Chapter 27

20.9K 754 176
                                    

Silhouette

Tulala ako habang nagluluto ng umagahan. Sobrang aga kong nagising para ipagluto 'yung dalawa.

Hindi na rin ako nakatulog ulit kahit madaling araw ako nagising, sobrang sakit ng puson ko.

Nilagay ko sa malaking mangkok ang fried rice na niluto ko. Bumalik ako sa kalan para tingnan kung okay na ba 'yung niluluto ko.

Hindi pa ako nakakagalaw nang may maramdaman akong braso na pumulupot sa baywang ko. Napasinghap pa ako nang ipatong niya ang baba sa balikat ko.

"Good morning, baby," he said with his husky voice.

Natuod ako sa kinatatayuan nang halikan niya ang leeg ko. Walanghiya talaga 'to, chansing na nga, naka-jackpot pa.

"B-Boss, sandali nga lang! Alam kong bet na bet mo ako pero enebe, pere keng tenge," pabebeng sabi ko bago humiwalay sa kaniya.

He chuckled at inikot ako paharap sa kaniya. Napaatras pa ako nang yumakap siya sa akin.

"Masakit pa rin ba?" nag-aalala niyang tanong habang hinahagod ang likod ko.

"Medyo, pero kaya ko nang tiisin. Sige na, umupo ka na nga doon, ang bigat-bigat mo kaya!" naiinis na singhal ko.

Nakahinga ako nang maluwag nang humiwalay siya sa akin, pero nabigla ako nang sunggaban niya agad ang mga labi kong nananahimik lang.

Mabilis ko siyang tinulak pero hinuli niya lang ang magkabilang kamay ko. Kinagat niya muna ang ibaba kong labi bago siya humiwalay sa akin.

Inis na sinipa ko siya sa binti na tinawanan lang niya.

"Ano ba, boss?! Nakailang chansing ka na sa akin! Akala mo ba hindi ako magagalit?" singhal ko sa kaniya.

Sinuklay niya lang ang buhok ko gamit ang mga daliri niya. "I said good morning."

Umirap ako. "Good morning din. Si Pow Pow, tulog pa?"

Tumango siya bago pagmasdan ang niluluto ko. "What is that?" nakangiwi niyang tanong.

"Tortang talong, tapos hotdog. Bakit, hindi ka kumakain ng mga ganiyan?" tanong ko.

Nakangiwi pa rin siya nang tanguan niya ako. Napabuntong hininga na lang ako.

"Bakit pa nga naman ako magtatanong kung alam ko naman na ang yaman yaman mo?" kibit balikat kong saad.

Lumapit siya sa akin at yumakap sa baywang ko. "Are you mad at me?"

Kumunot ang noo ko. "Ha? Bakit naman ako magagalit?"

"Because I am picky," nakanguso niyany sabi.

Natawa ako. "Ayos lang 'yan, boss. Hindi naman kita masisisi kasi pinalaki kang tumatae ng ginto, hindi na iba sa akin 'yon."

Mas humigpit ang yakap niya sa baywang ko. Na-i-stress na ako kay boss, wala naman kaming label pero kung landiin niya ako wagas.

Nataranta ako nang marinig ang maliliit na yapak ni Pow Pow sa hagdan. Mabilis kong kinurot sa braso si Third.

"Third, si Pow nandiyan na! Bitaw!" natatarantang saad ko.

Sumama ang timpla ng mukha niya bago galit na bumitaw sa akin, nagpunta siya sa likuran ko pero pinaglalaruan niya pa rin ang mahaba kong buhok.

"Ate, kuya?" Bumungad sa amin si Pow Pow na nagkukusot ng mga mata.

Lumayo ako kay Third at lumapit sa alaga ko. "Masama pa pakiramdam mo?"

Umiling siya. "Hindi na, ate. Okay na okay na ako kasi masarap kayo mag-alaga ni kuya."

Ngumiti ako bago siya buhatin, pinaupo ko siya sa isang upuan sa dining. "Maupo na kayo, ipaghahanda ko lang kayo."

Sinamaan ko ng tingin si boss na nasa tabi ng kalan, agad naman siyang lumingon sa akin nang tumabi ako sa kaniya para asikasuhin ang niluto ko.

Naramdaman kong pumulupot na naman ang braso niya sa baywang ko kaya mabilis ko siyang sinaway.

"Ano ba?" inis na bulong ko.

"Why am I not allowed to touch what's mine?!" galit din na bulong niya.

"Hindi ako sa 'yo," madiin kong sabi. Tumalim ang tingin niya sa akin.

"Sa akin ka!"

"Bahala ka sa buhay mo, ang wild ng utak mo, boss. Kapag narinig ka ni Pow Pow lagot ka sa akin!" banta ko sa kaniya.

Nagtagis ang bagang niya sa sinabi ko. "Why am I not allowed to touch you, baby? Tell me!"

Pinanlakihan ko siya ng mga mata at kinurot sa baywang. Wow, abs, hmm.

"He's just a kid for pete's sake, Third, we can't be that intimate lalo na sa harapan niya dahil baka iba ang isipin niya," sagot ko.

Inis na hinampas niya ang lababo. "Damn it. Then let me kiss you, just once, please."

"Ano?"

"I said let me kiss you!" galit na pag-uulit niya.

Napabuntong hininga ako. Ano ba 'tong lalaking 'to? May saltik ata 'to sa pag-iisip.

Tiningnan ko si Pow Pow na nilalaro ang mga daliri sa ibabaw ng table. Nakatalikod siya sa amin kaya hindi niya kami nakikita.

"Isa lang, ha. Para matahimik ka na," matigas kong bulong sa kaniya.

He smirked playfully bago hawakan ang isa kong pisngi. He was about to kiss me when Pow Pow called me.

"Ate?" Mabilis akong humiwalay kay Third at nagkunwaring may inaasikaso.

Lumapit sa akin si Pow Pow at pinakita ang braso niya. Nakita ko ang pasa doon kaya agad ko siyang dinaluhan.

"Bakit? Napano 'to?" nag-aalala kong tanong.

Natawa siya. "Nahulog ata ako sa kama kanina noong paggising ko, ate."

Natatawang ginulo ko ang buhok niya, ang likot talaga ng batang 'to. Istorbo pa, ik-kiss sana ako ni Third, hays. Biro lang.

"Sige na, kakain na tayo, upo ka na ulit." Sinunod niya naman ang sinabi ko.

Natatawa kong tiningnan si Third na masama ang timpla ng mukha. Inasikaso ko na ang mga ulam na niluto ko at nilapag 'yon sa ibabaw ng lamesa.

"Third, ano bang gusto mo? Ipagluluto kita, or order na lang tayo," saad ko.

Umiling siya habang masama pa rin ang lagay. "I'm not hungry."

Umupo siya sa upuan na kaharap ni Pow Pow. Wala na akong nagawa kung 'di umupo sa tabi niya. Agad namang pumulupot ang braso niya sa baywang ko kaya mariin akong napapikit.

Pasalamat siya at hindi siya nakikita ni Pow Pow.

"Ang sarap mo talaga magluto, ate!" nakangiting sabi ni Pow Pow.

Napangisi ako. "Ako pa, bukod sa dyosa ako, ginintuan rin ang mga kamay ko."

Sabay silang tumawa ni Third na pinaglalaruan na naman ang buhok ko.

May nakakatawa ba sa sinasabi ko?

KNIGHTS I-3: Nine Cards of Delta (Third Knights)Where stories live. Discover now