Chapter 43

18.3K 662 99
                                    

Silhouette

"Sige na, Pow, kainin mo muna 'to. Kahit makatatlong subo ka lang talaga," pagpupumilit ko sa kaniya.

Nakabusangot pa rin ang mukha ni Pow Pow, halatang may iniinda.

"Ate, ayoko ngang kumain," umiiling na sagot niya.

Napabuntong hininga na lang ako habang hinahaplos ang kamay niya. "Pow Pow, hindi puwedeng walang laman ang tiyan mo. Ilang araw ka nang walang matinong kain."

"Wala akong gana, ate," matamlay na sagot niya.

"Pow, sige na--"

"Ate wala nga po akong gana!" umiiyak na singhal niya.

Nagulat ako nang tabigin niya ang hawak kong pagkain. Nakatulalang pinagmasdan ko si Pow Pow na humahagulhol sa harapan ko. Maski ang buong Delta ay nagulat sa ginawa niya.

"Pow, sorry. Pupulitin ko na lang."

"Hindi mo ba ako nakikita ngayon, ate? Hindi mo ba nakikita ang sitwasyon ko?" he asked with his forlorn eyes.

"Pow, ano bang sinasabi mo?" naiiyak na tanong ko.

Wala na akong pake kung nasa paligid ko ang mga kagrupo ko. Ayokong makita siyang nagkakaganito.

"Masyado na akong pabigat, ate, ayoko nang d-dagdagan pa lahat ng problema mo. Ayokong magreklamo sa lahat ng sakit na nararamdaman ko. K-kasi nag-aalala ako sa 'yo, lagi mo akong iniintindi, wala ka na ngang oras para sa sarili mo," umiiyak na litanya niya.

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Ramdam na ramdam ko ang sakit at lungkot sa boses niya. Hindi ko maiwasan ang maawa sa batang nasa harapan ko. Sobrang putla, walang gana sa lahat, nanghihina.

"Hindi naman 'yon importante, Pow, wala naman akong pake sa sarili ko. Bakit ba ang drama mo?" natatawang saad ko para subukan na pagaanin ang paligid.

He wiped his tears harshly. "Gusto ko na lang mawala sa buhay mo, ate, kaysa makita k-kang nahihirapan dahil sa akin."

"Pow, ano bang sinasabi mo?!" galit na sigaw ko.

Naramdaman ko kung paano ako itayo ng kung sino. Humarap ako kay Third na mahigpit akong niyakap, hinaplos niya ang buhok ko bago ako halikan sa noo.

"I'll talk to him, baby, lumabas ka muna," he whispered.

Umiiyak na nagpadala na lang ako sa kaniya nang alalayan niya ako papabas. Sumunod sa amin sila Athelia. Naiwan kaming lima na babae sa labas.

"Silhouette. Umupo ka muna," mahinahong saad ni Caspeia bago ako alalayan sa upuan.

Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari, para akong nawalan ng kulay.

"Huwag ka nang umiyak, Silhouette. May nararamdaman lang si Pow Pow kaya gano'n siya magsalita, kapag guminhawa na 'yung pakiramdam niya, magiging ayos na ang lahat," naiiyak na bulong ni Athelia sa akin habang pilit akong pinapakalma.

I bit my lower lip lightly. "He said those words, like... Like he's ready to die. B-Bakit gano'n siya magsalita?"

Chios smiled bitterly. "He's a kid, Silhouette. He's keeping his words for so long, and he can't help but to tell you what he really feels."

Napayuko na lang ako sa labis na pagkalungkot. Humagulhol ako ng iyak habang inaalala kung paano sabihin ni Pow Pow ang mga salitang 'yon na para bang kaya niya akong iwan.

"I hate seeing him, in that situation. He used to be a bubbly kid, a-ano bang nangyayari sa kaniya? Ayokong makita siya na gano'n kalungkot, nasasaktan lang ako lalo," bulong ko.

I felt how Flame hugged me. "Stop crying, bitch. Naiiyak din ako, punyeta ka."

Inis na binatukan ko siya. "Tangina mo, edi umiyak ka rin, bakit mo ako minumura."

Binatukan niya ako pabalik. "Bakit ka nangbabatok?"

"E, may batok ka, e. Matuwa ka kung sa noo kita ninuohan," sabat ko.

She laughed without hesitations. "See, kahit umiiyak at may dinaramdam ang babaeng 'to. Hindi pa rin 'to papatalo sa away."

Umirap ako. "Bakit ako papatalo, e, panalo naman talaga ako kahit mamatay ka pa sa pagmamakaawa na manalo ka sa akin."

Caspeia on the other hand rolled her eyes before looking at me.

"You're competitive enough to survive this challenge, Silhouette. Kung sumusuko na si Pow Pow sa nararamdaman niya, it's time for you to show him that everything is okay. Noong ikaw ang nanghihina, lumaban si Pow Pow. Bata pa siya, Silhouette, pero nakayanan niyang maging positibo noong mga unang buwan. Sana magawa mo rin 'yon, dahil kahit itanggi ka pa niya. Ikaw lang ang pinagkukuhanan niya ng lakas."

Mas lalo akong naiyak sa sinabi niya. Inis na sinampal ko siya kaya inis din niya akong hinarap.

"What the hell?!" sigaw niya.

Sumisinghot na niyakap ko siya. "Bwisit ka, matino ka pa rin pala kahit papaano. Pa-kiss nga, babe."

Nandidiring lumayo siya sa akin na para bang may nakakahawa akong sakit.

"Eww, get off me! I'm practicin my dialogue, hindi para sa 'yo ang sinabi ko!" pagtatanggi niya.

Binatukan ko siya. "May gano'n, hindi raw para sa akin pero pangalan ko ang binanggit, e, ako lang naman nag-iisang Silhouette."

Inis na lumayo siya sa akin at nag-inarte sa gilid. Kahit ganiyan 'yang babae na 'yan, kahit minsan ko siyang pinatay sa panaginip ko, mahal na mahal ko 'yan. Kasama lahat ng kagrupo ko.

Lumingon ako sa pintuan nang bumukas 'yon, marahan akong hinila ni Third bago halikan sa labi.

"I already talked to him, it's time for you to listen." Tumango ako sa sinabi niya.

Tinapik nila Alpha ang balikat ko nang isa-isa silang lumabas mula sa kwarto.

Nahihiyang pumasok ako sa kwarto at tinanaw si Pow Pow. Lumapit ako sa kaniya.

"Ate, s-sorry, pasensya na po kung naging bastos ako kanina," umiiyak na paumanhin niya.

Niyakap ko siya nang mahigpit. "Huwag ka nang umiyak, naiintindihan ko."

"Pasensya na ate kung nasaktan kita sa mga sinabi ko. Hindi ko man lang naalala na mas masasaktan kita sa mga sasabihin ko, patawarin mo ako ate, sorry talaga," umiiyak na dagdag niya.

"Ayos lang, huwag ka na ngang umiyak diyan, mukha kang batang yagit."

He chuckled. "Ate, naman, e. Seryoso na nga. Promise ko sa 'yo, ate, lalaban ako. Hinding hindi po ako susuko hanggang malabanan ko 'yung sakit na 'to. Alam kong pilit kang nagpapakatatag para sa akin, gagawin ko rin po 'yon para sa 'yo."

Ngumiti ako nang matamis sa sinabi niya.

I hope you're doing good, Pow Pow. I love you so much.

KNIGHTS I-3: Nine Cards of Delta (Third Knights)Where stories live. Discover now