Chapter 50

18.5K 595 151
                                    

Silhouette

"I'll be back soon, okay?" mahinang sambit ko habang nakatanaw kay Pow Pow na natutulog sa kama niya.

May mga nakapaligid na nurse sa kaniya habang inaasikaso ang ilang apparatus na nakakabit kay Pow.

Napabuntong hininga na lang ako nang maramdaman ang paghawak ni Third sa balikat ko. Sinenyasan niya ako na tapos na ang oras ng pagbisita kaya wala na akong nagawa, I decided to go with him.

Tulala lamang ako nang makarating kami sa kotse niya. I thanked him when he gladly opened the door for me.

Pakiramdam ko ay masisiraan na ako ng bait kapag nagpatuloy pa ito. Pow Pow needs me, pero hindi kami puwedeng magkalapit dahil sa isolation na isinasagawa sa kaniya.

Kumunot ang noo ko nang mapansing iba ang tinatahak naming daan, hindi ito papunta sa bahay ko.

Hinawakan ko ang kamay ni Third. "Hey, saan tayo pupunta?"

"In my house, I'll take you there," sagot niya bago pisilin nang marahan ang kamay ko.

I stiffened. "W-Why? Bakit sa bahay mo pa? Okay naman sa bahay ko, atsaka baka istorbo--"

"Please, baby, just come with me. You're not safe there, for goodness sake," frustrated na pagputol niya sa akin.

"Pero istorbo na ako masyado, Third, you don't have to bring me there. Ayoko nang maging pabigat pa sa 'yo," malambing na saad ko.

Nagulat ako nang ihinto niya bigla ang kotse. Agad niya akong inalalayan para hindi ako mauntog, kahit halata ang galit sa mukha niya.

"B-Bakit?" natatarantang tanong ko.

"I am losing my mind, slowly, baby. Lagi akong nag-aalala sa tuwing wala ka sa paningin ko, just stop... Stop being stubborn, just follow me, please?" nagmamakaawang untag niya.

Nahihiyang napayuko ako. "I'm sorry, I'm sorry if masyado akong makasarili."

Naiiyak ko siyang niyakap, agad naman siyang gumanti sa pamamagitan ng pagpulupot ng mga braso niya sa baywang ko.

"Hush, baby, it's alright. You'll be fine as long as you're with me, okay?" I immediately nodded with what he said.

"Thank you, Third, I love you so much," malambing kong bulong sa kaniya.

He kissed my cheeks before smiling at me. "Come on, you need to take a rest. You're stressing yourself, Silhouette, ayoko ng ganito ka sa sarili mo."

Pinagpatuloy niya na ang pagmamaneho habang ang isang kamay niya ay nakapatong sa kamay ko. He's busy playing with my fingers dahilan para mapangiti ako.

Sumandal ako sa bintana ng kotse at pinagmasdan ang kalangitan. It's getting dark again, pagabi na naman.

Dalawang oras lang ako puwedeng bumisita kay Pow Pow, at hanggang tingin lang din ako. Napansin ko na mas lalo siyang pumapayat, mas namumutla ang balat niya, he's not the Pow Pow I used to know.

Dagdag pa sa problema ko ay ang mga taong humahabol sa akin, gustong gusto nila akong patayin. Hindi ko alam ang intensyon nila, kung bakit desidido sila na mawala ako sa mundo. Pero isa lang ang sigurado ako, kilala nila ako... sa personal.

Natandaan ko ang huling pag-uusap namin ni Carlos bago sila tuluyang mawala sa akin. He said he read a book once, at ang pinakatinandan niyang linya ay tungkol sa pagbibigay ng tiwala.

He told me back then, na kahit gaano ka pa kalapit sa taong pinagkakatiwalaan mo, kapag masyado kang nakampante, kaya ka nilang siraan patalikod.

Natigil ako sa pag-iisip nang maramdaman ang pagtigil ng sasakyan, umikot si Third sa side ko bago ako pagbuksan ng pintuan.

Napanganga na lang ako nang bumungad sa akin ang isang malaking mansion pagkababa ko. Halatang bilyon ang ginastos sa bahay na 'to.

"This is your house?" gulat na tanong ko.

Tumango siya. "Our house."

Ngumiwi ako. "Huwag kang ganiyan, baka mamaya gold digger pala ako tapos utuin kita para mapasakin ang bahay mo. Mahirap na, ang yaman mo pa naman."

He chuckled. "Baby, this house means nothing to me at all. If ever that this is the price you're looking for, to make you say yes to my marriage proposal, I'll gladly give this to you."

"Even if I'm a witch and a bitch, handa ka pa ring pakasalan ako?" gulat na tanong ko.

He smiled. "I'm willing to give you everything, para sumama ka sa akin. I only want you in my life, baby."

Lumambot ang ekspresyon ko. "Mahal na mahal mo talaga ako, ano? Paano ba 'yan, hindi kita masyadong mahal."

Dumilim ang ekspresyon ng mukha niya kaya mabilis akong humakbang papalapit.

"Hala, galit agad, biro lang. Mahal na mahal kita. Baka ako pa nga ang mag-propose sa 'yo," natatawang saad ko.

Niyakap ko siya nang mahigpit dahilan para kusa siyang yumakap pabalik.

"I wish we'll stay like this forever, Silhouette."

"Oo naman, walang break up na mangyayari," nangangakong saad ko.

Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa akin, pigil na pigil din ang paghinga niya. It's like he's trying to control his temper.

"Silhouette, baby, you'll never break up with me, right? Whatever happens?" alanganing tanong niya.

Hinarap ko siya para haplusin ang kinakabahan niyang mukha.

"Oo naman, bakit?" tanong ko.

"I'm afraid... I'm afraid that you might leave me. I can't live without you, baby, so huwag mo akong iiwan," garalgal ang boses na saad niya.

"Depende na lang kung mambababae ka, iiwan kita," sagot ko.

Nakita ko ang pagngiwi niya. "What? Oh fuck, I'll never love another woman besides you."

"Eh, anong kinakatakot mo? Wala ka namang ginawa at gagawin na masama. Bakit natatakot ka na iwan kita?" takang tanong ko.

Ilang segundo siyang tumahimik, iniiwasan niya rin ang magkatagpo ang mga mata namin.

"If ever... That you found out, who killed those people that you love, would you get mad at them or him, to the point that you're willing to kill him?" tanong niya.

Hindi agad ako nakasagot, anong klaseng tanong 'to?

"Hindi ko lang sila kamumuhian, ipapakulong ko pa siya. O kaya naman, ako mismo ang papatay sa kaniya," madiin at galit na sabi ko.

He stood frozen with what I said. Nakakapagtaka ang reaksyon niya.

"Y-Yeah, don't worry. I'll help you to find that ass hole. Come on, it's getting cold here," he said.

Sumunod na lang ako kahit malaking tanong pa rin sa akin ang inaakto niya.

KNIGHTS I-3: Nine Cards of Delta (Third Knights)Where stories live. Discover now