Kabanata 24

194 8 0
                                    


Partner


"Ma'am nasa baba po si Ma'am Leah."

Nilingon ko siya. "Pakisabi tulog na ako."

She was confused but she just nodded at me. She closed the door. I looked back outside.

I should be happy because he won't bother me anymore. He will no longer force himself on me.

Dapat masaya ako kasi... kasi hindi na siya lalapit sa akin. Hindi niya na ako papansinin. Hahayaan niya na lang ako.

Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit nasasaktan ako? Bakit sumisikip ang dibdib ko? Bakit gusto ko siyang tawagin at bawiin lahat.

Bakit bumalik? Bakit ko hinayaang maramdaman 'to ulit? Bakit mahal ko siya ulit? Ang daming bakit pero hindi kayang sagutin.

Maybe I didn't lose my love. Five years later it is still here. He even hurt me. He even made me look stupid. He even played with me. Kahit ang sakit nung ginagawa niya. Nung pamilya niya. Mahal ko pa rin siya.

Sumulyap ako sa cellphone ko. Nagbabakasakaling magtext siya bawiin lahat ng sinabi niya.

Mas gugustuhin ko na lang siguro guluhin niya ako sa araw araw than avoiding me.

Nagpakawala ako ng mahabang buntonv hininga. Tumayo ako at pumasok sa loob ng kwarto. Humiga ako sa kama at pumikit at hinayaan ang sarili na makatulog.


Namamangha ako habang pinapalibot ang tingin sa paligid. Ngayon ang araw na kasal. Dito mismo sa resort gaganapin dahil dito raw sila nagkakilala.

How I wish I could also get married in the place where I met the one I love. But everytime I imagining that I always realized that Samuel is the one I love.

Ilang araw ang nakakalipas. Hindi siya nagpapakita sa akin. Totoo ngang hahayaan niya na lang. Pero bakit ang sakit? Lagi ko siyang hinahanap.

Nang minsan pumunta siya sa bahay ayon lang ang araw na sinundo niya si Nina. Ni isang 'di sinasadyang tingin hindi niya nagawa. Tanging kay Nina lang ang tingin niya.

Ang sakit na makitang parang hangin lang ako sakaniya. Yung mga mata niyang laging sa akin nakatingin. Iba na ang tinitignan. Yung ngiting binibigay niya sa akin. Sa iba na niya pinapakita.

Sobrang tanga ko sa punto na iniyakan ko siya ng buong gabi at kinabukasan nagmukha akong chinese dahil sa sobrang pamamaga ng mata ko.

Kasalanan ko naman diba? Pinagtabuyan ko siya. Inayawan ko siya. Kung ano anong masasakit na salita ang sinabi ko tapos ito ako ngayon iiyak iyak. Ang tanga mo Florencia. Ngayon umiyak ka na lang.

"Florencia, Tara na."

Hinarap ko si Addison. Nginitian ko siya at tinanguan. Pumila na kami dahil magsisimula na.

Napatingin ako sa paligid nang mapansin na ako lang ang walang kapartner. Nilingon ko si Addi na kaharutan si Isaac.

"Okay lang ba kahit walang ka-partner?"

Napatigil sila. "May partner ka. Si-"

"Sorry I'm late."

Napatingin ako sa boses na pinanggalingan. Si Samuel pawis na pawis at hinahabol ang hiningang naglalakad papunta sa tabi ko.

Midnight Confession (Paradise Series#1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum