Chapter 37

18.5K 663 130
                                    

Silhouette

"Bakit? Masakit pa rin ba ang ulo mo?" nag-aalalang tanong ko kay Pow Pow nang humigpit ang kapit niya sa akin.

Mas lalo siyang sumiksik. "Ate, gusto ko pong matulog."

Hinaplos ko ang ulo niya. "Sige lang, nandito naman si ate, babantayan kita, okay?"

Tumango siya sa sinabi ko, para bang napanatag siya sa narinig.

Hinaplos ko nang dahan dahan ang braso ni Pow Pow. Unti unti ay naramdaman ko ang pagbitaw ng braso niya sa akin.

Narinig ko ang malalim niyang paghinga kaya nakasisiguro ako na dinalaw na siya ng antok.

"Sleep well," nakangiting bulong ko bago halikan ang noo niya.

Mabilis akong lumayo at bumitaw kay Pow Pow nang marinig ang pagtunog ng cellphone ko.

Kumunot ang noo ko nang makita ang number na tumatawag sa akin. Tangina.

Lumayo ako kay Pow Pow at lumapit sa pintuan ng kwarto niya, sinigurado kong nakasarado 'yon.

"What?" walang emosyon na tanong ko nang sagutin ko ang tawag.

"Acid."

Yumukom ang mga kamao ko nang marinig ang boses nito.

"Dad," nanggagalaiting sambit ko.

"You're not answering my phone calls, Silhouette. What happened?" malamig ang boses nito na nakapagpangisi sa akin.

"You are not my business, dad, bakit naman kita pag-aaksayahan ng panahon?" umiirap na sagot ko.

He chuckled devilishly on the other line. "I heard you're living in your apartment, with someone, a kid, right?"

Napamura ako nang malutong dahil sa sinabi ng tatay ko. Paano niya nalaman?

"You old man, tell me, sino na namang minions ang pinapunta mo rito sa Pilipinas para sundan ako? Para kang buntot na kahit anong pilit putulin, susunod at susunod pa rin," galit na tanong ko.

"I'm too handsome and rich to be a tail, Acid. I'm more on a dragon," tumatawang sabat nito.

"Oo, bagay talaga sa 'yo ang dragon, pang-sinauna na ang pagmumukha mo," matigas kong sabi.

He chuckled once again. "I'm still on my 30's, anak."

"I don't care, tell me, sino na naman ang mga pinadala mo dito sa Pilipinas para bantayan ako?"

"My men."

Umigting ang panga ko sa narinig, pilosopo rin talaga 'tong lalaking 'to.

Mumurahin ko na sana siya ulit nang makita ko ang bahagyang pagkislot ni Pow Pow.

"I'll call you again, wait." Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya, mabilis ko nang pinatay ang tawag bago lumabas sa kwarto ni Pow Pow.

Lumingon ako sa taong humablot sa braso ko.

"Baby, where the hell are you going?" matapang na tanong nito habang nakatingin sa cellphone na hawak ko.

KNIGHTS I-3: Nine Cards of Delta (Third Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon