Chapter 11

21.9K 848 247
                                    

Silhouette

Nakatitig lamang ako sa kaniya habang tikom ang bibig. Hindi ko na namalayan ang pagsulpot ng ibang myembro ng Delta sa likuran ko.

"S-Silhouette," banggit ni Chios sa pangalan ko dahilan para bumalik ako sa realidad.

Hinila ako ni Alpha nang marahan papunta sa likuran niya.

Kita ko pa kung paano mag-angat ng tingin ang pinuno naming mala-Satanas ang presensya.

Napalunok ako habang hinahaplos ni Flame ang likuran ko.

Alam siguro nila na grabe 'yung kaba ko ngayon.

"T-Third, I'm sorry for that. Hindi niya alam na ikaw 'yon, she's just a new member. I apologize in behalf of Silhouette," nakayukong saad ni Caspeia sa tabi.

Nakasalubong ko ang malalamig na titig ni Third nang sulyapan niya ako ng tingin.

Hinaplos niya ang dagger na hawak hawak bago umigting ang panga.

"I wasn't surprised with her reaction, I'm more than glad that you noticed my presence," malamig na saad nito bago ako lingunin.

Napalunok na lang ako. Hindi ako puwedeng manatiling kabado rito.

"Maliit na bagay."

Napangiwi ako nang kurutin ako ni Athelia sa baywang.

"Ano ba? Ba't ka nangungurot diyan?!" singhal ko sa kaniya.

Nanlaki ang mga mata niya dahil sa sigaw ko. Nilingon niya nang bahagya si Third na para bang pinagbabantaan ako na huwag maingay.

Agad naman akong tumingin kay Third na malalim ang titig sa akin.

Alanganing napangiti ako. "Sorry, tao lang," kibit balikat na sagot ko.

Si Flame naman ngayon ang nangbatok sa akin nang palihim. Inis na hinaplos ko ang batok bago siya inambahan.

"Oo na, tatahimik na!" gigil na bulong ko.

Pinili ko na lang itikom ang bibig ko, baka mamaya mapunta na ako sa impyerno kapag ginalit ko pa 'tong pinuno namin.

"How's the mission I gave you, Perzeus?" tanong ni Third na bahagya pa akong tinapunan ng tingin.

Kanina pa 'to tingin nang tingin, ha. Baka mamaya pinagpaplanuhan na ako nitong patayin.

Patawad Pow Pow, kung gano'n. Ba-bye.

Yumuko si Perzeus bago sumagot. "We already tracked Mr. Salivan's men, nakuha na rin namin ang mga informations about his men and his transactions."

Naks, messenger pala 'to si greek god.

"Their headquarters?" tipid na dagdag ni Third.

Si Flame naman na nasa tabi ko ang sumagot. "We planted bombs all over the area, kapag hindi sila sumagot sa atin within 24 hours, we have no choice but to kill them all."

"Naks, mga bomber," bulong ko sa tabi.

Bigla silang tumahimik kaya napatingala ako, nakatingin silang lahat sa akin.

Tangina, narinig pa nila 'yon? Bulong na nga lang, e.

"Tell them to answer within 12 hours, you know how I hate waiting, give them the time I want," sagot ni Third.

Yumuko ang lahat ng Delta kaya bagot na yumuko na lang din ako.

"We'll go back to work, Third," magalang na paalam ni Perzeus, na sa tingin ko ay messenger nga ata nitong pinuno namin.

Hindi ako puwedeng maglabas ng mga hanash at jokes dito kay Perzeus, lalo na kapag tungkol kay Third, baka isumbong pa ako.

Lubog ang buhay ko kapag nagkataon.

Naiwan ako ditong mag-isa habang unti-unting naglalakad paalis ang Delta.

Agad akong nag-iwas ng tingin nang makitang padaan sa gilid ko si Third.

Makakahinga na sana ako nang maluwag nang lampasan niya ako. Pero nanigas ako sa kinatatayuan nang maramdaman ang presensya niya sa likuran ko.

Napapapikit ako sa kaba nang iangat niya ang buhok ko, ramdam ko kung paano niya itago ang dagger doon.

Naramdaman ko ang mainit na hininga niya sa t'enga ko.

"Next time, don't attack anyone recklessly, Silhouette," bulong niya gamit ang malalim na boses.

Napakapit na lang ako sa lamesang nasa gilid ko nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko.

Grabe, umatras dila ko sa lalaking 'yon. Pinagsisisihan ko na ngayon na pumayag akong sumali sa kanila!

Hindi ko alam na ganito pala ang kabang mararamdaman ko.

Walanghiyang Third 'yon.

"BAKIT maputla ka, ate?" takang tanong ni Pow Pow habang buhat buhat si CowCow sa bisig niya.

"Gusto mong malaman?" tanong ko.

Tumango naman siya.

"Tanong mo sa pagong, ayan, oh, nasa harapan mo," sagot ko.

Sumimangot ang bata bago magtanong ulit. "Ano nga, ate? Hindi ba maganda ang turing sa 'yo n'ong grupo na 'yon?"

"Maganda naman, 'yung leader lang ang may problema," sagot ko.

"Kursunada ka?" nakangiting tugon ni Pow Pow dahilan para masamid ako.

Binato ko siya ng plastic bottle na walang laman, tatawa-tawang umilag siya.

"Kursunada ka diyan! Baka nga mamaya pinapatay na ako no'n sa isipan niya. Alam mo ba kung gaano nakakatakot 'yon? Kilala mo ako Pow Pow, strong woman ako, pero umatras pantog ko sa lalaking 'yon," sigang saad ko.

"Sinaktan ka ba niya, ate? Hindi puwede 'yon!" Tumayo pa siya na para bang handang lumaban para sa akin.

"Buti na lang kamo hindi, baka wala ka nang ateng maganda kung nagkataon. Isang sapak lang no'n sa akin, todas na ako," dagdag ko.

Agad siyang tumabi at yumakap sa akin nang mahigpit. "Ayoko, ate! Ayokong mawala ka. Magiging doctor pa nga ako para sa 'yo."

Napangiti ako sa sinabi niya.

"Ate Silhouette, gusto kong maging engineer, para paglaki ko gagawan kita ng bahay!"

Pinilig ko ang ulo para mawala 'yon sa isipan ko. Pero ibang alaala at boses naman ang mga narinig ko.

"Sus! Hindi ka na lalaki, Carlos!"

"Ate, oh! Ang sama ni manong!"

"Naku, kayo talaga! Silhouette, neng, halika! Pinagluto kita ng estopadong manok na paborito mo!"

"Sandali! Akala ko ba sa amin ngayon kakain si Silhouette? Madaya ka Ising!"

Pinunasan ko ang mga luhang pumatak sa pisngi ko para hindi makita 'yon ni Pow Pow.

Marahan kong hinaplos ang buhok ng batang nasa kandungan ko na nakatulog na ata.

Napatingala ako sa itaas habang sinisikap na pigilin ang mga luha ko.

I'm sorry for being too weak, I'm sorry for being too late.

I'll do everything to find those ass holes na dahilan kung bakit kayo nawala sa akin. I'll get the justice that you guys deserve, even if I end up dead.

KNIGHTS I-3: Nine Cards of Delta (Third Knights)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant