Chapter 46

18.1K 637 47
                                    

Silhouette

"Silhouette! Si Pow Pow!"

Nagulantang ako nang biglang pumasok si Caspeia sa kwarto ko habang nanlalaki ang mga mata.

Hindi na ako nagtanong pa, mabilis kong hinugot ang mga nakadikit sa akin bago siya sundan.

Natatarantang pumasok ako sa kwarto ni Pow Pow kung saan ko nakita ang nagkukumpulan na nurses at doctor sa paligid niya.

"Pow!" naiiyak na sigaw ko nang makita siyang nanginginig habang nakahiga sa kama.

Ramdam ko kung paano ako pigilan ni Third nang tangkain kong lumapit. Wala na akong nagawa kung hindi panoorin ang mga eksperto sa paligid ni Pow Pow.

"Third, Third, w-what the hell is happening to him?" naiiyak na tanong ko sa lalaking nakayakap sa akin.

He kissed me on my forehead. "He's having seizure, baby, calm down. They're doing their job."

Pinunasan niya ang mga luha sa pisngi ko, kasabay non ay ang pagkalma ng katawan ni Pow Pow.

Mabilis akong kumawala sa kaniya at lumapit sa direksyon ni Pow Pow na mahimbing na natutulog.

"Oh God, he's fine, right? Tell me," naiiyak na pakiusap ko sa mga nurse.

The doctor nodded at me. "I need to talk to your for a minute, Miss. Montevero, this is an important matter."

Suminghot ako at pinunasan ang bakas ng luha sa pisngi ko. Marahan kong pinatakan ng halik ang noo ni Pow Pow bago sundan ang doctor.

Sumunod sa amin si Third na inalalayan ako sa paglalakad.

"Does your back hurt?" nag-aalala niyang tanong.

I smiled sadly at him. "Ayos lang ako, nag-alala lang ako nang sobra kay Pow Pow. Akala ko kasi kung ano na ang nangyari sa kaniya."

He combed my hair using his fingers. "He's gonna be fine, baby, believe me."

Tumango ako nang marahan bago siya yakapin.

"Thank you," naiiyak kong saad.

Sabay kaming pumasok sa office ni doc, he immediately sat down on his swivel chair.

Umupo naman kami ni Third sa isang sofa kaharap ng table nito.

"Miss. Montesillo, I want to discuss some important things to you, it's about the patient's condition," paninimula nito.

Tumingin ako kay Third bago lumingon sa doctor. "He experienced seizure, doc, normal po ba 'yon?"

Tumikhim ang doctor sa harapan namin. "Actually, epileptic seizures are a complication of chemotherapy in children diagnosed with acute leukemia, katulad sa sitwasyon ng kapatid mo. His condition is a very rare case because epilepsy develops in 10% to 13% of children with acute lymphocytic leukemia. Sa loob ng porsyento na 'yon, ilan lang sa mga kabataan na may kaso ng leukemia ang nakakaranas ng seizures."

Napatakip ako sa bibig.

He's not getting any better.

KNIGHTS I-3: Nine Cards of Delta (Third Knights)Where stories live. Discover now