Chapter 9

20.9K 807 67
                                    

Silhouette

"Ate! Ate gising!" Nabulabog ako sa pagtulog nang marinig ang pag-iyak ni Pow Pow habang niyuyugyog ako.

Mabilis akong bumangon at binuksan ang ilaw sa side table ko.

"Bakit ka naiyak?" takang tanong ko sa kaniya bago siya buhatin patabi sa akin.

"Ate, may mga tao po sa baba!" Humagulhol siya habang nakayakap sa akin. "Pababa po sana ako sa kusina kanina pero nakita ko pong maraming mumu na nakaitim."

Napalingon ako sa pintuan nang marinig ang sinabi niya.

Ano na Delta, payag kayo napagkamalan kayong mga multo?

"Dito ka lang, todas sa akin 'yang mga mumu na 'yan," bilin ko sa kaniya bago tapikin ang balikat niya.

Lumabas ako ng kwarto at sinarado ang pintuan para hindi na marinig ni Pow Pow ang usapan namin ng Delta.

Desidido na akong sumali, kaya wala na akong balak na paalisin sila sa pamamahay ko.

Nakita ko kung paano nila pagkaguluhan ang pagong ko na ngayon ay lumalangoy langoy sa tubig.

Ngayon lang ata nakakita ng pagong ang mga taong 'to.

"What's up madlang people, madaling araw na, bakit kayo napadalaw?" tanong ko habang pababa ng hagdan.

Bigla silang nataranta sa mga puwesto nang marinig ako.

"Silhouette," banggit ni Athelia sa pangalan ko.

Napangiti naman ako bago sila haraping pito.

"What's up seven cards of Delta? What brought you here?" tanong ko bago sumandal sa pader.

"You knew exactly kung ano ang rason--"

"Caspeia, shut up, will you?" singhal ni Flame dahilan para maputol ang maarteng Caspeia na 'to.

Ngumisi ako sa kaniya bago kumindat. Pahiya ka kaonti.

"Silhouette Montevero, we are here for the second time, to personally invite you to join our group," seryosong saad ni Alpha sa gilid.

Kinagat ko ang ibabang labi bago tumango nang marahan. "Hindi ko alam kung bakit ninyo ako pinipilit na sumali sa inyo, is there any reason why are you so eager?"

Wala akong maalalang ginawa ko para maakit sila na maging miyembro ako ng grupo nila.

Hindi naman ako nag-audition para lang mapasali sa grupo nila.

Pwes, saang banda nila ako nagustuhan?

Kung sa mukha, given na masyado 'yon.

Kung sa talent, sus, mas lalo na 'yon.

"We really need one member to complete our group, and your capabilities as a former agent pushed us to be this eager, Silhouette," sagot naman ni Thunder sa gilid.

Hinilot ko ang sentido bago humakbang papalapit.

"Please accept our offer, hindi kami aalis dito hanggang hindi ka namin napapapayag," pakiusap ni Chios sa harapan ko.

KNIGHTS I-3: Nine Cards of Delta (Third Knights)Where stories live. Discover now