Chapter 61

17.8K 550 109
                                    

Silhouette

"Yeah, just drop me off when we got home," walang emosyon na sabi ko nang tanungin ako ni daddy.

"Are you sure you don't want to eat somewhere? Hindi ka pa kumakain nang maayos simula kagabi, anak." Umiling ako sa sinabi niya.

"I said I don't want to," matigas na sagot ko.

Bumuntong hininga na lang siya at pinagpatuloy ang pagmamaneho. "Ang lamig lamig ng anak ko ngayon, parang hindi ako minura dati," sumisipol na dagdag niya.

Marahas ko siyang nilingon. "What the hell?"

"Oh, kitams! Minumura na naman ako, sabi na nga ba at 'yan ang epekto ng pagmamahal. Bakit ikaw pa kasi ang isa sa mga tinamaan, e isa kang reyna ng underworld." Binatukan ko siya sa labis na inis.

Sinamaan niya ako ng tingin. "Ano?!"

"Ano ka rin?!" naghahamon na sigaw ko.

Minukhaan niya lang ako bago muling paandarin ang sasakyan.

Sumandal na lamang ako sa pintuan ng kotse at pinagmasdan ang labas. Wala na talaga akong gana sa lahat, parang nabubuhay na lang ako para sa tatay ko.

If I didn't see him that night, baka napatay ko na ng tuluyan ang sarili ko dahil sa sobrang lungkot.

"Hey, we're here." I heard my dad's voice na nagpabalik sa akin sa diwa.

Nakita kong nasa harapan na kami ng bahay kaya dire-diretsyo na akong bumaba. Papasok na sana ako sa gate nang businahan niya ako.

Iritang nilingon ko ang direksyon ng tatay ko. "What?!"

"Magpapa-deliver na lang ako ng pagkain dito, anak. Tapos aalis ulit tayo mamaya, okay? Libangin mo ang sarili mo habang nasa trabaho ako," nag-aalala niyang bilin.

Ngumiti ako nang matamis. "Take care, thank you."

Hindi ko na siya hinintay na sumagot pa. Dire-diretsyo akong pumasok sa gate habang tulala. Now, what am I gonna do?

Nang mabuksan ang pintuan ay laking gulat ko nang bumungad sa akin ang isang lalaki na nakayuko at nakaupo sa sofa.

Nabuhay ang galit sa dibdib ko kasabay nang pag-angat niya ng tingin.

Mabilis siyang napatayo sa kinauupuan. "H-Hey, baby."

Yumukom ang mga kamao ko. "What the hell are you doing here?!"

"B-Baby, don't shout at me, p-please. I miss you so much," nanghihinang saad niya bago humakbang papalapit.

Nanginginig ang mga tuhod na lumayo ako. "No, stay there you ass hole. Ang kapal ng mukha mong tumapak sa teritoryo ko?! I'm asking you, what are you doing here?!"

He bit his lip, nakita ko rin ang pangingilid ng luha sa mga mata niya.

"I want to s-see you, I miss you so much. It feels like, I'm dying. Hindi ko kaya na galit ka sa akin," he sincerely said.

Napairap na lang ako sa sobrang pagkairita. He tried stepping forward again pero mabilis akong umatras.

"Ang kapal ng mukha mong magpakita pa sa akin... Pagkatapos ng lahat?" hindi makapaniwalang saad ko.

"After all those lies that you told me, sasabihin mo sa akin 'yan? Wow!" Napapalakpak ako sa galing niyang umarte. "Ang galing mong artista!"

May kung anong tumusok sa dibdib ko nang makita ang pagtulo ng luha sa mga mata niya.

"W-Why are you talking to me like that? You're hurting me, baby. C-Come here, please. Miss na miss na kita," pagmamakaawa niya.

Hindi ko alam kung bakit ako nadala sa boses na 'yon. Naramdaman ko na lang na pumulupot ang mga braso niya sa katawan ko. He hugged me tight, na para bang mawawala ako sa kaniya.

Narinig ko ang paghikbi niya, dahilan para mapaluha na rin ako.

"Miss na miss na kita, baby ko. Miss na miss na kita. Mamamatay na ako sa sobrang pagka-miss sa 'yo," umiiyak na paglalambing niya.

Hindi ko siya niyakap pabalik. Bakit ko ba hinayaan na mapadikit ang lalaki na 'to sa akin?

"Get off me," madiing sagot ko habang pilit na kumakawala sa kaniya, pero hindi niya ako pinapakawalan.

"No, baby, p-please. Let's settle this right now, please. I'm begging you, stop pushing me away, b-baby. Mahal na mahal kita, Silhouette," he whispered to me.

Mariin akong napapikit, sinusubukang pigilan ang mga kamay ko na yumakap pabalik sa kaniya.

I miss you too, I miss you so much.

"I said get off me!" sigaw ko.

Imbes na bitawan ay naramdaman ko na lang ang pagluhod niya sa harapan ko.

"I'm slowly... dying, while watching you from afar. Lagi lang akong nakabuntot at nakasunod sa 'yo dahil hindi kita kayang hawakan noon, nagtiis ako sa ganoong sitwasyon dahil mahal na mahal kita. When I finally had the chance to make you mine, I was the happiest man on earth. But now, we're back on that set-up once again and I hate it. Sawang sawa na akong tingnan ka mula sa malayo." Ramdam na ramdan ko ang sakit at hirap sa boses niya.

Hindi ko siya maintindihan.

Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya sa akin.

"U-Umalis ka na lang, T-Third, please? U-Umalis ka na lang," pamimilit ko sa kaniya habang pilit siyang tinataboy.

Nanatili siyang nakaluhod habang mahigpit na nakahawak sa kamay ko.

"I'm willing to beg all the saints, huwag mo lang akong iwan. Bibitawan ko ang lahat ng m'eron ako, baby. Bibitawan ko ang Delta, lahat ng yaman ko, ang pwesto ko. Huwag na huwag mo lang akong iiwanan, I'm begging you, baby. Mahal na mahal kita," umiiyak na dagdag niya.

Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko.

"I don't want to see you again, Third. Just forget about me, isa sa mga pinagsisisihan ko ay ang nakilala kita." Kasabay non ay ang pagpasok ni daddy sa bahay.

Dahan dahan niyang tinulak papalayo sa akin si Third bago ako hilahin palabas.

My heart was left behind, inside that house.

Bago tuluyang makaalis, nakita ko kung paano bumagsak ang mga balikat ni Third. Mas lumakas ang paghikbi niya.

Bakit nasasaktan ako sa nakikita kong kalagayan niya? He lied to me, he fooled me. He played with my heart.

Masaganang tumulo ang mga luha sa mata ko habang pinagmamasdan ang daanan.

We're not really for each other.

KNIGHTS I-3: Nine Cards of Delta (Third Knights)Where stories live. Discover now