Chapter 53

16.3K 566 92
                                    

Silhouette

Paano napunta ito kay Third? Ang picture ko na 'to, stolen at halatang kinuhanan mismo.

Oh, hell.

What the hell is happening?

Natatarantang binuklat ko ang ibang files, at laking gulat ko nang bumungad sa akin ang mga impormasyon ko noong nakaraang anim na taon.

Sinigurado ko na burado ang lahat ng ito, pero paano? Paano napunta 'to sa kamay ni Third?

Binasa ko ang nakasulat sa pangalawang pahina para masiguro kung tama ba ang nakalagay doon.

"Silhouette Acid Ferrer Montevero's personal data"

Student
School: Saint Arve High
Age: 19
Job: Intellectual agent
Father: Stanley Ferrer
Mother: Hershey Montevero

Halos mabitawan ko ang mga papel na hawak dahil sa labis na panginginig.

This is impossible, no matter how powerful Third is, hinding hindi niya mahahanap ang data na 'to.

Binura ko ang lahat ng impormasyon tungkol sa akin simula nang mamatay silang lahat. Walang ibang nakakaalam kung sino ang totoong ako bukod sa agency na pinasukan ko noon.

"What are you doing here?"

Gulat na napalingon ako kay Third na nasa likuran ko. Mas dumadagdag sa kaba ko ang madilim na ekspresyon na suot niya.

"T-Third, bakit g-gising ka pa?" nauutal kong tanong habang tinatago ang mga papel sa likuran ko.

Hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. He's still looking at me deeply, he seems mad.

"Answer me, Silhouette, what are you doing here?" matigas na tanong niya.

Napalunok ako ng ilang beses. Natatakot ako, natatakot ako sa presensya niya, at ayoko ng nararamdaman ko.

He is Third, Silhouette, he's the man you love. Hindi ka dapat magduda.

"I was j-just roaming around, k-kasi hindi ako makatulog. Nakita ko lang 'tong o-office mo, I'm sorry if pumasok ako ng walang paalam," paliwanag ko bago iyuko ang ulo.

Isang mahabang katahimikan ang sumakop sa buong kwarto matapos ko sabihin 'yon. He didn't answer me.

"And why didn't you just go back to sleep, Silhouette? Depende na lang kung sinasadya mong libutin ang bahay ko," malamig na sagot niya.

I bit my lips. "N-No, sorry, nakita ko lang talaga 'tong--"

Nahigit ko ang hininga ko nang makita siyang humakbang papalapit sa akin. Napaatras din ako hanggang sa pader dahil sa takot.

"And now, you're stuttering, you seems scared, my little kitten. Why?" nakangisi niyang tanong.

Mas tinago ko pa ang papeles sa likuran ko nang tuluyan na siyang makalapit sa akin. Umangat ang kamay niya para haplusin ang pisngi ko, pababa sa leeg at hanggang sa braso ko.

Buong ingat niyang hinaplos ang balat ko.

Para akong napapaso sa bawat haplos niya.

"What are you hiding from me, baby? Give me those fucking things behind you, Silhouette," matalim ang tingin na saad niya.

Gusto kong matawa. He's asking me kung ano ang tinatago ko sa kaniya?

No, Third, ako ang dapat na nagtatanong sa 'yo no'n. What are you hiding from me?

Nataranta ako nang makuha niya ang files mula sa likuran ko. Sinubukan kong agawin sa kaniya 'yon pero hinawakan niya lang nang mahigpit ang braso ko para pigilan ako.

Nakita ko ang pag-angat ng sulok ng labi niya nang mabasa ang hawak.

"Oh, your data. What about this?" baling niya sa akin.

Napangiwi ako sa sakit ng pagkakakapit niya sa akin. Agad niyang napansin 'yon kaya nagmamadali siyang bumitaw.

"Oh, fuck. Baby I'm sorry. Does it hurt?" malambing na tanong niya bago halikan ang braso ko.

Umiling ako. "I'm s-sorry if pumasok ako ng walang paalam."

He smiled at me.

Napakabilis magbago ng ugali niya.

"It's fine. What's mine is yours, okay? Sana ginising mo ako, so I can tour you around my mansion. Huwag ka nang aalis ulit nang mag-isa, okay?" malambing na bilin niya habang hinahaplos ang pisngi ko.

Tumango ako na ikinangiti niya. "Good girl. You should always stick to me, Silhouette."

Nakahinga na ako nang maluwag dahil sa pagiging malambing niya. Nanginginig ang mga kamay na yumakap ako sa kaniya at siniksik ang mukha sa dibdib niya.

"Why, baby?" he worriedly asked.

"I t-thought, you were mad at me. I was so scared," nauutal na pag-amin ko.

He chuckled before kissing my lips. "I'll never get mad at you, baby."

"Thank you," I sweetly said.

"Let's go back to sleep now, baby."

"HAPPY birthday, Pow Pow!" sigaw naming lahat nang makapasok kami sa kwarto ng alaga ko.

Agad itong napabangon sa kinahihigian at masayang ngumiti.

"Ate, kuya!" naiiyak niyang sigaw nang makita kaming lahat.

Natatawang nilingon naming lahat si Alpha at Thunder na naka-costume pa bilang spider man at iron man.

"Hey, little boy! Happy birthday! Mas malakas ka sa amin kahit superhero kami!" sigaw ni Alpha bago makipag-high five kay Pow Pow.

Nawala ang pamumutla ng mukha ni Pow Pow, biglang nagkakulay ang mukha niya dahil sa presensya naming lahat.

He giggled cutely. "Thank you po!"

Lumapit naman si Thunder sa alaga ko. "Here's the five stones for the strongest kid in the planet!"

Binigay ni Thunder ang limang maliliit na singsing kay Pow Pow, kung saan may iba't ibang klase ng bato katulad sa Avengers.

Masayang sinuot ni Pow Pow ang mga 'yon sa kamay niya at pinagmalaki pa sa akin.

"Look, ate! I can defeat Thanos!"

Humagikhik ako. "Of course! Kahit wala kang stones, kayang kaya mo si Thanos talunin. Weak 'yon! Isa lang siyang violet na pipino, ikaw tao ka!"

Tumawa silang lahat sa sinabi ko, habang si Flame ay palihim akong binatukan.

"Kahit kailan talaga, 'yang bargas na bunganga mo."

Inirapan ko na lang siya bago dambahin ng yakap si Pow Pow.

"I love you, Pow Pow. Happy birthday to my dear brother!" nakangiting sabi ko bago siya halikan sa noo.

Niyakap niya rin ako nang mahigpit. "Thank you for this wonderful day, ate. Sobrang saya ko po dahil kasama kita sa pinakaespesyal na kaarawan ko!"

I smiled sweetly at him. "More birthdays to come, Pow Pow. You'll recover soon."

Umangat ang magkabilang sulok ng maputla niyang labi. "I love you ate, at I love you rin po sa kanilang lahat!"

KNIGHTS I-3: Nine Cards of Delta (Third Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon