Chapter 8

21.4K 769 40
                                    

Silhouette

"Ano, okay na ba 'yan? Ito ba mga nakalagay sa requirements?" paninigurado ko habang nakatingin kay Pow Pow.

Tinaas niya ang papel na listahan ng mga gamit para sa pasok niya.

"Opo, ate!"

Tumango ako 'saka siya binuhat pasakay sa motor.

"Bakit puro spiderman design ng mga notebooks mo? Gusto mo bang maging gagamba?" takang tanong ko nang masilip ang laman ng eco bag.

Tumawa siya nang bahagya. "Yan po kasi 'yung design noong bag ko dati, noong kinder pa lang po ako. Kaya 'yan 'yung gusto ko."

"Baka mamaya makipagsabong ka lang sa mga kaklase mo ng gagamba, Pow Pow. Tapos magpaparamihan kayo ng sapot, aba ayos ka," natatawang saad ko.

Agad naman siyang umiling at ngumiti pa nang malapad. "Syempre hindi ate! Mabait ako!"

Ginulo ko nang bahagya ang buhok niya. "Alam ko naman 'yon, basta mag-aral ka lang nang mabuti. Malay mo ikaw pa magpapayaman sa akin, tiba-tiba ako diyan."

Tumawa lang siya sa biro ko.

"Ibabalik ko lahat ng kabaitan mo sa akin, ate. Kapag lumaki ako, magiging doctor ako! Para magamot ko ang lahat ng may sakit, para hindi na rin mamatayan ng mga magulang mga batang kagaya ko," nakangiti niyang sagot.

Natahimik na lang ako nang makita ang pagdaan ng lungkot sa mga mata niya.

Binatukan ko siya nang mahina. "Ang drama mong bata ka, lumayas na nga tayo dito."

Pinaandar ko na ang motor matapos sabihin 'yon.

"ANO nga pala ang trabaho mo, ate? Bakit hindi kita nakikita na pumapasok sa trabaho?" tanong ni Pow Pow sa kalagitnaan ng hapunan namin.

"May tinatago kasi akong mga gold, binebenta ko lang siya," pagbibiro ko.

Ngumiwi lang siya. "Edi sana sa mansyon ka nakatira, ate. Ikaw talaga, palabiro ka."

Inirapan ko siya nang pangmalakasan. "Ayoko sa mansyon, ako lang mag-isa titira tapos sobrang laki. Baka makapatay pa ako ng multo," sagot ko.

Malakas siyang tumawa na halos magtalsikan na ang mga kanin sa bibig niya.

"Multo na nga, ate, e. Bakit mo pa ulit papatayin? Hindi na puwede 'yon."

"Sus, puwede 'yon. Ako lang ang may talent ng gano'n. Kaya tingnan mo, walang multo dito sa bahay--"

"Ate sino 'yang nasa likod mo?!"

"Pow Pow!" sigaw ko bago lumundag sa tabi niya.

Pinagmasdan ko ang puwesto ko kanina, pero wala namang multo doon.

Bagot na tumingin ako sa batang 'to na halos masamid na sa kakatawa. "Grabe 'yung reaksyon mo, ate!"

Nangiwing bumalik ako sa kinauupuan.

"Kapag nakakita talaga ako ng multo, itatabi ko 'yon sa 'yo habang tulog ka," pang-aasar ko.

Tumigil siya sa pagtawa bago yumakap sa braso ko. "Ayoko, ate!"

KNIGHTS I-3: Nine Cards of Delta (Third Knights)Where stories live. Discover now