami ng hapunan nang minsan siyang pumunta dito.

Araw araw niya rin akong binibigyan ng isang tangkay ng bulaklak.

Lagi niyang pinapatawa si Mama. At gustong gusto ko ang bagay na ginagawa niyang 'yon. Dahil sa lahat, ang pagtawa lang ni Mama ang pinakagusto ko. Dagdag na lang si Samuel. Napailing ako.

Hindi siya pumapalyang pangitiin ako sa bawat araw.

Ganon ba kapag nanliligaw?

Hindi ko alam na marunong pala manligaw si Samuel. Siguro ay nagkagirlfriend na siya noon?

Imposibleng wala siyang naging girlfriend noon. Dahil hindi naman maipagkakaila na habulin talaga siya. Kahit siguro'y matatanda humuhumaling sakaniya. Iba talaga ang charms ng isang Samuel Jalmanzar.

Gusto ko mang itanong ngunit nahihiya ako. Ayoko namang manghimasok sa buhay niya dahil nahihiya talaga ako magtanong ng kung ano ano sakaniya.

Mahina akong natawa. "Ha? E, kasama mo lang ako kahapon."

"E, sa namiss kita. Anong magagawa ko?" Para niyang batang sabi.

Hindi ko talaga maintindihan ang paguugali niya. Minsan ay para siyang tatay kung umasta minsan parang kaibigan at ngayon ay para namang batang maliit.

Midnight Confession (Paradise Series#1)Where stories live. Discover now