Chapter 20

22.2K 755 130
                                    

Silhouette

"Let's go," saad ni Third bago bumaba ng sasakyan.

Umikot siya para pagbuksan kami ni Pow Pow. He carried Pow Pow para ibaba ito, sunod niya akong inalalayan pababa.

Inayos ko ang buhok habang nakatanaw sa amusement park na nasa harapan namin.

Bumili muna kami ng ticket para makapasok.

"Saan banda hide out nung mga warshockers na 'yon?" tanong ko sa kaniya.

"Inside the horror house." Napakapit ako sa braso niya nang mahigpit.

"Third, walanghiya naman, bakit hindi mo agad sinabi? I'm scared," namumutlang saad ko.

He chuckled mischievously. Hinagod niya rin ang likod ko. "You're so bulgar, pero takot ka sa multo?"

Umirap ako sa kaniya at mas hinigpitan pa ang kapit. Pinanlakihan ko ng mga mata si Pow Pow.

"Bakit ka ba kapit nang kapit sa crush ko? Ikaw bata ka, nagseselos na ako sa 'yo!" galit na saad ko.

Tumawa si Pow Pow bago bumaba mula sa pagkakabuhat ni Third. "Sige, ate, pagbibigyan kita sa ngayon."

Lihim ko siyang kinindatan. Kumilos ang braso ni Third para ipulupot sa baywang ko. Napalingon naman ako sa kaniya.

"I can see their agents roaming around, we need to act now," malamig na saad niya.

Napangisi naman ako bago siya tapikin sa baywang. "Ayos 'yan, let's go."

Hawak-hawak ko si Pow Pow sa kamay nang maglakad kami papunta sa isang ride.

Halos malula ako habang nakatingin sa ride na 'to, walanghiya, bakit Anchor's Away agad ang sasakyan namin?

Excited na excited si Pow Pow na pumapalakpak pa, habang ako parang nawawalan ng kulay sa mukha.

Impyerno ang ride na 'to, parang liliparin ang kaluluwa mo.

"T-Third," nauutal na tawag ko sa pangalan niya.

Lumingon siya sa akin. "Why?"

"S-Sure ka ba dito? Agad agad? Ayaw mo sa lowkey muna?" alanganing tanong ko.

Natatawang umiling siya. "Why don't you just tell me that you're scared?"

Inirapan ko siya. "Anong takot? Ha, ulol. Gusto mo tumayo pa ako habang naandar 'yan."

"Try it then," panghahamon niya.

"Sige, ik-kiss mo ako kapag nagawa ko, ano?" nanghahamon din na ganti ko.

He smirked playfully nang senyasan na kami ng isang lalaki na sumakay na.

Umupo na kami sa bandang dulo, gusto ni Pow Pow dito, e.

Katabi ko si Third at katabi naman niya sa kanan niya si Pow Pow na halata ang kasiyahan sa mukha.

"Hoo." Sinubukan kong pakalmahin ang sarili habang unti-unting umaandar ang lecheng ride na 'to.

KNIGHTS I-3: Nine Cards of Delta (Third Knights)Where stories live. Discover now