Chapter 62

18K 538 101
                                    

Silhouette

"Here, your favorite food! As always!" nakangiting sabi ng tatay ko habang hinahain ang mga niluto niyang pagkain.

Walang reaksyon na kinuha ko ang kutsara at nilapit ang pagkain sa akin.

"Dad," I uttered.

Lumingon siya sa akin sa kalagitnaan ng pagkain. "Hmm, why?"

"When mom died, what made you think about leaving us?" tanong ko.

Binaba niya ang hawak na kutsara at tinidor. He even wiped his lips with a paper tissue.

"I have to leave you... For a certain reason, my daughter. Kailangan kitang protektahan kaya umalis ako," sagot niya.

Tumango ako nang dahan dahan at hindi na muling nagtanong pa. That's the answer I want to hear... A valid reason.

Nakita kong sumulyap si daddy sa cellphone niya, pero hindi ko na 'yon pinansin pa. Tinapos ko na ang pagkain.

"What the fuck," he groaned.

Kumunot ang noo ko. "Bakit? Anong nangyari?"

Gulat na gulat ang mukha niya habang nakatingin sa cellphone na hawak.

"Holy shit! They're all dead?!" mura niya pa.

Inis na hinampas ko ang lamesa. "Daddy! Ano ba 'yon? Nakaka-curious!"

Lumingon siya sa akin nang dahan dahan. He swallowed many times, para bang kinakabahan na ipaalam sa akin.

"What?" dagdag ko pa.

"Y-Your agency, I mean... The agency where you worked before, they're all dead."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Napatayo ako sa kinauupuan habang gulat pa rin ang mukha.

"W-What? What do you mean they're all dead?!" hysterical na singhal ko.

Lumapit siya sa akin at pinakita ang naka-flash na balita sa screen ng cellphone niya.

Sunod sunod na tumulo ang mga luha sa mata ko nang makumpirma nga ang sinabi niya.

Kael... Ryzma.

Nanghihinang napaupo ako sa upuan, pilit na pinoproseso sa utak ko ang nabalitaan. They're all dead, the agency that I used to trust a lot.

Sila ang bumuo sa akin.

Sila ang rason kung bakit ako naging malakas.

Who did this to them?

Napatingala ako nang may isang pangalan na pumasok sa utak ko. I immediately ran towards my room at marahas na hinablot ang cellphone ko mula sa charger.

Nanginginig ang mga kamay na d-in-ial ko ang number ng taong 'yon. Siya lang ang may pinakamataas na posibilidad na gawin ang kademonyohan na 'to.

Wala pang segundo ay sinagot na niya agad ang tawag.

"Baby?"

Yumukom ang mga kamao ko sa galit. "Ikaw ba ang gumawa nito?!"

Natahimik ang kabilang linya. "You're mad at me again, it feels so good to talk to you."

Pinikit ko nang mariin ang mga mata, nagtitimpi sa kademonyohan ng lalaking 'to.

"Stop talking to me like we're still in a relationship! Sagutin mo ang tanong ko, Third, ikaw ba ang gumawa nito?!" galit na sigaw ko.

He chuckled devilishly. "Oh, so you knew already."

Hindi makapaniwalang napanganga ako sa inasta niya. He chuckled, he just laughed at what I said!

"Hayop ka, w-why did you killed them, Third?" nauutal kong tanong. "What did they ever do to you para idamay ko sila sa kasamaan mo?!"

He groaned on the other line. "You're so sexy when you're mad."

"Shut up! Napakademonyo mo!" umiiyak na singhal ko sa kaniya.

"You know, baby, they didn't do anything to me. Hindi nila ako kayang galawin, so your question is invalid," he coldly said.

"W-What?" utal kong sagot.

"They didn't do anything to me, they did something... very awful, to you." Natulala na lamang ako dahil sa narinig.

"Hate me whenever you want, baby. But I'll still eliminate those people who were stabbing you from behind," dagdag niya.

Nanginginig ang mga kamay na hinigpitan ko ang kapit sa cellphone. He's not the Third I used to know, ibang iba siya ngayon.

"S-Sumuko ka na lang, Third. Just surrender yourself to the police, h-huwag ka nang mangdamay pa ng iba," pagmamakaawa ko.

Sawang sawa na akong makipagbangayan sa sarili ko. Ayoko nang may madamay pang mga tao.

"I did it legally, baby. They deserve to die, anyway, I'll see them in hell soon. For now, I want to watch them suffer down there. Whoever gets in my way, whoever tries to harm you, I'll eliminate them in any possible way I can." Binaba niya na ang tawag matapos sabihin ang mga katagang 'yon.

Nabitawan ko ang telepono sa labis na pangangatal. Even my knees are shaking because of fear.

Umupo ako sa kama habang habol habol ang sariling hininga. He said those words like he's not afraid of anything, hindi na ako magtataka kung balang araw ay patayin niya rin ako.

I can't believe how wicked his mind is. Mas malala pa siya sa demonyo.

I need to talk to those people na nagkaroon ng interaksyon sa akin. Hindi sila puwedeng madamay sa gulo na 'to.

Binitbit ko ang purse na kinuha ko mula sa bahay. I was about to get up nang may mahulog na maliit na bagay sa sahig.

I immediately picked it up and was surprised to see a USB flashdrive. This isn't mine, sinong may ari nito?

Nasagot ang sarili kong tanong nang matandaan na nilagay ko ang wallet ni Third sa loob nito nang biglang umulan habang pabalik kami sa sasakyan, noong gabing 'yon.

Bakit nandito ito sa akin?

This useless thing and his owner.

Paalis na sana ako nang bigla kong marinig ang boses ni Caspeia sa utak ko.

"Always trust him, Silhouette."

Humigpit ang kapit ko sa USB na hawak bago bumuntong hininga. I walked towards my laptop bago ito buksan.

Ramdam na ramdam ko ang kaba sa dibdib ko habang hinihintay na mabuksan ang laptop, maybe I can find some files and evidences inside this flashdrive. Or some other things.

Kinagat ko ang ibabang labi habang sinasaksak ang flashdrive sa laptop. I immediately open the files inside it, but to my suprised, only one folder was there.

Binuksan ko ang nag-iisang folder sa file na 'to, at laking gulat ko nang bumungad sa akin ang napakaraming videos na may nakalagay pang date.

I opened one video, and Third was there, he's the one who's filming himself.

Kinagat ko ang ibabang labi at pinagpatuloy ang panonood.

KNIGHTS I-3: Nine Cards of Delta (Third Knights)Where stories live. Discover now