Chapter 24

20.7K 718 143
                                    

Silhouette

"Silhouette." Kinalma ko ang sarili nang marinig ang boses ni Third sa labas.

Mabilis kong inayos ang sarili para hindi niya mahalata na umiyak ako. Nang masigurong ayos na ako ay agad kong binuksan ang pintuan.

"Third, b-bakit?" nauutal na tanong ko.

Hindi siya sumagot, pinakatitigan niya ang mukha ko habang seryoso ang mukha.

"You cried," malamig na sabi niya.

Agad akong umiling. "Ha? Ako, iiyak? Tangina ang lakas ko kaya."

Napaatras ako nang pumasok siya sa loob ng kusina, sinarado niya ang pintuan habang nakatitig sa akin.

"Come on, tell me, why?" malambing na saad niya.

Napalunok ako dahil sa lamig at lalim ng titig niya. Napakurap pa ako dahil sa tanong na 'yon.

"Wala nga," umiiling na sagot ko.

Napaatras ako nang humakbang siya papalapit, bahagya akong napakislot nang kuhanin niya ang isang maliit na bagay sa likuran ko.

Sinundan ko ng tingin ang hawak niya.

"You cried because of this?" seryosong tanong niya habang hawak ang bottled water.

Hindi makapaniwalang umiling ako. "Hindi--"

"Ofcourse you didn't, but you cried because of that thing," malamig na saad niya bago lingunin ang maliit na  bola katabi ng ref.

Biglang dumagundong ang dibdib ko sa kaba dahil sa sinabi niya. Paano niya nalaman?

"T-Third, labas na tayo, hindi naman big deal ang pag-iyak ko," mapait na sagot ko.

"It is, baby, it is."

Natulala ako sa pangalang tinawag niya sa akin. Teka, ano?

"Anong tinawag mo sa akin?" paniniguro ko.

He rolled his eyes in a manly way bago ako lapitan, umatras ako pero tumama ang baywang ko sa maliit na lababo dahilan para mapatigil ako.

Napalunok ako nang itaas ni Third ang kamay, he used his thumb to wipe the trace of my tears. Nakatulala lang ako sa gwapo niyang mukha habang malalim siyang nakatitig sa akin.

"I have any rights to call you anything that I want to call you, baby. I am still your boss in the first place, right?" nakangisi niyang tanong habang hinahaplos ang pisngi ko.

Hindi agad ako nakasagot dahil sa narinig ko mula sa mga labi niya. Parang nanganganak ang mga paru-paro sa tiyan ko, parami nang parami.

"Ha?" Gusto kong tuktukan ang sarili dahil sa lumabas na salita sa bibig ko.

Tangina talaga 'tong utak na 'to, araw-araw may malfunction.

Naiiling na tumawa si Third, pagkatapos ay binalik niya ang mga titig sa akin kaya napakislot na naman ako.

"Your mouth is really careless, baby, I think I know the right way to zip it," nakangising sabi niya habang nakapaskil ang kapilyohan sa mga mata.

Nanlaki ang mga mata ko nang unti-unti niyang ilapit ang mukha sa akin. At hindi ako tanga para hindi malaman kung ano ang balak niyang gawin, na hinding hindi ko tatanggihan!

Ilang tuldok na lang ang pagitan ng mga labi namin nang biglang may kumatok sa pintuan.

"Silhouette? Nasa loob ka ba?" tanong ni Chios mula sa labas.

Kitang-kita ko kung paano ilayo ni Third ang mukha sa akin, may bahid ng galit at inis sa mukha niya habang nakatingin sa ibang direksyon.

"Tangina," mura niya bago lumayo sa akin.

Akmang bubuksan na niya ang pintuan pero mabilis ko siyang pinigilan, nagtatakang lumingon siya sa akin.

"Huwag, baka kung ano ang isipin niya kapag nakita niyang magkasama tayo," paliwanag ko.

Sinamaan niya ako ng tingin. "Let her think, I'll like that."

Binuksan niya ang pintuan kaya mabilis akong napabitaw sa pulso niya.

Nagulat pa si Chios nang makitang si Third ang bumungad sa kaniya, pero kalauna'y lumipat ang tingin niya sa akin na nasa likuran ni Third.

Kumaway ako at ngumiti nang alanganin. Naningkit lang ang mga mata ng babaeng 'to sa ginawa ko. Alam kong nag-iisip na 'to ng kung ano, ito pang si Chios? Gulo lang ata ang dahilan niya para mabuhay.

"Ah, b-boss, I thought you're outside the Hospital?" takang tanong ni Chios kay Third.

Halatang nanghuhuli lang ang babaeng 'to, matalinong bata, alagang Third.

"Nauhaw daw kasi siya kaya siya--" Natigil ako sa pagsasalita nang putulin ako ni Third.

"I came all the way here to follow Silhouette." Asar na sinamaan ko siya ng tingin.

Bakit ba pinapalaki niya ang sitwasyon?

Nakita ko ang pag-angat ng sulok ng labi ni Chios nang marinig ang sinabi ni Third.

"I see, matutulog na pala ulit ako, boss, Silhouette." Kumindat siya sa aming dalawa. "Enjoy each other's company."

Sinarado niya ang pintuan matapos sabihin 'yon.

Iniwan niya kaming dalawa ni Third habang ako naman ay bumalik sa pagiging kabado. Naiwan na naman ako dito kasama ang lalaking 'to.

Mabilis ang kilos na lumapit ako sa pintuan para sana buksan iyon, pero nagtambol na naman ang puso ko nang hawakan ako ni Third sa braso.

"Whoo." Pinakawalan ko ang malalim na buntong hininga. "Please lang, boss, palabasin mo na ako. Hindi mo alam kung paano na ako nababaliw dahil sa presensya mo, crush nga kita 'di ba? Masyado kang pa-fall!"

Asar na asar na ako habang pinapakawalan ang mga salitang 'yon. Hindi marunong makiramdam ang lalaking 'to.

I heard him chuckled behind me. "I'm not even doing anything, baby."

Napamura ako nang malutong. "Isa pa talaga, boss, kapag inambahan mo ako ng halik talagang ik-kiss kita."

Nakatalikod pa rin ako sa kaniya dahil hindi ko kayang sabayan ang mga titig niyang malalim.

Nahigit ko ang hininga nang maramdaman ang mga kamay niya sa magkabilang baywang ko. Naramdaman ko rin ang mainit na hininga niya sa tenga ko.

"Don't worry, baby. I'll make sure to own you, soon. 'Yung tayong dalawa lang, 'yung walang tanginang istorbo sa ating dalawa. I'll definitely find a way for that to happen," bulong niya sa tenga ko.

Naramdaman ko kung paano niya ako halikan sa buhok bago niya ako lagpasan. Siya mismo ang nagbukas ng pintuan at inunahan akong makalabas.

Napahawak na lang ako sa dibdib ko nang mawala na siya sa paningin ko. Walanghiyang Third na 'yon, para akong binundol sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.

KNIGHTS I-3: Nine Cards of Delta (Third Knights)Where stories live. Discover now