Simula

2.4K 49 5
                                    

I clapped my hands kasabay ng iilang tao sa theater. Katatapos lang sumayaw ng unang batch. Nilingon ko ang mga batang nag-iintay sa tabi ko. Tuwang-tuwa ako sa costumes nila habang nasa backstage.

"Go, go.." I whispered.

Inalalayan ko ang ibang nga bata na hindi makalakad ng maayos dahil sa costume. May isa pang nadapa na ikinatawa ko. He's wearing a panda costume. Tinulungan ko siyang tumayo bago inalalayan siya sa stage. Habang nagpapakilala pa sila, sinulit ko na ang oras para umikot papunta sa harap. I saw my parents sa isang long table with other politicians.

Pumalakpak ang mga tao nang magsimula na ang tugtog nila. Nakangiti lang ako sa kanila habang pinapanood silang sumasayaw ng baby shark.

Ang ibang politiko ay nawiwili na rin sa mga batang sumasayaw. Kita ko si Daddy na tuwang-tuwa na habang nagkukumento at kausap ang Mayor ng karatig bayan.

"Naorzhia," nilingon ko si Kuya.

Tumabi ako sa inuupuan niya. Si Chanel ay busy sa kakanood sa stage. Nasa first row kami ng theater. Nilingon ko ang mga Gutierrez na nasa likod ko. Bumalik na lang ako sa pagkaka-upo at hindi na lang nagtanong pa.

Tumingin ako sa phone ko habang nag-iintay ng tawag mula kay Franz. Ang sabi niya kasj darating siya pero mag-iisang oras na wala pa rin siya. Bumuntong hininga ako. Ibinalik ko ang tingin ko sa stage. Ibang music na ang sinasayaw ng mga bata ngayon.

"Where's your boyfriend?" Tanong ni Kuya sa akin.

Umiling ako. "Wala pa."

Hindi siya sumagot. Tumingin siya sa mga bata. Kukuhanin ko na sana ang phone ko nang namatay ang music. Tumingin ako sa stage. Ang mga bata ay natataranta na. May ilang umiiyak at may ilang tuloy pa rin sa pagsayaw.

Tumayo ako. Ang mga politiko ay natataranta na dahil halos lahat ng mga bata ay umiiyak na sa stage. Tumakbo ako papunta sa stage. Nilapitan ko ang iba pero talagang ayaw nilang tumigil.

Lumapit na rin ang iilang asawa ng politiko kasama si Mommy. Inaalalayan na ng mga madre ang iilang bata para bumalik sa backstage.

Lumapit ako sa emcee para kuhanin ang mic.

"Hi, sorry po pero muk—"

Napahinto ako dahil napansin kong nasa akin ang spotlight. Magsasalita na akong muli nang tumunog ang favorite song ko. Sumipol ang mga Gutierrez. Nilingon ko ang likod ko at nakita kong nandoon si Franz. Looking so handsome with his polo shirt and pants.

"Ano 'to?" I mouthed.

Tumawa lang siya. Sunod na lumabas ang mga bata na may dalang bulaklak. Ang kaninang nga umiiyak ngayon ay nakangiti na at tinutukso ako. Kumunot ang noo ko.

Mas lalo akong kinakabahan lalo na sa reaksyon ng mga Gutierrez. Ang ingay nila Lance at Zaff ang nangingibabaw. Idagdag mo pa ang sigaw nila Rafaella at Raelyn.

Vinivideohan na kami ng mga kasamahan ni Daddy. I have an idea pero ayokong mag assume.

Habang hawak ang mga bulaklak. Sinalubong ko si Franz. Nakatitig siya sa akin.

"Naol!" Tumawa ang mga tao sa sigaw ni Lance.

Wala siyang ibang sinabi pero naiintindihan ko ang sinasabi ng kumikislap niyang nga mata.

"Ayoko nang patagalin pa 'to.."

Naiyak ako nang lumuhod siya sa harap ko. Nasa isip ko na 'to kanina pero ngayong nangyayari na parang hindi ko matanggap at wala akong ibang magawa kundi ang umiyak na lang.

Kumikislap ang mata niya dahil sa luha niyang pinipigilan. Kinuha niya ang asul na box sa bulsa na nakapagpasigaw sa mga pinsan niya at sa iba pang mga politiko.

Nilingon ko ang mga tao sa theater. Hanep 'to si Franz. Magpropropose sa stage talaga!

Pinisil niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya.

"Naorzhia Frinz. My katukayo ng slight.." Tumawa siya pati na rin ang mga tao. Hindi ako makatawa dahil naiiyak ako.

"Pwede mo ba akong samahan habang buhay bilang asawa ko?" Naiiyak niyang tanong.

Humihikbi akong tumango. "Yes,"

Tumili ang mga kababaihan. Sinuot niya ang singsing sa kamay ko bago ako hinalikan sa labi at niyakap. Humiwalay ako at nakita ko si Daddy na pinalilibutan at binabati na ng mga kapwa niya politiko.

Masaya akong tumingin kay Franz. "I love you."

Unselfish Love (GS #2)Where stories live. Discover now