Kabanata 8

212 12 0
                                    


Robert


"Bye!"

Kumaway ako habang papaalis na ang sasakyan. Pagod akong ngumiti. Nantatamlay akong papasok sa bahay.

Bakit ganito? Kasama ko pa lang siya kanina saka kakahatid niya lang sa'kin pakiramdam ko ilang araw ko na siyang hindi nakikita.

Pinilig ko ang ulo 'ko para mawala sa isipan 'yon. Nababaliw na ako. Ganito ba talaga ang epekto kapag nagkakagusto?

Ma-search nga mamaya.

Pabagsak kong inupo ang sarili sa sofa. In-on ko ang tv at nanood ng cartoons doon. Sa tanda kong 'to napakahilig ko pa din sa cartoons.

Napatingin ako sa orasan. Alas singko na pala. Hindi pa ba uuwi si Mama?

Tumayo ako at pumunta sa kusina. Kumuha ako ng isang baso ng tubig at saka ininom 'yon.

Binuksan ko ang refrigerator. Pinalibot ko ang tingin. "Ano kayang pwede kong i-luto para kay Mama? Paniguradong pagod 'yon pag-uwi." Sabi sa sarili.

Nagpasya na lang ako na lulutuan ko siya ng ginataang isda. Habang naglalabas ako ng rekados may narinig akong busina ng sasakyan.

Napatingin ako sa labas. Nangunot ang noo ko. Imposibleng bumalik si Samuel dahil may biglaang emergency sa munisipyo.

Naglakad ako palapit sa pinto. Mas lalong nagsalubong ang kilay ko nang makitang na si Mama ay pababa sa 'di pamilyar na sasakyan.

Nang makababa si Mama ay agad niya itong sinarado. Hindi ko na nagawang sulyapan kung sino 'yon.

May boyfriend na ba si Mama? OMG!

Nawala ang ngiti ni Mama nang makita niya akong nakatayo sa may pinto.

"Anak.." Mahinang tawag sa akin.

Lumapit ako sakaniya at nagmano. "Kanina ka pa off duty diba po? Bakit ngayon ka lang umuwi?" Nagtataka kong tanong.

Nagaanlinlangan siyang ngumiti. "Pasok muna tayo, Anak. Mahamog na e."

Nilagpasan niya ako at pinanliitan ko siya ng tingin at saka sumunod. Nang makapasok kami nilapag niya ang bitbit na plastik sa lamesa.

Binuksan ko 'yon at tinignan ang loob. Pagkain 'yon na mukhang ti-na-ke out.

"Ma, sino 'yon?" Tanong ko habang abalang tinitignan ang dala niya.

May dala rin siyang maliit na cake.

"Sino?"

Napaangat ang tingin ko sakaniya. "Yung naghatid sa'yo." Seryoso kong sabi.

"Ah ayon ba? Kaibigan ko 'yon."

"Kaibigan? May kaibigan ka bang mayaman?" Nagtataka kong tanong.

"Kaibigan ko 'yon nung kolehiyo ako. Dapat talaga ay uuwi na ako. Kaso nakita ako ng isang kaklase ko dati. Ang sabi ay mayroon raw biglaang reunion. Sumama naman ako dahil minsan lang 'yon." Sabi niya.

"E, bakit 'di ka po nagsabi sa akin?"

"Katulad ng sinabi ko biglaan lang 'yon." Binalik niya ang atensyon sa pagkuha ng plato.  "Saka anak, lowbat na rin ang cellphone ko."

Hindi na ako nagsalita. Umupo ako sa upuan at isa isang nilabas ang pagkain.

"Kakain ka ba ulit, Ma?" Tanong ko nang makaupo siya sa katapat kong upuan.

"Kakainin natin yung cake. Gusto mo ba?" Nakangiti niyang tanong. Dahan dahan akong napatango.

Ngayon ko na lang muli nakita ang ganiyan niyang ngiti. Simula nang mamatay si Papa hindi na siya ngumiti ulit nang abot tengang ngiti.

Midnight Confession (Paradise Series#1)Where stories live. Discover now