Chapter 30

20.3K 798 277
                                    

Silhouette

Inis na tumikhim ako habang nakatingin sa walanghiyang babae na 'to, na kung makakapit kay Third ay wagas.

Alam kong gustong gusto na siyang iitsya ni Third base na rin sa mukha nito, pero kailangan naming makisabay sa mga tao dito para hindi sila makahalata.

Tumingin ang babae sa akin bago ako taasan ng kilay. Tinaasan ko rin siya ng kilay.

"Excuse me?" takang tanong ng haliparot sa akin.

Ngumiti ako nang peke. "Wala, nasamid lang ako. Nakalunok ata ako ng hangin na binuga ng isang linta."

Umirap siya sa akin at muling kumapot kay Third na nakangisi sa akin. Inirapan ko siya bago pumunta kila Athelia na buhat si Pow Pow.

"Bakit nakabusangot ka, Silhouette?" natatawang tanong ni Chios.

"As usual, may nakakakapit na naman kay boss," natatawang sagot ni Flame.

Umirap si Caspeia sa akin. "What are you still doing here? Why don't you show that woman who owns him?"

Napanganga ako. "Wow, bago 'to, Caspeia. May kaagaw's consent na pala ako kay Third."

Tumawa ang buong Delta sa sinabi ko. Natatawang ginulo ni Perzeus ang buhok ko.

"You really can't stop talking, huh? Silhouette, we're on the mayor's house," natatawang sabi niya.

Naningkit ang mga mata ko habang pinagmamasdan si Perzeus. May something sa lalaking 'to.

Agad ko siyang hinigit sa braso at hinila papunta sa tagong lugar. Nadaanan ko pa ang mga mata ni Third na masama ang tingin sa amin.

Nang makita kong walang tao sa paligid, hinarap ko si Perzeus.

"Why?" naguguluhang tanong niya.

Napangisi ako. "May gusto ka ba kay Flame?"

"What the heck, no!" mabilis na sagot niya.

Napatango tango ako habang nakangisi. "So, confirmed?"

"What are you talking about?" takang tanong niya.

"Confirmed na eklabu ka?" natatawang tanong ko.

Namula ang buong mukha niya. "S-Silhouette."

"Bakit ka nahihiya? E, ang tagal tagal ko nang nahahalata na bakla ka," mahinang sabi ko.

He bit his lip nervously. "H-How? How did you know that I'm gay?"

Nagmamalaking pinagpag ko ang damit. "Ako pa? Ang dami kong kaibigang paminta dati, at ako rin ang nakakabuking sa mga sikreto nila."

Tinakpan niya ang mukha dahil sa sobrang hiya. "I don't know what to say, I'm shy, sobrang brusko ko pero bakla ako. Alam kong pinagtatawanan mo ako sa loob mo."

Agad akong umiling. "Huh? Bakit naman kita pagtatawanan? Alam mo, Perzeus, normal lang 'yan. Hindi naman kita aasarin dahil sa pagiging bakla mo, normal lang 'yan."

KNIGHTS I-3: Nine Cards of Delta (Third Knights)Where stories live. Discover now