Chapter 12

22K 889 338
                                    

Silhouette

"These are the areas where we can enter without anyone knowing, but now, it is heavily guarded by agents of that jerk" seryosong saad ni Third nang mailapag ang isang blueprint ng hotel na pupuntahan namin.

May red mark ang lahat ng daan na tinuro niya. Walang ibang daan para makapasok kami sa hotel nang malaya.

Kaya kailangan talaga nang puspusan na pagtatago para makalusot kami.

"Flame and Perzeus, you guys are assigned for the cameras around the hotel," dagdag niya pa bago bumaling kila Flame.

Sumaludo naman ang dalawa.

"Chios and Alpha, you're assigned for the computers. Play the video that we have when it's time, change the angles of the cameras also," baling niya naman sa dalawang nasa gilid.

Katulad nila Flame ay sumaludo rin ito. Napabuntong hininga na lang ako nang mahina, ano kayang papel ko dito?

Baka mamaya magsusunog lang ako ng hotel, boring.

"Caspeia, take care of our men around the area incase of unplanned emergencies, that is very impossible," malamig niyang saad kay Caspeia na todo ngiti ngayon.

Psh, kinausap lang saglit kilig singit na, nabubuang ako sa babaeng 'to.

"And you." Napatigil ako nang bumaling sa akin si Third.

Tinuro ko ang sarili. "Ako? Yes why?" nakangising kong tanong.

"You're coming with me," sagot niya na dahilan para mapalakpak ako.

Nagtatakang lumingon sila sa akin dahil sa ginawa kong pagpalakpak.

"Yes! Sa 'yo pala ako sasama, ayos 'yon! Sure safe, basta ikaw, boss," nakangising saad ko at bahagya pa siyang kinindatan.

Kitang kita ko kung paano ako irapan ni Caspeia, at narinig ko rin ang pagtawa ng iba sa gilid ko.

"Paano mo naman nasabing sure safe ka kung tatanga tanga ka?" mataray na saad ni Caspeia.

"Psh, epal," pang-aasar ko.

"Could you please stop speaking like that, weakling? Hindi ka makakasiguro na ligtas ka lalo na at hindi ka pa ata marunong sumeryoso," nanggagalaiting sabi nito.

Nagkibit balikat ako. "Sure safe kaya ako, si Third kasama ko, e. Kahit siya na lang ang lumaban para sa akin, chill lang ako sa gilid."

Sabay sabay na humalakhak ang ibang myembro ng Delta sa tabi ko. Kita ko rin ang bahagyang pag-angat ng labi ni Third.

"May nakakatawa ba?" takang tanong ko.

Iiling-iling na tinapik ni Perzeus ang balikat ko.

"Keep it up, woman," nakangising sabi niya.

"What do you think are you doing?" Napalingon kami nang magsalita si Third sa harap habang nakatingin sa kamay ni Perzeus na nakapatong sa balikat ko.

Agad namang napabitaw sa akin si Perzeus kahit nagtataka pa rin ako kung anong nangyari.

Ngumiti ako nang balingan ako ng tingin ni Third.

KNIGHTS I-3: Nine Cards of Delta (Third Knights)Where stories live. Discover now