Kabanata 10

178 9 0
                                    


Bilao


Sumasakit na ang mata ko sa kakatulala. Isang linggo na rin ang nakakalipas simula nang lumabas kami ni Samuel.

Masasabi kong napakasaya ng araw na 'yon. Buong buhay kong babaunin ang pangyayaring 'yon.

Sa sobrang saya kala ko ay mapupunit ang labi ko. Hindi ko maintindihan ang sayang naidulot niya kahit pa ay nilibot lang naman ang buong oceanarium.

Buong hapon ko ding pinagmamasdan ang mga isdang walang pakeng lumalangoy kung saan.

Nagbalak rin akong bumili ng isda. Kaso naalala ko ay wala pala kaming aquarium. Nag-insist naman si Samuel na bibilhan niya ako ng aquarium at ilang isda. Agad rin naman akong tumanggi. Nakakahiya.

Hindi naman pwedeng ginaganito niya ako. Kung anong gusto ko ay ibibigay niya agad sa akin. Mas masarap kapag nakuha mo yung bagay na gusto mo dahil 'yon sa pagtiyatiyaga mo. Hindi dahil may taong tutugon non.

Nung una ay nagpumilit si Samuel pero kalaunan ay hindi niya na lang ipinilit. Dahil na rin sa hindi ko pagpansin sakaniya.

Mukha siyang batang hindi nabilhan ng candy sa oras na 'yon. Kahit gusto nang tumawa pinigilan ko lang dahil baka ay ipilit niya pa ulit ang pagbili sa akin ni aquarium.

Buti na lang ay may nagtuloy ng naudlot kong paglalaba. Tinawagan ni Owen ang isa sa mga kaibigan niya na naglalabandera. Dahil kung hindi 'yon nalabhan baka mapingot ko ng pino si Samuel.

Abala rin si Samuel sa nalalapit na eleksyon. Medyo kinakabahan ako para sakaniya.

Balita ko ay maraming naghuhumaling rin kay Hudson. Mabait at napaka mapagmahal niyang tao ayon sa mga chismosa sa labas.

Siguro kaya nila sinasabi ang salitang 'yon ay dahil masasabi kong napakakisig nitong si Hudson.

Pero walang makakatalo sa kakisigan ng isang Samuel Jalmanza. Naku, kung marinig niya ito ay baka pumalakpak ng malakas ang tenga niya.

Dinig ko din na unti unting nakukuha ni Hudson ang loob ng mga tao.

Tss. Matalo o manalo man si Samuel. Pwede pa rin siya tumulong sa mga tao. Hindi na yata mawawala sa pagkatao niya ang pagiging matulungin. Pero sana siya nga ang manalo dahil maganda talaga ang pamamalakad niya sa lugar namin.

Saka kahit matalo siya. Panalo pa rin naman siya sa puso ko. Napahagikhik ako. Ang landi mo! Ayan search ka nang search tungkol sa love. Ang dami mo ng nalalaman. Kasalanan mo 'to internet! Kagigil ka!

"Hoy!"

Nahulog ako sa upuan dahil sa gulat. Mabilis kong nilingon si Talia na malakas na tumatawa sa likod ko.

Padabog akong tumayo at masama siyang tinignan.

"Ano bang problema mo, babaita ka!" Naiinis kong sabi habang nakaturo sakaniya.

Sandali siyang tumigil sa pagtawa at muli na namang tumawa. Umiling na lang ako at umupo muli.

Hindi ko na lang siya pinansin at binalik ang atensyon sa pagaayos ng ilalako ko.

Nang nakaraang araw ay wala na talaga akong magawa kaya naisipan kong maglako. Tuwing umaga ay naglalako ako ng iba't ibang kakanin. Sa hapon naman ay mga meryenda.

"Florencia, masyado ka ng nahuhumaling kay Samuel." Sabi niya at alam kong nakangisi siya.

"Issue ka na naman. Saka bakit ko naman kahuhumalingan si Samuel?" Nakataas ang kilay ko habang nakatingin sakaniya.

Umupo siya sa harap ko habang suot pa rin ang ngisi. "Bakit hindi mo itanong 'yan sa sarili mo?"

Tinarayan ko siya. "Ano bang ginagawa mo dito?"

Midnight Confession (Paradise Series#1)Where stories live. Discover now