Chapter 16

539 16 4
                                    

Isang buwan na ang nakalipas magmula noong simulan akong ligawan ni Franz. Bawat araw, pinaparamdamdam niya sa akin kung gaano siya ka-sincere. We attended events together, medical missions at iba pa.

Sa loob ng isang buwan he never asked me about sa panliligaw niya. Hindi siya nagtatanong kung kailan ko siya sasagutin. He's patiently waiting for my move and my answer. I felt happy because of that. Pakiramdam ko'y hindi niya ako minamadali at hinahayaan akong matuklasan ang aking nararamdaman ng hindi pinipilit.

Tatlong araw na rin ang nakalipas nang magkita kami ni Franz. I am busy doing my school stuffs at siya rin. Alam kong kailangan niya rin asikasuhin ang business niya. I'm glad that he's matured enough to understand na kahit nasa courting stage kami, hindi iikot ang mundo namin sa isa't-isa.

"Ythan are you sleeping again?" I asked him.

Nitong mga nakaraang araw lagi siyang nakakatulog sa klase. I don't know if he has a problem or trip niya lang talaga matulog. Sinipa ko ang upuan niya dahil pumasok na ang prof namin. Kinamot niya ang batok niya pero hindi man lang umayos ng upo. Hinayaan ko na siya. I take down notes for him. Pagkatapos ng klase kinuha ko ang phone niyang nakapatong sa desk niya at pinicturan ang notes ko. Iniwan ko na siya doon pagkatapos ko. Pagod siguro siya o baka napuyat kakalaro ng mobile games.

"Kumain ka na?" Bungad ko sa kakapasok lang na si Franz.

Natigil siya sa paglalakad at sa paghilot ng batok nang marinig ang sinabi ko. After ng last class ko dumiretso ako sa office niya. I planned to surprise him para sabay kaming mag-lunch.

"You're here," bakas ang saya sa boses niya.

Mabilis siyang lumapit sa akin para halikan ako sa noo, bagay na nakasanayan ko na magmula noon ligawan niya ako. Lumapit uli siya sa pinto at binuksan ito. I heard him talking to his secretary na wag munang magpapasok ng kahit sino.

Lumipat ako at umupo sa couch. Nasa table na ang paperbag. Inilabas ko na 'yon habang siya'y nag-alis ng coat at binuksan ang tatlong butones ng polo. Umupo siya sa tabi ko at tumulong sa pag-aayos ng pagkain.

"Hindi mo sinabing pupunta ka,"

Kinuha ko ang drinks at iniabot sa kaniya.

"I want to visit your office." Ngumiti ako.

Tumitig siya ng matagal sa akin at lumapit para halikan ako sa noo. Kumain kami ng tahimik habang pinag-uusapan ang iba niyang plano.

Sa tuwing busy ang isa sa amin ay iyon na nga ang nakasanayan naming gawin. Ako ang pupunta sa kaniya o siya ang susundo sa akin sa school pagkatapos ay kakainin ang nai-take out niyang pagkain habang nasa parking lot at nagpapatugtog. Dahil graduating ako, ako ang madalas na mas busy kaysa sa kaniya dahil kontrolado naman niya ang oras niya kapag walang problema sa opisina.

"Dare 'to ha! Walang mag e-english dahil buwan ng wika ngayon!" Sambit ni Lance.

Nasa medical mission kami at katatapos lang namin mamigay ng pagkain. Hawak ko ang reviewer ko dahil may exam ako na dapat kong ipasa. Katabi ko si Franz na pinupuno ng pirma ang isang scratch paper ko. Tumingin lang siya saglit sa pinsan na si Zaff at walang paki-alam na pumirma ulit.

"Alam mo, umupo ka na lang." Hinatak ni Aubrey si Zaff para umupo sa katabi niyang upuan.

Wala kasing pumansin sa dare niya. Si Paolo at Lance kasi busy sa pagkopya ng notes kay Aubrey. Bumuntong hininga si Zaff.

"May falls dito Zaff, kung bored ka na puntahan mo kung gusto mo,"

Napalingon kaming lahat kay Joseff na nagsalita. Si Aubrey ay nae-excite na napatingin kay Joseff na ngayo'y walang pakialam sa amin.

Unselfish Love (GS #2)Where stories live. Discover now