Kabanata 29

233 11 0
                                    


Space


Kanina pa ako hindi mapakali sa sofa. Kanina ko pa rin hinihintay si Samuel.

Matapos ang sagutan namin ni Nina ay pagkauwi ko. Bigla na lang siyang tumawag kay Samuel. At kinabahan agad ako ng husto dahil baka kung anong nangyaring masama sakaniya at kasalanan ko pa.

Mas lalong dumoble ang kaba ko nang marinig na ang nanay ni Nina ang tumawag at nasabing sinugod ito sa hospital.

Tila tumigil lahat ng nagfa-function sa katawan ko. Namuo ang pawis ko at ilang lunok ang nagawa ko.

"S-Samuel..."

Halata sa mukha niya ang pagalala. "Si Nina, nasa hospital. Kailangan kong pumunta. Hintayin mo 'ko dito."

Kanina pa ako tulala. Gusto ko sana tawagan si Samuel upang tanungin kung ano ang nangyayari ngunit hindi ko magalaw ang katawan ko. Nakatingin lang ako sa kalawakan.

Maya maya pa ay bigla akong humagulgol. Kasalanan ko 'to. Sana hinayaan ko na lang si Samuel. Kung hindi ko ba siya pinabalik dito ay kay Nina siya pupunta?

Tama si Nina, inaagawan ko ng ama ang magiging anak niya. Napakasama ko.

"AHHHHH!!!!" napapasabunot ako sa buhok.

Natatakot ako....

Natatakot ako sa posibilidad na mangyari kay Nina pati sa bata. Kung mangyari man 'yon ay buong buhay ko ito dadalhin at hindi ako magiging masaya.

"Mama..."

"Mama..." napaangat ako ng tingin. Nanlalabo ulit ang mata ko.

Nanghihina ako pero nagawa kong tumayo. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam pero tila magisang gumagalaw ang paa ko papunta sa kung saan.

Patuloy ako sa pagiyak at napansin na nasa tapat ako ng guest room. Dahan dahan kong binuksan 'yon.

Naamoy ko kaagad ang pabango ni Samuel na bumabalot sa loob ng kwarto. Mas lalo akong naiyak. Napahawak ako sa dibdib.

Dahan dahan akong naglakad papunta sa maliit na cabinet doon.

Ilang beses akong napapikit bago buksan ang loob. Isa isa kong kinuha ang damit at nilagay sa bag.

"Florencia?"

Tila nabablangko ang isip ko. Ang tanging gusto ko na lang mangyari ay matapos na ang nangyayaring ito. Gusto ko ng katahimikan. Ang tanging naiisip ko lang na paraan ay umalis siya dito.

"Fuck! What are you doing?"

Napaangat ako ng tingin pero dahil sa luha ay hindi ko gaano naaninag ang taong 'yon pero kilala ko ang boses.

"S-Samuel..."

Pinahid ko ang luha at nakita ko na siya. Dali dali siyang lumapit sa akin at niyakap ako. Gusto kong magpumiglas pero tila nanlambot ako.

Nang maramdaman ko ang bisig niya sa katawan ko ay bigla nawala ang mabigat na nasa dibdib ko.

"S-Samuel... a-ayoko na..." nagsimula ulit akong humagulgol.

"Shh baby... don't cry, I'm here..." hinahalik halikan niya ang tuktok ng uluhan ko at marahang hinihimas ang ulo ko.

Marahan ko siyang tinulak. Ngunit kahit marahan 'yon ay umalis siya sa pagkakayakap na tila alam niyang gusto ko siyang umalis.

"Anong ginagawa mo sa mga damit ko?"

Hindi ko siya sinagot. Patuloy ako sa pagkuha ng mga damit niya at pinaglalagay sa bag.

"Baby... answer me..."

Pinahid ko ang luhang dumaosdos sa pisngi ko.

"Do you want me to leave?"

Midnight Confession (Paradise Series#1)Where stories live. Discover now