Chapter 48

17.8K 602 58
                                    

Silhouette

"Wush!" sigaw ni Alpha habang pinapalipad ang paper airplane.

Narinig ko ang paghagikhik ni Pow Pow sa tabi ko. Napangiti na lang ako at napailing sa kakulitan ni Thunder at Alpha.

"Here comes the lightning, para sa isang lalaking malakas ang apog," saad ni Thunder habang pinapalaki ang boses.

Humagalpak ng tawa si Pow Pow nang sugurin ni Thunder si Alpha. Agad namang dumepensa ang huli.

"Ito, katana, panaksak sa lalaking walang bayag," pagmamayabang naman ni Alpha sa gilid.

Nakangiting sumandal ako habang pinagmamasdan sila na nagkukulitan, pilit na pinapatawa at pinapasaya si Pow Pow.

Natutuwa ako na ganito kakulit ang dalawang 'to, they're also the source of happiness of Pow Pow.

"Ate, nagugutom na ako," nakangusong sabi ni Pow Pow.

Natawa ako nang makita ang nakabusangot niyang mukha. "Lagi ka namang gutom, sige na, ano bang gusto mong kainin?"

"'Ate, noong pulubi pa po ako, lagi kong naririnig 'yung kainan na may chicken po at fries. Tapos pangarap kong kumain doon, ate. Ano nga po 'yon? 'Yung Jolli, na bubuyog po," nalilitong saad niya.

Ngumiti ako bago haplusin ang buhok niya. "Jollibee."

Napapalakpak siya. "Ayon, ate! Doon ko po gusto. First time ko pong makakatikim ng favorite ng mga bata. Hindi po kasi namin kayang kumain doon dati nila inay dahil wala po kaming pera."

May humaplos sa puso ko dahil sa narinig. He really suffered, he's just a kid, for pete's sake.

Ngumiti ako nang matamis sa kaniya. "Sige, magpapasama lang ako kay Third tapos bibilihan ka namin. Behave ka lang dito kasama sila ate Athelia mo," bilin ko sa kaniya.

Nag-thumbs up siya sa akin kasabay nang pagngiti niya. Ginulo ko muna ang buhok niya bago maglakad papalapit kay Third.

"Hey," nakangiting tawag ko sa atensyon niya.

Agad siyang lumingon sa akin at tumango. He kissed me lightly on my cheeks.

"Hey, why?" takang tanong niya atsaka ako niyakap nang mahigpit sa baywang.

"Samahan mo ako, bibilhan ko si Pow Pow ng pagkain sa Jollibee, 'yon kasi ang gusto niyang kainin," saad ko.

He smiled. "Let's go."

Lumabas na kami ng Hospital, inalalayan niya akong makapasok sa kotse. Pagkatapos ay agad niya 'yong pinaandar papunta sa malapit na branch ng Jollibee sa Hospital.

"Sabi niya first time niya pa lang daw makakakain ng Jollibee, hays, kawawa 'yung bata na 'yon," malungkot na saad ko.

Hinawakan niya ang kamay ko gamit ang malayang kamay, bahagya niyang pinaglaruan ang mga daliri ko.

"I'm glad that you took care of him," dagdag niya.

"Masaya rin ako na kinuha ko siya para alagaan, ang bibo kaya ng batang 'yon. Siya nga nagtulak sa akin na sumali ako sa inyo, pasalamat ka kay Pow Pow, siya ang dahilan kung bakit mo ako nakilala. 'Yan tuloy, patay na patay ka sa akin," pagmamayabang ko.

He chuckled softly. "Why did you took him, by the way?"

Lumikot ang mga mata ko sa tanong niya.

"You quit your job to live a normal life. And you never want to involve yourself to something, in any troubles, the main reason why you don't want anybody in your life. But why did you took him?" tanong niya ulit at bahagya pa akong sinulyapan.

Napalunok ako bago ngumiti nang matamis.

"I see someone in him, and I miss that kid. Siguro hindi lang awa para kay Pow Pow, siguro gusto ko rin talagang kuhanin siya dahil nakikita ko sa kaniya 'yung batang nawala sa akin dati," malungkot na sagot ko.

"Who's that kid?"

"Si Carlos, anak ng kapitbahay ko dati. Ang saya nga sa street na 'yon, puro lasinggero at tsismosa, pero sobrang saya ko noong sila ang kasama ko," nakangiti kong sabi.

Humigpit ang kapit niya sa kamay ko. "That's why you got that filthy mouth."

Umirap ako. "Ano naman? Alam mo ba kung paano ako ituring na anak ng mga tao doon? Sobra sobra pa, Third. Kaya sobrang saya ko na nakilala ko sila, tapos abot langit din 'yung pagmamahal ko sa kanila. Dagdag pa 'yung fact na kahit maraming natatakot at nanghuhusga sa kanila, hindi nila ako tinuturing na kakaiba. Walang wala sila kaysa sa tatay ko na ubod ng mukhang pera," galit na sabi ko.

He chuckled. "Your dad is a pain in the ass."

"Totoo naman, hindi ako tatangi." Kibit balikat na saad ko.

Sumeryoso ang mukha niya. "Why did you lost them? Those people, that you're talking about. Where did they go?"

Napayuko ako. "They died."

Natahimik siya ng ilang segundo. "For what reason?"

"They were killed, by some assholes na hindi ko kilala," naiiyak na kuwento ko.

"You have some leads kung sino ang nasa likod no'n?" he asked curiously.

"Wala nga, e, 'yon ang nakakabwisit sa lahat. Hanggang ngayon wala pa rin akong alam kung sino ang pumatay sa kanila. Pagkauwi ko, bigla na lang silang nawala sa akin. Punong puno na ng dugo ang street na 'yon, puro media ang nagkalat sa paligid. Ang sabi ng mga pulis, kinuha na raw ang katawan nilang lahat. Hindi ko na sila nakita, dahil lumayo na ako. Ayokong mamatay na hindi sila nabibigyan ng hustisya, Third. Kaya ngayon, desidido ako na malaman kung sino ang mga hayop na kumuha sa kanila mula sa akin," galit na saad ko.

He caressed my hand softly. "Hush now, I'm here. I'll help you, whatever it means, I'm here."

Naiiyak na yumakap ako sa kaniya. "Thank you, Third. Thank you so much for loving me."

He chuckled. "I'm the one who should be thanking you, finally, you're mine. No one can even take you away from me."

Kahit nagtaka ako sa huling sinabi niya, pinili ko na lang na manatili sa bisig niya.

Hindi dapat ako nagdududa kay Third, he's always here to save me, to complete me, kaya dapat ay balewalain ko na lang ang mga iniisip ko.

Mas humigpit ang yakap ko sa kaniya nang maalala ang sinabi ni Miracle noon.

Bukambibig ni Third.

Noong hindi pa siya nagbubuntis.

Pinilig ko ang ulo. That's nothing. I'm sure. Wala lang ang bagay na 'yon.

KNIGHTS I-3: Nine Cards of Delta (Third Knights)Where stories live. Discover now