Kabanata 19

157 7 0
                                    


Nina's friend


Tinungga ko ang basong binigay sa akin ni Lucas. Hindi ko alam kung ilang whisky na ang nainom ko. Sumasakit na rin ang ulo ko pero malinaw pa rin sa akin ang nangyayari ngayon.

Samuel is here. Nasa tapat ko siya katabi niya si Nina. I didn't know na magkaibigan sila. Paano nangyari ito?

Habang nasa Manila ba ako ay nagkilala sila? Wala naman talaga akong pake kung magkaibigan sila pero shoks! May chance na pwede ko siyang makasama kung saan kami pumunta since he's Nina's friend. Why I'm suffering this?

Hindi kaya alam niyang kaibigan ko si Nina so that's why kinaibigan niya ito? May kailangan pa ba siya sa akin? Kulang pa ba yung pinadama niya? Because of his family my Mom died. His mother is a witch.

"Tama na 'yan, Florencia. Ang dami mo ng nainom." Pagaawat sa akin ni Lucas nang iinumin ko sana ang basong nasa harap ko.

Kinuha ko ang basong hawak niya. "Huwag mo nga akong pakilaman. Hindi pa naman ako lasing. Let me drink this since sobrang tagal na huling uminom ako." Ngisi ko sakaniya.

Napailing na lang siya at hinayaan ako. Tinungga ko na 'yon at binagsak sa lamesa. Sabay sabay silang napatingin sa akin.

"What?" Nakataas ang kilay ko.

"Anong problema mo?" Si Leah.

Umiling ako. "Kapag may problema lang ba dapat uminom?"

"Knowing you hindi ka umiinom kapag walang problema." Si Echo.

Nginitian ko siya. "What is purpose to bring our here kung hindi ako iinom? Duh! I just want to be happy."

Napailing sa akin si Echo. Bumalik sila sa pagkukwentuhan at hinayaan nila akong uminom dito. Kahit marami na akong nainom alam ko pa rin ang ginagawa ko. They don't need to worry I can handle myself.

Tinungga ko na ang bote dahil nakukulangan ako sa baso and I'm so lazy para maglagay pa.

Biglang nagtama ang tingin namin ni Samuel. Mariin siyang nakatitig sa akin habang kinakausap siya ni Nina.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Why are you staring?"

Napatigil sa pagsasalita si Nina at hinarap ako. "Florencia?"

Napanguso ako at tinuro si Samuel. "Your boyfriend is staring at me. I think type niya ako." Mapaglaro kong sabi.

Natawa naman si Nina. "What are you talking about? Alam mo lasing ka lang." Tinignan niya si Lucas na nasa tabi ko habang ang mata ko ay nalipat naman kay Samuel na nakatitig pa rin sa akin. "Lucas, iuwi mo na si Florencia. Lasing na lasing na siya oh!"

Napatayo ako. "Oh come on! I don't want to get home! Gusto ko pa mag party!" Malakas akong sumigaw. Sinaway naman ako ni Isaac. Nakakahiya raw ako tinawanan ko lang siya.

Napatigil ako sa pagtalon. Tinuro ko si Samuel. Hindi nagbabago ang ekspresyon niya na nakatingin pa rin sa akin.

"Saan mo pala siya nakilala?" Tinignan ko si Nina.

Umayos siya ng upo. "Sa Manila. Remember when my brother invite me in his big event. I met him there. His friends of my brother."

Tumango tango ako. "Akala ko magboyfriend girlfriend kayo. Hindi ka naman mahirap magustuhan since you're so beautiful. Bagay naman kayo ni... oh! I forgot his name, what is it again?"

"Samuel."

Ngumiti ako at kasabay na pagtango. "Samuel... right Samuel. Bagay naman kayo. Sa dance floor muna ako guys. See you later!"

Midnight Confession (Paradise Series#1)Where stories live. Discover now