Chapter 34

18.6K 689 122
                                    

Silhouette

"So, you're saying na nagpakita ng ilang senyales at sintomas ang pasyente but you didn't bother asking him dahil akala mo wala lang?" tanong ng doktor.

Tumango ako. "Oo."

"What are those signs and symptoms that you've noticed?" tanong nito.

"Lagi siyang may pasa sa katawan, maputla rin ang balat niya noong mga nakaraang araw," nanghihinang sagot ko.

"So, you're saying also that the patient's skin is too pale for the past few days, right?" tanong muli nito habang nagsusulat sa isang papel.

Tumango ako. "Wala na rin siyang gana kumain araw-araw. Kailangan ko pa siyang pilitin para magkalaman ang tiyan niya."

Tumango ang doktor sa harapan ko at tumikhim. "Those signs and symptoms that you've noticed, I am very familiar with that Miss. Montevero."

"Tell me, what is it?" naiiyak na tanong ko.

"Miss. Montevergo, I'm sorry to say this. But these signs and symptoms, na matagal mo nang napapansin sa bata, lead to a condition called Leukemia." Para akong bulaklak na nawalan ng buhay sa narinig.

Leukemia?

May leukemia si Pow Pow?

"W-Why? I mean." Ilang beses akong napakurap habang masagang nag-uunahan ang mga luha ko sa pagtulo. "H-He's just... he's just a kid. H-How?"

Malungkot itong ngumiti. "Maraming paraan para magamot--"

"I want you to tell me the truth, please? He'll recover soon, right? Sabihin mo," pagmamakaawa ko.

Yumuko ito na para bang walang sagot sa tanong ko. "I can't say that, for now, but I'm sure that he'll be fine. Magtiwala ka sa kapatid mo, makakayanan niya 'to."

Mariin kong pinunasan ang mga luha sa pisngi ko bago tumayo sa kinauupuan. Wala na akong ibang naririnig, para akong nawalan ng buhay dahil sa narinig ko sa kwartong 'to.

Tulalang binuksan ko ang pintuan para lumabas.

"Baby." Lumingon ako sa gilid nang makita roon si Third.

"T-Third," naiiyak na banggit ko sa pangalan niya.

Mabilis niya akong niyakap at pinaupo sa tabi niya. "Baby why are you crying? Anong sinabi ng doktor?"

"S-Sabi niya, leukemia raw, may leukemia raw si Pow Pow, Third. 'Di ba parang imposible naman? Kasi ang bata bata pa ni Pow, tapos ang s-sigla pa nga niya. B-Bakit?" naguguluhang tanong ko.

Nanigas siya sa kinauupuan dahil sa sinabi ko.

"Baby," mahinang niyang saad.

Hindi ko na napigilan ang paghagulgol. "Third, ang g-gulo gulo na ng isipan ko. Para akong iniipit sa sobrang dami kong naiisip. Naging p-pabaya ba ako, Third?"

Mabilis niyang pinunasan ang mga luha sa pisngi ko. "Stop saying that, Mienne, you are not useless, okay?"

"Pero hindi ko napansin, Third, all this time, he's g-giving me some signs na akala ko wala lang. Napansin ko na 'yung mga pasa niya sa katawan, 'yung pagkawalang gana niyang kumain, lahat lahat, Third. I'm so s-stupid not to notice that he's in p-pain, Third. Napakawalang kwenta ko," humahagulhol na saad ko.

Naramdaman ko ang paghalik niya sa pisngi ko habang patuloy na pinupunasan ang mga luha ko.

"Baby, it's not your fault, okay? Stop blaming yourself, he'll be fine soon, I'm telling you. I'm not in the position to say this, but it will never help him recover if you'll continue acting like this for the whole day," bulong niya habang hinahaplos ang buhok ko.

Nanghihinang sumandal ako sa dibdib niya habang pilit na kinakalma ang sarili.

"Third?" malambing na tawag ko sa pangalan niya.

"Hmm? Tell me, I'm listening."

"Thank you." Napapikit ako matapos sabihin 'yon.

He planted soft kisses against my hair. "You know you're always welcome, baby. Stop crying, I'm here, I'm here."

Agad akong humiwalay sa kaniya. "Third, si Pow Pow! Baka gising na siya, puwede na ba natin siyang puntahan?"

Tumango siya bilang sagot bago tumayo sa kinauupuan. Agad naman akong sumunod sa kaniya nang dalhin niya ako sa isang kwarto.

Napangiti ako nang matamis nang makita si Pow Pow na payapang natutulog sa kinahihigaan.

"Pow," naiusal ko na lang nang makalapit sa pwesto niya.

Kahit bahagyang nanginginig ang kamay ko, sinubukan ko pa rin itong iangat para haplusin ang mukha niya.

He's too pale, hindi ako sanay na makita ang batang 'to na matamlay at walang gana.

Umupo ako sa upuan na katabi ng kama niya, I held his hand tight while kissing it.

"Pow, nandito na si ate," naiiyak na bulong ko habang nakatingin sa maamo niyang mukha.

"I know you'll recover soon, Pow Pow, saan ka pa ba magmamana? Edi sa akin, alam mo naman kung gaano ako kalakas 'di ba? Dapat ginagaya mo ako, kasi Silhouete lang malakas, pero puwede mong angkinin 'yung line na 'yon, basta lalaban ka," natatawang saad ko.

Hinaplos ko ang malambot niyang buhok.

"Patawarin mo si ate, kung hindi ko agad napansin. I am so stupid not to notice that you're just hiding everything from me para hindi ako mag-alala. But now, I'm here, I'll always be by your side habang lumalaban ka. You deserve to live longer, Pow Pow, marami ka pang mararating. Gagawin pa kitang model ng Victoria's Secret, o kaya huhuthutan pa kita ng pera kapag yumaman ka, 'di ba?" Hindi ko na naiwasan ang pagbiyak ng boses ko habang sinasabi 'yon.

He's just too precious for me, I can't afford seeing him in this state.

"You gave meaning to my life, Pow, you're the reason why I decided to stay alive. Kung mawawala ka, paano ako? Paano si ate mo? Please, recover soon, Pow. Nawalan na ako, e, marami nang nawala sa akin, Pow Pow." Nanikip ang dibdib ko dahil sa pag-iyak.

"Nawalan na ako ng mga mahal sa buhay, you gave colors to my life and I never want that colors to fade. If you're the very reason why I chose to stay alive, I might die if I lose you. So please, lumaban ka para kay ate." Dinukdok ko ang mukha sa gilid ng kama at doon nilabas ang mga luha kong nag-uunahan.

"P-Promise ko, ate, lalaban po ako, kaya ko n-naman 'to." Nag-angat ako ng tingin nang marinig ang boses ni Pow Pow.

Agad akong napangiti nang makita ang pag-angat ng mga sulok ng labi niya.

I trust you.

KNIGHTS I-3: Nine Cards of Delta (Third Knights)Where stories live. Discover now