Chapter 52

16.8K 596 47
                                    

Silhouette

"I won't do anything bad, baby, promise," he pleaded.

Napailing na lang ako sa sinabi niya. Gusto niya kasing magkatabi kami matulog, pero ayoko ng gano'n. Lalo na at kaming dalawa lang.

"Third, babae ako, lalaki ka. Baka--"

"Baby, I respect you so much. Please? I wouldn't be able to sleep if you're away, please, baby," nagmamakaawang sabi niya bago ako yakapin nang mahigpit.

Napanguso ako sa narinig. Alam ko namang hindi ako pupwersahin ni Third na gawin ang bagay na 'yon, pero hindi ko pa rin maiwasan ang kabahan.

"I love you so much, baby. Please, trust me, I won't do anything bad. No make out, promise, just kiss and hugs. A simple cuddle," parang batang saad niya.

Malakas akong tumawa habang nakatingin sa mukha niyang parang nagmamakaawa sa nanay.

"Sige na sige na, para kang timang. Lakad na doon!" naiiritang saad ko habang pinagtutulakan siya sa kama.

He pouted his lips before dragging me to the bed. Ngumiti ako nang matamis sa kaniya nang siya pa mismo ang maglagay ng kumot sa akin.

Umikot siya sa kabilang side ng kama bago ako tabihan. Malakas akong tumawa nang hilahin niya ako pahiga, he caged me inside his arms.

"Now what?" natatawang tanong ko.

Umiling siya. "I just want to hug you this tight, baby, let's sleep like this, okay?"

Tumango ako bago siya halikan sa noo. "Sabi sa akin ni Alpha, you've been working for three days na walang tulog. Lagi ka raw busy, magpahinga ka naman."

Naramdaman ko ang paghalik niya sa buhok ko sabayan pa nang mahinang paghalos sa likuran ko. "I'll rest, if that's what you want me to do."

Pinagmasdan ko ang kisame. Pinaglaruan ko rin ang malambot niyang buhok.

"Saktong pagkatapos ng isolation ni Pow Pow, birthday niya na. Gusto ko siyang regaluhan, 'yung tipong sobrang memorable for him," bulong ko.

He smiled. "Let's give him a birthday party he would never forget then."

May kung anong humaplos sa puso ko habang iniisip kung ano ang magiging reaksyon ni Pow Pow sa araw ng birthday niya.

Gusto kong mapasaya siya nang sobra,  'yung tipong mas gaganahan siyang lumaban sa sakit niya.

"Let's sleep for now, baby, we'll talk about that tomorrow."

Ngumiti ako nang halikan niya ako sa labi, pagkatapos ay sinuksok niya ang mukha sa leeg ko para matulog.

Hindi na ako nagreklamo pa, pinulupot ko ang braso sa kaniya at hinayaang hilahin ako ng antok.

Kinusot ko ang mga mata ko nang maalimpungatan sa gitna ng madaling araw.

Nagmulat ako ng mga mata, agad na tumambad sa akin ang payapang mukha ni Third na malalim ang tulog. Ngumiti ako nang matamis.

Dahan dahan kong tinanggal ang braso niya sa ibabaw ng baywang ko para tumayo, ramdam na ramdam ko ang panunuyot ng lalamunan ko.

Agad akong umalis sa kama nang makitang mahimbing pa rin ang tulog niya, hindi niya man lang napansin ang pag-alis ko. Halatang pagod na pagod siya.

Binuksan ko nang dahan dahan ang pintuan para lumabas ng kwarto, kahit medyo naliligaw ay nagawa ko pa ring makapunta sa kusina base na rin sa direksyon na pinuntahan niya kanina.

Binuksan ko ang ilaw at agad na dumiretsyo sa eleganteng dispenser na nandito.

"Tangina, iba na talaga ang mundo," mura ko nang makita ang nasa harapan.

May mga high-tech ding technology sa kusina kung saan isang pindot mo lang ay makakagawa agad ng juice o kape.

Pagkatapos uminom ng tubig ay agad din akong pumanhik sa taas, pero hindi pa ako nakakarating pabalik sa kwarto ay may sumaging tanong sa isip ko.

I'm sure he hid some files here in his mansion.

Masyado na akong pakealamera dahil sa naiisip ko, pero ito lang ang tanging paraan para mawala sa isipan ko ang pagtataka at pagdududa kay Third.

Dahan dahan akong naglakad papunta sa isang pintuan, kung saan tinuro niya sa akin na opisina niya kanina.

Pinihit ko ang doorknob at kinagat ang labi para matanggal ang kaba. Baka bigla siyang magising at hanapin ako.

Napangiti ako nang mabuksan ko ang kwarto, agad akong pumasok sa loob at sinarado ang pintuan. Inabot ko ang switch sa pinakagilid at binuksan ang ilaw.

Bumungad sa akin ang eleganteng opisina, halos lahat ng kulay dito ay itim at puti. Pero hindi nakabawas ang mga kulay na 'yon sa kabuuang ganda ng kwarto.

Dahan dahan akong naglakad papakapit sa lamesa niya, hinaplos ko ang pangalan na nakapaskil doon.

Third Kaizer Knights.

Kaizer, ang ganda sa pandinig ng pangalawang pangalan niya.

Ngumuso ako bago komportableng umupo sa swivel chair niya. Ang bango bango sa loob ng kwartong 'to, amoy bebe ko.

Nakangiting hinaplos ko ang frame na nasa lamesa niya, picture niya, walang kangiti-ngiti at ekspresyon pero sobrang gwapo pa rin. Hindi ko nga alam kung paano ko siya naakit, karaniwan sa mga nagugustuhan ng katulad nilang mayayaman, 'yung sexy. Sikat, may overflowing money at popularity.

Ewan ko na lang, minsan kasi walang nakakapantay sa charms ko. Kahit bargas ang bunganga ko, mas cute pa rin ako sa mga model na 'yan.

Nang maalala ang pakay ay agad kong tinuktukan ang sarili. Nagsimula na akong kumalikot ng ilang mga files sa cabinets na nandito.

Sorry, for invading your privacy, Third.

Halos ilang minuto na akong naghahanap pero wala man lang akong makitang files na may pangalan ko. Siguro nga masyado lang akong palaisip.

Akmang aalis na ako sa kwarto nang mahagip ng mga mata ko ang isang vault na katabi ng mamahaling vase. Kulang itim ang vault na 'yon at halatang importante.

I immediately walked towards it at hinaplos ito. Maybe the password is his birthday.

Sinubukan kong ilagay ang birthday niya, pero hindi iyon umepekto. Kung anu-anong passcode na ang nilagay ko pero wala man lang tumama.

Dahil sa kakulitan ng isip ay sinubukan kong ilagay ang birthday ko.

Alam kong hindi iyon ang passcode kaya hinintay ko na lamang na mag-error muli ito, pero laking gulat ko na lang nang biglang bumukas ang vault.

Naningkit ang mga mata ko nang makita ang kumpulang files doon at isang picture. Agad kong inabot 'yon para tingnan.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung ano ang hawak hawak, litrato ko noong hindi pa ako commander ng agency... at isang file kung saan nakasaad ang "Silhouette Acid Montevero's data."

KNIGHTS I-3: Nine Cards of Delta (Third Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon