Chapter 3

23.3K 889 253
                                    

Silhouette

"365 po lahat, ma'am," nakangiting saad ng lalaking nasa counter.

Tinanguan ko lang siya bago ibigay ang limang daan sa pitaka ko.

Hindi ko gets kung bakit kanina pa 'to ngiti nang ngiti sa akin. Kulang na lang mapigtas na labi niya sa lapad nang pagkakangiti.

Hindi naman ako innocent para hindi mahalata. Walang duda, walang halong paga-assume, crush ako nito.

Pati sa pag-aabot ng sukli ay nakangisi siya, titig na titig pa sa mukha ko.

"Pre," tawag ko sa atensyon niya at sinenyasan pa siyang lumapit.

Nilapit niya ang mukha kaya pasimple akong bumulong sa kaniya.

"Huwag masyado malapad ang ngiti, may tinga ka pa."

Kinindatan ko muna siya bago lumayas sa harapan niya dala-dala ang mga binili ko.

Nang makalabas sa convenient store ay dali-dali kong hinugot ang cellphone sa bulsa nang sunod-sunod ang pagtunog nito.

Sino na namang mga admirers ang nagkakagulo sa akin?

Binuksan ko ang kauna-unahang message.

From: Kal

Acid, kailan mo ba sasagutin ang mga tawag namin?

Ngiting asong nagtipa ako ng reply para sa lalaking 'to. Masyado kayong makulit, ha.

To: Kal

Kapag 13 na ang months.

Ngiting tagumpay na binuksan ko ang pangalawang message.

From: Zezesto

Silhouette, laban mamaya, madaling araw. Alam mo naman banat mamaya dito.

Napatingala ako para alalahanin kung anong petsa na ba ngayon. Kahapon Biyernes, Sabado na pala ngayon?

Ang bilis naman ng araw, parang nag-nae nae lang sa harapan ko 'yung Friday tapos Sabado na agad.

Hindi ko na sana re-replyan ang lalaking 'to nang maalala na kailangan ko nga pala ng pera para makabili ng kulungan ni CowCow.

Hindi naman ako mayamang tao, nakikipag-basag ulo lang para magkapera. Malaki kasi ang kinikita ko sa arena na 'yon, isang daang libo kapag nanalo.

Partida lagi akong panalo, siguro millionaire na ako kung hindi lang ako matakaw.

Mabilis akong nagtipa ng maikling sagot kay Zesto.

To: Zesto

Laban ako mamaya. Lista mo na ako. Gusto ko kalaban sa Greatest Warshocker.

Ibinulsa ko na ulit ang cellphone at dumiretsyo sa direksyon ng motor ko.

Mabilis akong sumakay dito at nagsuot ng helmet, mahirap na, baka may makakilala pa sa aking stalkers, hindi ako prepared sa mga fan signs.

Naks, yabang ko talaga.

Puro hangin ata laman ng utak ko simula noong mawala ako sa agency.

Pinaharurot ko ang motor at nilagpasan lahat ng mga pagong na sasakyan sa daan.

Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa bahay bitbit ang supot na naglalaman ng mga cup noodles, pati pagkain ng pagong na 'yon.

Nang maiparada ang motor sa loob ay sinarado ko na ang gate na may nakapaskil na "Beware of the owner."

Dire-diretsyo akong lumasok sa loob, nang buksan ko ang ilaw ay natanaw ko agad ang alaga kong gumigiling-giling sa ibabaw ng lamesa.

"Lintek ka talaga CowCow! Anong klaseng stunt moves na naman 'yan?!" bulyaw ko rito.

Bagot na tumingin lang ito sa akin. Kung hindi ko lang 'to mahal matagal ko na 'tong sinalya.

Binitbit ko siya sa katawan gamit ang isang kamay at ipinatong sa unan na ginawa ko para sa kaniya.

