Chapter 39

18.4K 682 162
                                    

Silhouette

"A-Aray! Teka sandali nga lang!" galit na singhal ko kay Third habang hinihila niya ako.

Padabog na sinandal niya ako sa pader kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin.

"Ano ba?!" singhal ko.

"Stop acting like you didn't do anything, Silhouette. Tell me, do you like him?!" galit na galit na sigaw nito.

Napalunok ako habang nakikipagsabayan sa nag-aalab niyang mga tingin.

Pero bakit naman ako papadala sa mga tingin niya? Kung makabalibag siya sa akin, wagas!

"Lolo mo pink!" sagot ko.

He clenched his jaw bago suntukin ang pader na kinasasandalan ko. Napapikit pa ako sa takot na sapakin niya ako.

"I have no time to deal with your nonsense lines, Silhouette. Just fucking answer me! Bakit ganoon ka makadikit sa lalaking 'yon?!" Dumiin ang pagkakakagat ko sa labi nang mas magalit pa siya lalo.

"Kasi Third, I'm comfortable w-with his presence kasi--"

Napatalon na lang ako sa gulat at takot nang hampasin niya ang pader. Galit na galit ang itsura niya, hindi man lang ako pinatapos magsalita.

"Y-You like him? You really like that fucking guy?" hindi makapaniwalang saad niya.

"Third, s-sandali--"

"All this time, I t-thought." Napayuko ang ulo niya habang nanunubig ang gilid ng mga mata niya.

Naiinis na kinamot ko ang batok nang mapahilamos siya sa mukha.

"Why didn't you tell me, baby?" Rinig na rinig ko ang sakit at ang pagbiyak ng boses niya.

Sinabunutan niya ang sariling buhok bago sumandal sa tabi ko.

"You should have told me, b-baby. Aagawin pa rin kita, pero sana sinabi mo agad na siya ang gusto mo. I mean, what the hell is wrong with me? Am I not your type?" he asked.

Agad akong umiling. Naiiyak na rin ako habang pinagmamasdan siya.

Nanunubig ang mga matang hinampas ko ang balikat niya.

"Pabida ka kasi, hindi mo ako pinapatapos sa pagsasalita!" naiiyak na untag ko.

Niyakap ko siya nang mahigpit. "Ayos lang naman daw na malaman mo. Bakla si Perzeus, Third, pota ka talaga. Masyado kang pabibo, lagi kang sumisingit sa paliwanag ko. Sana ikaw na lang din sumagot sa sarili mo, ano?"

Marahan niya akong nilayo sa kaniya, shock is written on his face. "W-What?"

Tumango ako. "Bakla nga siya, alam mo noong nasa mansyon tayo ng garapatang mayor na 'yon? Noong hinila ko siya kung saan? Nakahalata na ako na beki siya kasi magaling akong mangilatis, 'di ba? Alam mo namang talented ako bukod sa pagiging dyosa ko. U-Umamin siya sa akin noon. Sabi niya, ayos lang din na malaman mo, hindi lang siguro siya handang sabihin sa iba. Pero demonyo ka kasi kaya siguro ayos lang sa kaniya."

Parang nakahinga siya nang maluwag sa sinabi ko.

"Oh fuck, I can't believe this. Perzeus is gay?" hindi makapaniwalang tanong niya habang hinahaplos ang baywang ko.

Tumango agad ako.

Sumisinghot na humilig ako sa dibdib niya para libre chansing din. Nagkunwari pa akong malungkot na puppy at nagpabebe na parang spoiled girlfriend.

"Huwag ka na magalit, ha? Hindi ako sanay na ganon'n ka, akala ko susuntukin mo ako," nakangusong saad ko.

Susubukan ko lang naman magpa-cute, baka effective. Alam ko namang hindi ako nito matatanggihan, bukod sa cute ako, patay na patay pa 'to sa akin.

Ramdam ko kung paano niya ako halikan sa pisngi, inangat niya rin ang mukha ko at pinatakan ng halik ang labi ko.

Hmm, yummy. Isa pa, char.

"I'm sorry, I just can't control my anger when it comes to you, Silhouette. But you know that I'll never hit you, right?" malambing na tanong niya.

Pabebeng tumango ako. "Sorry if ginalit kita, para ka kasing ewan, hindi mo ako pinapansin kanina, e nagpapapansin na nga ako sa 'yo."

He chuckled on my ear. Pinatakan niya pa ng halik ang sentido ko.

"We don't need that fucking label or anything, baby. The moment I told you that you're mine, kusa na 'yon, mahal ko." Para akong bulateng nilagyan ng asin nang marinig 'yon.

Tangina, mahal niya raw ako.

Gosh, bye world, pakakasalan ko na 'tong lalaking 'to.

"Third naman! Huwag ka masyado bulgar, baka i-kiss kita nang wala sa oras. Wala nang boss boss dito, kapag gigil, lapang," natatawang saad ko.

Rinig na rinig ko ang pagtawa niya. "Baby, you're such a tease. Stop saying things like that."

Lumambitin ako sa leeg niya dahilan para mas lumawak ang pagkakangiti niya.

"Hay nako, Third, kung alam ko lang na magiging jowa kita, edi sana hindi na ako nagpakipot pa noong inalok ako ng mga kagrupo mo. Bwisit ka, dapat in-inform mo agad ako na ma-lo-love at first sight ka sa akin, edi sana nakapag-make up man lang ako sa first meet up natin. Dati rati, takot na takot pa ako sa 'yo," pag-amin ko habang nakayakap sa kaniya.

He combed my hair with his fingers. "Really?"

Bahagya akong humiwalay at tumango. "Noong mahina pa ako at walang ka-kuwenta kuwenta sa agency."

"And why are you scared of me? You haven't meet me since then," nakangising dagdag niya.

Pinaglaruan ko ang laylayan ng t-shirt niya.

"Kasi nga, mahina pa ako noon, tapos laging nababanggit ng mga katrabaho ko 'yung apelyido ninyo. Lumukob na 'yung takot sa akin dahil sa mga kwento nila. Kaya noong naka-angat angat ako, sinubukan kong mag-search ng mga informations about sa inyong magkakapatid. Alam mo ba kung paano ako hindi makatulog sa kakaisip na nag-e-exist pala kayo?" madaldal na pagkuwento ko.

"And then?"

"Tapos pinangako ko pa sa sarili ko noon na hinding hindi ko kayo kakalabanin. Kaya hesitant din ako na sumali sa grupo mo kasi baka kapag umandar 'yung pilosopo kong bunganga, baka patayin mo agad ako. Kaso, alam mo 'yon? Ang lakas pala ng kamandag ng isang Montevero, hindi ka nga nakapalag noong tinamaan ka sa akin, gosh," nagyayabang na saad ko.

Umangat ang sulok ng labi niya.

"Kiss me," saad niya.

Napamura ako. "Sa haba ng kwento ko, kiss me lang ang sagot mo? Wala ka bang sagot man lang kahit--"

"Kiss me!" Napaigtad ako sa gulat.

"Ito na! Bakit ka ba naninigaw?!" galit na singhal ko.

Hinila ko ang kwelyo niya bago siya halikan sa labi. Agad naman niyang sinagot iyon ng makamundong halik.

"That's my answer," he said while smirking.

KNIGHTS I-3: Nine Cards of Delta (Third Knights)Where stories live. Discover now