Chapter 42

18.7K 678 72
                                    

Silhouette

Binantayan ko si Third hanggang sa makapasok siya sa isang tagong kwarto sa event.

Tumikhim muna ako bago sumunod sa kaniya dala-dala ang food cart.

"Saan ka pupunta? Marami pang guest--"

Agad kong sinubuan ng napakalaking burger ang lintek na caterer na 'to. Talagang haharang pa sa daanan ko.

Lumiko ako sa pinasukang pasilyo ni Third atsaka iniwan doon ang food cart na hawak hawak.

Hindi ko pa nabubuksan ang pintuan nang may bigla na lang humigit sa akin papasok.

Napaatras ako nang makita kung gaano kadilim dito, pero hindi ako kinabahan dahil amoy ko ang pabango ni Third.

"Bakit ka ba nanghihila? Dahan dahan lang!" inis na singhal ko sa kaniya.

"I miss you," malambing na sabi niya bago ako halikan sa labi.

Agad ko siyang tinulak bago pa man humaba ang halikan namin. "Ang lakas ng loob mo, 'no? Parang wala kang kasalanan sa akin."

"What? What did I do again?!" takang tanong niya habang hinuhubad ang suot kong damit.

Naiiling na inayos ko ang pangloob ko na suit, itim na naman, napakainit pa sa katawan.

"Bakit nagtatanong ka pa?! Kahit parte 'yon ng plano, hindi ko man lang pinaliwanag sa akin!" sigaw ko at hinubad na rin ang nakakairitang pang-ibaba ko.

Nakahinga ako nang maluwag nang sa wakas ay matanggal ko na ang costume ko para sa event na 'to.

"You walked out suddenly, you didn't even ask me," sagot niya.

Napatahimik na lang ako dahil sa sinabi niya. Lumapit siya para patakan ng maliliit na halik ang labi ko.

"I'm sorry."

Kinikilig na napanguso ako. "Pere keng tenge. Enebe."

He chuckled on my left ear. "I'm sorry if you got jealous, baby."

Umirap ako. "Ako, magseselos? Utot mo. Ang saya ko nga kanina kasi malaya ako mula sa 'yo. May chikababes pa nga akong nakausap kanina--"

Agad kong sinarado ang bibig nang marinig ang pagkasa niya ng baril. Hinampas ko siya sa balikat nang makita kung paano umigting ang panga niya.

"I'll kill that fucking guy for talking to you! Hindi ka ba nakaramdam kanina?! Ha?!" galit na sigaw niya.

Napapaatras na lang ako sa tuwing sisigaw siya, sumandal ako sa pintuan para kalmahin ang sarili.

"Engot ka ba, boss? Paano naman kita mapapansin, e, nasa misyon nga tayo? 'Saka anong papatayin? E, syota 'yon ng kliyente natin!" Padabog ko siyang inabutan ng baril.

Kinuha niya ang baril na 'yon sa kamay ko, sinuksok niya 'yon sa pantalon niya bago ako yakapin nang mahigpit.

"Alright, don't be mad at me. Please do a good job up there," bulong niya sa akin.

"Tanginang good job 'yan, sino bang pumalpak sa pagiging sniper, Third?" bagot na tanong ko.

He grinned at me. "I hate to see you with bruises and cuts, so you better do that job. We'll take care of that clan's men. Just stay on the rooftop and shoot everyone with this kind of tattoo on their neck."

Tumango ako nang mabilis sa kaniya.

Pinatakan niya muna ng magaan na halik ang noo ko bago lumabas ng kwarto.

Hindi na ako naghintay pa ng ilang segundo, dumiretsyo ako sa veranda ng kwartong ito at tinanaw ang kabilang pasilyo.

Humawak ako nang mahigpit sa railings ng veranda bago talunin ang daan paakyat sa rooftop.

"Hoy! Anong ginagawa--"

"Ito piso, bili ka snowbear pagkagising mo," nakangising saad ko bago batuhin ang security guard ng piso.

Hindi pa siya nakakapagsalita ay agad ko na siyang hinampas sa batok para mawalan ng malay.

Kinuha ko ang susi sa desk niya bago takbuhin ang pintuan ng isang kwarto kung nasaan ang hagdan paakyat sa rooftop na tinutukoy ni Third.

Napamura ako nang ma-realize kung gaano karami ang susi na 'to. Aabutin pa ako ng ilang minuto.

Mukhang nagsisimula na ang giyera sa loob dahil nakakarinig na ako ng putukan ng baril.

Nataranta ako nang makarinig ng mga yabag papunta sa direksyon ko.

"Get that lady! She's a member of that freaking group inside the event!" maotoridad na sigaw ng isang lalaki.

Inis na lumingon ako sa likuran para lang makita kung gaano karaming men in black ang tumatakbo papunta sa akin.

Inabot ng kaliwang kamay ko ang baril sa baywang at gumilid ng 'onti para itutok sa kanila ang baril.

Ginamit ko ang kanang kamay para buksan ang pintuan gamit ang mga pesteng susi na 'to.

Walang emosyon na pinaputukan ko sila ng baril, tanging yabag lang nila ang pinagbabasehan ko.

Kinagat ko ang ibabang labi nang mabuksan ko na ang pintuan. Lumingon akong muli sa direksyon ng mga tangang men in black na 'to na nakahandusay na sa sahig habang naliligo sa sarili nilang mga dugo.

"Nice try, sali kayo tournament sa next life para bumilis takbo ninyo," nakangisi kong sabi bago pabalyang pumasok sa kwarto.

Sinarado ko ang pintuan a ni-lock 'yon, may pagmamadali sa bawat kilos ko hanggang sa makaakyat agad ako sa rooftop.

Pumwesto ako sa sniper na nakapuwesto roon na sa tingin ko ay sila Chios ang naglagay.

Inangat ko ang sarili at tinutok ang mata sa telescopic sight ng baril. Tinatagan ko ang balikat at braso.

Kung sino mang mahina ang gagamit nito, siguradong tatalsik kapag pinaputok niya. Kinailangan ko pang maghanda bago itutok ang sniper sa mga taong nakikita ko na may tattoo sa leeg.

Isa-isa ko silang pinaputukan, halos tumalsik ang mga ulo nila sa lakas ng epekto ng bala nito.

Napangisi ako habang tinatanaw si Third na walang kahirap-hirap sa pagbabaliko ng leeg ng mga kalaban.

Kinikilig na kinagat ko ang ibabang labi nang tumingin siya sa direksyon ko. He winked at me dahilan para mamula ang mga pisngi ko.

Nag-flying kiss pa ang gago, he even mouthed 'I love you' bago pilipitin ang leeg ng isang lalaki.

Kahit kinikilig ay sinikap ko pa ring magtrabaho sa taas.

Walanghiya ka talaga, Third, ikaw na yata ang magiging cause of death ko dahil sa mga pinaggagagawa mo sa akin.

Kung si Third lang din naman ang syota ko, bakit pa ako mag-iinarte? Hindi uso ang gano'n.

KNIGHTS I-3: Nine Cards of Delta (Third Knights)Место, где живут истории. Откройте их для себя