"Ikaw pagong ka, kaonti na lang matitiris na kita. Binili-bili pa kita ng paborito mo tapos iiritahin mo lang ako?" asar na untag ko sa kaniya.

Pero wala talagang pake sa akin ang pagong na 'to, akala mo mabubuhay siya nang wala ako, hindi man lang ako kinikibo.

Nilabas ko sa supot ang paborito niyang pagkain. Nakangiting binigay ko sa kaniya 'yon na agad niyang nilantakan.

Mahina kong hinaplos ang likuran niya habang pinapanood siyang kumain.

"Dahan-dahan, CowCow, mukha kang hindi pinapakain ng ilang linggo," sabi ko.

Tuloy-tuloy lang ito sa paglantak. Halatang galit na galit.

"CowCow, dahan-dahan, CowCow."

Napamura ako nang marinig ang mismong sinabi ko.

"Tanginang pangalan 'yan, para akong natahol mag-isa. Sinong bobong tao ang magpapangalan ng CowCow sa isang bugnuting pagong? Edi ako," kausap ko sa sarili ko habang bahagyang sinusuklay ang buhok.

Habang kumakain ang magaling kong alaga ay kinuha ko ang cellphone nang biglang may tumawag dito.

Agad kong sinagot 'yon nang makita ang pangalan ni Zesto.

"Uy, Silhouette. Ano? Game ka mamaya?"

Nilapag ko lahat ng cup noodles sa lamesa at sumagot. "Oo, game ako. Basta gusto kong kalaban 'yung maskuladong tinuro ko sa 'yo noong isang linggo."

"Ah, si Great Warshocker?"

"Oo, talagang binanggit pa, baho ng pangalan," asar na sagot ko.

Rinig ko ang pagtawa niya mula sa kabilang linya. Pero hindi 'yon ang nakaagaw ng pansin ko, kung 'di ang isang mahinang kaluskos mula sa taas.

"Ge, Zesto, mamaya tayo mag-usap. May ise-seminar lang ako dito." Binaba ko na ang tawag kahit hindi pa siya sumasagot.

Kinuha ko sa ilalim ng lamesa ang baril, kanino na naman kayang alaga 'to?

"Pre, labas ka na, sino bang amo mo?" nakakunot noong tanong ko habang sinisipat ang anino niya.

Pero mali ata ako ng term nang bigla na nga lang lumabas ang taong 'yon mula sa sulok.

"Ay, sorry, girl ka pala. Mare pala dapat--" Mabilis kong sinalo ang patalim na hinagis niya.

Aba walanghiya 'tong babaeng 'to, nagsasalita pa ako, bastos.

"You're really tough. But I'm not sure about it, Silhouette. Hindi ko alam kung bagay ka ba sa grupo namin," nakangising saad niya habang bumababa sa hagdan.

Nababagot na pinagmasdan ko ang babae sa harapan.

"Nandito na kayo kahapon, tapos babalik ka na naman? Ano ba talagang kailangan ng Delta sa akin? Kulto ba kayo at balak n'yo akong gawin na diyosa? Sorry, wala akong time diyan," kibit-balikat na saad ko.

Kitang-kita ko ang pagkairita sa mukha niya.

"Masyado kang madaldal, babae, hinding-hindi ka magugustuhan ni Third bilang miyembro kung ganiyan katabas ang dila mo," mataray na saad niya habang matalim ang tingin sa akin.

"Okay lang, 'di ko rin naman siya magugustuhan." Nakangiting kumindat pa ako sa kaniya.

Mas lalo ko 'atang nainis. Galit niyang hinila ang patalim sa likod at nginisian ako.

Biglaan niya itong hinagis pero nagawa ko pa rin 'yong saluhin gamit ang dalawang daliri.

Napangisi ako nang makita ang gulat sa mukha niya.

"Come on Caspeia, bring it on."

KNIGHTS I-3: Nine Cards of Delta (Third Knights)Where stories live. Discover now