Kabanata 21

207 9 0
                                    


Drunk


What the hell was that?

Nakadrugs ba 'to?

Hinila ko ang braso ko kaya napabitaw siya ng hawak. Nilingon niya ako. Napaayos ako ng tayo nang makita ang tingin niya.

"A-Ano? Bakit ka ganiyan tumingin." Bakit nauutal ako? Maliit akong umatras.

Humakbang namana siya palapit sa akin. "You're flirting with that man."

Napatigil ako sa pagatras. Ano bang sinasabi niya? Is he jealous? Oh come one! He's not! Bakit naman siya magseselos kung wala naman siyang feelings sa akin Right?

"Oh ano naman sa'yo 'yon? Wala kang pake kung sino man ang landiin ko."

Umigting ang panga niya. "Stop flirting with someone else."

Napangiwi ako. "Huwag kang magsalita na parang boyfriend kita. Dahil una sa lahat we're not even close. Oh! Don't tell you're jealous, Don't worry I'll gonna make you jealous even more."

Tumaas ang kilay niya. May multong ngiti sakaniyang labi. "What are you talking about? I'm just protecting Lucas over you. You might hurt him. Don't worry too I'm not jealous."

Nilagpasan niya na ako at nakapamulsang naglalakad. Sinundan ko siya ng tingin.

What the fridge! Did I make a embarrassing moment? Pinahiya ko ang sarili ko!

Can somebody eat me now please? Sand eat me please I want to disappear!

I even assume that he's jealous even though I talk to myself inner. Bakit ba ang malas ko ngayon?

Ayoko siyang makita. Gagawa ako ng paraan para hindi ulit maglandas ang mga paa namin.

I will do my best to avoid him. Kahit isang sulyap hindi ko gagawin. I swear!

Nagmartsa ako paalis doon. Hindi ko alam kung saan ako dinala ng paa ko at napadpad na lang ako sa mukhang resthouse dito.

Napatigil ako at napatingin sa malaking bahay. Moderno ang design ng bahay. Kahit sino ay mapapatigil kapag nadaanan ito. Kaakit akit ang itsura ng bahay.

May nagmamayari pa ba dito? Dahan dahan akong naglakad palapit sa gate. May nakaukit doong pangalan o apelyedo. Hindi ako sure.

Diego.

May nakita akong isang litrato. May nanay at tatay. May dalawang babae. Nakangiti sila at masasabing kuntento sa buhay. May narining akong pagbukas ng pinto kaya naglakad na ako paalis.

Bigla akong nakaramdam ng lungkot.

Mama, Papa, miss na miss ko na kayo.

Umalis na ako sa banda doon at bumalik na ulit sa matatao. May nadaanan akong souvenir shop at pumasok ako doon.

Nagtingin tingin ako ng mga porselas. Pwede ko itong ibigay sa mga katrabaho ko. Since mga kaibigan ko na rin sila.

Parang dati lang ay lima lang kaibigan ko. Ngayon ay dumami na. Ganito pala ang pakiramdam na may maraming kaibigan. Masarap sa pakiramdam dahil kahit wala na akong magulang ay pakiramdam ko may pamilya pa rin ako dahil sakanila.

Nang matapos akong mamili ay lumabas na ako. Napatigil ako nang marinig ko 'yon.

"Buko juice kayo d'yan!"

Agad akong lumapit sa buko juice vendor. "Manong, magkano po ang isang cup?"

Napatingin ito sa akin at napatigil nang sandali. Kumaway ako sakaniya. "Uh... manong."

Midnight Confession (Paradise Series#1)Where stories live. Discover now