Chapter 51

17.5K 614 47
                                    

Silhouette

"Sit down for a while, baby, I'll grab a food for you," malambing na sabi ni Third bago ako alalayan paupo sa sofa.

Sumunod na lang ako sa kaniya at pinagmasdan siya nang mabuti habang hinuhubad niya ang coat niya.

Ngumiti ako nang matamis nang ipatong niya sa akin ang hinubad na coat. He smiled sweetly at me. "I'll be back."

Pinanood ko siyang maglakad papalayo sa puwesto ko. Wala na akong nagawa kung hindi ang ilibot ang paningin sa kabuuan ng mansyon niya.

Malaki ang mansyon ni daddy, malawak, pero masasabi kong mas maganda ang mansion ni Third. Mas malawak at elegante ang lahat ng gamit.

Luminga ako sa paligid nang mapansing wala man lang maids na gumagala, wala ba siyang katulong sa bahay?

Mag-apply na lang kaya akong katulong niya? Sigurado ang sweldo ko agad ay isang milyon, with extra service kasi. Pero kiss lang 'yung extra service, bawal lumagpas doon kasi bad 'yon.

Isusuko ko lang ang kabataan ko kapag kinasal na ako, pero sa ngayon, may limitasyon naman ang lahat at ayokong lagpasan 'yon porke't may relasyon na kami ni Third.

Nakuha ng atensyon ko ang isang album sa ilalim ng coffee table. Mabilis kong dinampot 'yon at binuklat.

Agad akong napahagikhik nang makita ang mga baby pictures ni Third, alam kong siya 'to, malamang, sino ba ang nakatira sa bahay na 'to?

Magkaiba rin ang kulay ng mga mata ng baby katulad ng kay Third.

"Ang cute naman ng baby ko, sana kamukha mo magiging anak natin," nakangiting bulong ko habang pinagmamasdan ang mga pictures niya.

Malakas akong napahagikhik nang bumungad sa akin ang isa niyang picture kung saan mga nasa bandang pitong taon gulang siguro siya, nakatingin siya sa camera, masama ang tingin ang halatang gustong pumatay.

"Baka paglaki ng mga anak natin, maging ganito sila kagalit sa 'yo, ayokong magka-anak na pinaglihi sa sama ng loob ha," parang baliw na bulong ko.

"What's that?"

Nakangiting lumingon ako kay Third nang umupo ito sa tabi ko, nilapag niya ang isang tasa ng kape sa coffee table bago ibigay sa akin ang isang sandwich.

Kinuha ko ang platito na pinaglalagyan ng tinapay at nilapag din ito sa lamesa. Nakangiting sumandal ako sa kaniya habang hawak ang photo album.

"Look, ang cute cute mo dito!" natutuwang saad ko.

He chuckled before caging me in his arms. "You're the first person who have seen that."

Nagulat ako sa sinabi niya. Agad ko siyang tiningala para makasigurado. "Ha? Sila Alpha?"

Umiling siya. "No way."

Naiiling na tumawa ako. "Sayang, hindi nila nakita kung gaano ka ka-cute noong bata ka. Ngayon kasi isa ka ng damulag na hunk."

Umakto pa ako na naiiyak, tinawanan niya lang ang reaksyon ko.

Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin mula sa likuran ko, pinatong niya ang baba sa balikat ko bago buksan ang TV.

"Let's watch a movie, I'm sure you're not that sleepy, right?" Tumango ako sa tanong niya.

Binigay niya sa akin ang remote kaya malaya akong pumili ng kahit anong gusto ko.

Pinili ko ang movie na Zombieland, zombie ang theme ng movie pero sobrang nakakatawa raw sabi ni Kael dati.

Excited na pumalakpak ako nang magsimula na ang movie, kasabay non ay ang pagdilim ng paligid na para bang nasa cinema kami.

"Go on, just watch. I want to hug you, let's stay on this position," he whispered.

Hindi ko na siya pinansin, dinampot ko ang sandwich na nasa table bago ito lantakan. Focus ang mga mata ko sa movie pero siya ay hindi man lang nanonood.

"Bwisit kasi! Ang kukulit! Ayan tuloy, mga pabigat pa kayo!" galit na sigaw ko habang sinasamaan ng tingin ang dalawang bidang babae na nasa taas ng rides. Sa baba nila ay puro zombie.

Third chuckled because of my sudden outburst, pero bahala siya diyan. Inis na inis ako sa mga bida bidang 'to!

"Kapag namatay talaga 'yung astig na matanda, ewan ko na lang. Lulusot ako at papatayin ko kayong dalawa!" gigil na dagdag ko habang nilalantakan ang chichirya na hawak.

Naramdaman ko ang pagpulupot ng mga braso ni Third sa baywang ko. He even kissed me on my cheeks.

"Why?" malambing na tanong ko sa kaniya.

"Nothing," sagot niya habang patuloy pa rin akong hinahalikan.

"You're extra sweet ngayong araw, miss na miss mo ba ako? Chill ka lang, lagi tayong magkasama," natatawang saad ko.

"Silly. I just love kissing you, I always wanted to do this."

Natahimik na naman ako sa huling sinabi niya. Ito na naman, 'yung pakiramdam na binabagabag ako ng mga salitang binibitawan niya.

Ewan ko ba kung bakit may pakiramdam ako na may kakaiba sa lahat ng binibitawan niyang salita. May iba siyang gustong iparating na hindi ko matukoy kung ano.

"I love you," he whispered to me.

Hinaplos ko ang buhok niya. "I love you too."

Patuloy pa rin siya sa paghalik sa leeg at sa pisngi ko. "I love you so much, baby. I love you so fucking much."

"I know, shh, baka may makarinig sa 'yo. Secret lang natin na patay na patay ka sa akin," mayabang kong saad.

Halos hindi na ako makahinga nang mas humigpit pa ang yakap niya sa akin.

Tumaas ang kamay niya sa braso ko bago ito marahang hinaplos. His touch is different, it feels like he wanted to say something.

"Third?" I called his name.

"Hmm?" tanging sagot niya lang.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ko.

Hinalikan niya ang balikat ko. "Yes, of course. Why?"

Umiling ako. "Para kasing may gusto kang sabihin sa akin, sige na, ano ba 'yon? You want cuddles?"

Tumango siya. Agad ko naman siyang niyakap pabalik at hinalikan sa pisngi.

"Come on, tell me, what's wrong, my baby?" I sweetly said.

"I just want to say how much I love you, Silhouette. You're the only person in my life and I'll never replace you, baby. I love you," he sounds so sincere when he said that. Hindi ko na naiwasan ang mapangiti.

"Mahal na mahal din kita," sagot ko.

"You are my world, Silhouette."

KNIGHTS I-3: Nine Cards of Delta (Third Knights)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora