Chapter 4

22.5K 824 188
                                    

Silhouette

"May pagkakataon ka pang umatras, Silhouette, habang maaga pa at habang hindi ka pa nakakasali sa grupo namin," seryosong saad niya.

Lihim akong napatawa.

"Oh? Medyo makapal ang mukha natin diyan, a. Kayo nga nag-aalok sa akin tapos aalukin mo na naman ako nang panibagong offer? Taympers muna, 'di pa ako nakakabangon sa una," nakangisi kong sagot.

She rolled her eyes bago magsalita.

"I know you'll realize someday na kailangan mo ang grupo namin, na kailangan mong sumali sa amin. Kaya binabalaan na kita nang mas maaga," nakangiti niyang sabi.

"Ah, pa'no mo na sabi?"

Umigting ang panga niya sa sinagot ko. Pikon siguro 'to noong bata pa, daling mapikon. Isang hila ko lang sa tenga nito magwawala 'yan.

"Our group is one of the strongest group in the whole Asia, Silhouette. At ang agency na pinasukan mo? Walang-wala pa 'yon sa kalahati namin. Mas mataas ang kikitain mo kapag nakapasok ka sa grupo namin. Isang misyon, katumbas ng isang milyon. Kaya sinong hindi maaakit? Pasalamat ka nga at ikaw ang napili namin para makumpleto ang mga miyembro namin, pero masyado kang mayabang," nanggagalaiting sagot niya.

"Sakto lang, hindi naman masyado." Nginitian ko pa siya matapos sabihin 'yon.

Mas lalong sumama ang timpla ng mukha niya. "What?! Should I tell you kung paano namin nagawang pabagsakin ang ibang grupo para tumigil ka sa kayabangan mo?!"

Nagkibit balikat ako sa sinabi niya. "Busy ako ngayon, e. Next time mo na lang ako kuwentuhan. O kaya naman, punta ka rito minsan, may pagong ako doon. Ayon, o." Inakbayan ko siya at itinuro ang puwesto ni CowCow.

Lumingon naman siya doon. "Iyan, diyan. Sa kaniya mo na lang ikuwento lahat ng hanash mo sa buhay. Literal na 'ikuwento mo sa pagong' hindi ba? Tiba-tiba ka diyan sa alaga ko. 'Di masyadong malaki ang talent fee kasi--"

"Get off me you bitch!" Inis na lumayo siya sa akin at sinamaan pa ako ng tingin.

Kung maningin parang kontrabida sa teleserye. Tapos ako 'yung bida na cute lang.

"Galit na galit naman masyado. Akala mo pasan ang buong mundo," pang-aasar ko rito.

Pinikit niya nang mariin ang mga mata at bumaling sa akin.

"Your house looks good. Pero napakasimple lang. Halatang namumulubi ka na, kaya alam kong kailangan mo ng pera. And you'll regret it kung hindi ka pa sasali sa grupo namin!" singhal niya.

Napatampal na lang ako sa noo ko nang marinig ang huling sinabi niya.

Nakaka-stress pala ang babaeng 'to.

Ano bang nangyari sa utak nito? Nabaldog?

Parang kanina lang gustong-gusto niya akong umatras, tapos ngayon g na g naman na sumali ako.

Nagka-crush siguro kay CowCow kaya biglang bumaliktad ang utak.

Habang malalim ang iniisip ay hindi nakaligtas sa mga mata ko ang bahagya niyang pag-atake.

KNIGHTS I-3: Nine Cards of Delta (Third Knights)Where stories live. Discover now