Chapter 64

21.4K 685 51
                                    

Silhouette

"Where are we going?" nakakunot noong tanong ko kay Third nang alalayan niya ako pasakay sa yacht.

"Somewhere," he said while grinning.

Napalunok na lang ako sa kaba habang umaandar ang yacht na sinasakyan namin.

I have no idea of where are we heading, sumama na lang ako sa kaniya dahil pinagkakatiwalaan ko siya.

He held my hand tightly as he kiss it. "I love you so much."

Ngumiti ako bago siya halikan sa labi. I miss him, I miss all of him. "I love you too, Third. I'm so sorry."

Hinaplos niya ang buhok ko. "You don't have to say sorry."

"Pero napakasama ko, kung anu-ano ang sinabi ko sa 'yo noon." Umiiyak na paumanhin ko. "I even called you demon, kung anu-anong kabalbalan ang sinasabi ko sa 'yo behind your back. Napakasama ng ugali ko."

He chuckled before wiping my tears away. "It's fine, baby. It's fine. Stop crying now, I love you so much."

Humilig ako sa dibdib niya at tiningala siya. "Mahal na mahal kita, Third. Pasensya na kung naging makitid ang utak ko."

He held my cheeks as he come closer. Hinalikan niya ang mga labi ko at buong puso ko namang tinugunan 'yon.

I'm so glad that he didn't kill them. And they're not really dead.

Napabitaw ako kay Third nang ma-realize ang bagay na 'yon. "Omygosh, Third!"

"Why?" malambing niyang tanong.

Excited na tumingin ako sa isla na natatanaw ko. "Where are we going? S-Sa kanila ba?" umiiyak na tanong ko.

He nodded before grinning. "Yes, baby. After few years, you'll finally have the chance to see them again."

Napahagulhol ako sa iyak nang makumpirma nga ang hinala ko. Humalakhak siya sa reaksyon ko at mahigpit akong kinulong sa bisig niya.

"Oh God, my girlfriend is such a cry baby," he uttered while planting soft kissed on my forehead.

"Salamat, Third. Thank you for everything, napakalaking sakripisyo ng ginawa mo para sa akin. Para ka kasing tanga, 'di mo ako agad nilapitan noong may crush ka sa akin. Baka ikaw pa sinunggaban ko," sumbat ko.

Mas lumakas ang tawa niya. "If only I knew that you have a crush on me, baka binuntis na agad kita noon. Para wala ka na talagang kawala."

Namula ang mga pisngi ko sa narinig. "Ayos 'yan, gusto ko kambal."

Parehas kaming napabitaw sa isa't isa nang biglang tumigil ang sinasakyan. Naunang bumaba sa akin si Third bago ako alalayan.

He held my waist tightly habang naglalakad kami papalapit sa isla.

This island is so beautiful, marami ring tao rito at halata sa mga mukha nila ang saya sa isla na ito.

"W-Where are they?" nauutal kong tanong kay Third sa tabi ko.

He didn't answer me, patuloy lang siyang naglalakad habang dala-dala ako.

We stopped infront a big cottage, a beautiful and elegant one.

"I'm sorry for hiding them from you, baby. I need to do that in order to protect you, and to protect them as well. Pero ngayon, na ayos na ang lahat, I want you to see them once again. These people who made you stronger." Naluluha ang mga mata niya bago sabihin 'yon.

I was about to say something nang maramdaman ko ang maliit na kamay na humawak sa kamay ko.

I gasped as I look at the child who held me.

"Ate!" nakangiti nitong sigaw.

Tuluyan na akong napahagulhol sa saya nang makita si Carlos sa harapan ko. Even if seven years have passed and he's fully a teenager right now. I can still recognize him.

Mabilis akong tumalungko sa harapan niya at niyakap siya nang napakahigpit.

"Carlos, Carlos ko," umiiyak na untag ko.

Pow Pow, hindi na malulungkot si ate dito. Mahal na mahal kita, ikukwento kita kay Carlos palagi.

"Ate, miss na miss ka na po namin!" umiiyak na sagot ni Carlos habang nakayakap sa akin.

Nakita ko ang mga tao sa likuran niya, halos hindi na ako makahinga sa labis na pag-iyak. Tumayo ako mula sa pagkakatalungko at tinakbo ang pagitan naming lahat.

Malakas na tawa ang binigay nila nang dambahin ko sila ng mahigpit na yakap.

"Buhay kayo... B-Buhay kayong lahat," hindi makapaniwalang daing ko.

Nakita ko rin ang mga luha sa mata nila habang nakatingin sa akin.

"Dalaga ka na, Acid. Parang dati lang lagi kang nakatungo sa lahat ng madadaanan mo," nakangiting sambit ni ate Demi na sa may katabing magandang bata sa tabi niya.

"Kinukwento ka ng asawa mo sa amin, napakabargas na raw ng bunganga mo! Aba'y talagang namana mo iyan sa kagalingan nitong si Leonardo," sigang sigaw ni aling Ising na ikinahalakhak naming lahat.

Kinamot ni mang Leonardo ang batok. "Apir nga tayo diyan, Acid. Manang mana ka sa napakagwapong ako."

Pinunasan ko ang mga luha ko. "Anong balita sa inyo? O-Okay lang ba kayo rito?"

Pumalakpak si aling Inday. "Okay na okay! Aba'y, may mga sarili na kaming bahay dito anak. At ngayon, ako na ang reyna ng mga alipin na 'to."

Sabay sabay silang dumaing sa pagmamayabang ni aling Inday.

"Ang kapal talaga ng mukha ng matandang 'to, akala mo naman ay may asim pa," agad na sabat ni mang Jepoy sa kaniya.

"Pumapalag ka talaga? Baka gusto mong hampasin kita ng mga jewelry ko?" Napa-oww kami nang sabay sabay sa ganti ni aling Inday sa kaniya.

"Hay nako, nag-away away pa kayo, e alam naman nating lahat na ako ang pinakagwapo sa isla na 'to," nanliliit ang mga matang pagmamayabang ni kuya Bryan habang nakaakbay kay ate Demi na asawa niya.

I smiled sweetly as I watch them infront me. Hindi ako namamalik mata, hindi ako nananaginip, totoo ang lahat ng nakikita ko.

Buhay silang lahat, at dahil 'yon kay Third na walang ibang ginawa kung hindi ang mahalin ko.

Nilingon ko ang nobyo ko na masayang nakatingin sa akin. He automatically looked at me when he saw me gazing at him.

Lumapit ako at buong pagmamahal na hinalikan siya sa labi.

"Thank you for everything, Third. I love you forever," I whispered to his ears.

"I know. I love you so much too, Silhouette Montevero."

KNIGHTS I-3: Nine Cards of Delta (Third Knights)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant