Chapter 23

472 16 0
                                    

Nakasimangot siyang nakatingin sa akin habang kumakain kami habang ako'y tuwang-tuwa at nakangiti pang nguminguya. Naka-ipit sa dalawang hita ko ang frame na inagaw ko sa kaniya. Well, hindi naman ako totally nakipag-agawan dahil binigay niya sa akin ng kusa after I blackmailed him. Ngumisi ako sa ideyang iyon.

He pouted nang makita niya akong ngumingisi. Kanina pa siya nagkukunyaring nagtatampo para makuha sa akin ang frame na iyon.

"Pwede ka namang magpagawa uli.. tsaka may isa pang frame sa loob ng kwarto mo. Ang pogi mo nga roon e," pampalubag loob ko.

Nagmamakaawa siyang tumingin sa akin. "Please, akin na lang 'yan. Pagagawan kita nang mas malaki,"

Umiling ako sa sinabi niya. Bumagsak ang dalawang balikat niya dahil doon. Tumayo ako para kumuha ng dessert sa ref. Hinatak niya ang kamay ko para bumaba ang katawaan ko ng kaunti. Hinalikan niya ang pisngi ko habang ako'y abala sa paglalagay mg dessert sa kaniya. Alam ko namang hindi siya nagtatampo.

"Ask your boss if you can have one or two weeks leave," sambit niya pagka-upo ko.

"You're my boss." Tumawa ako.

"I mean the head in your department." Natawa rin siya.

Habang kumakain ng malamig na ice cream, I realized na malaking advantage sa relasyon namin ang pag tira ko kasama siya. Mas makikilala ko siya ng husto at mas mauunawasn ko siya ng maayos. Pero syempre sa pagsasama naming ito, malalagay din sa peligro ang buhay niya.

"You're taking your life in danger," sambit ko.

Tumigil siya sa pag-inom ng tubig. Tumingin siya sa akin at hinawakan ang kamay kong nasa mesa.

"I'm willing to put my life in danger just to protect yours,"

Hindi ko na siya napigilan sa pag p-protekta sa akin kahit na hindi ako sang-ayon. Hindi rin siya nakikipag kita sa mga pinsan niya dahil ayaw niya itong madamay. Isa sa bagay na dahilan kung bakit ako nakokonsensya.

Sabay kaming pumapasok opisina. Palagi niyang pinaparamdam sa akin na protektado niya ako sa tuwing lalabas ako. Pagkatapos ng dalawang araw kong pag-aasikaso ng trabaho ko sa opisina, pinayagan ako ng head namin na magleave ng dalawang linggo.

Nasa penthouse lang ako ni Franz. Tuwing tanghali ay umuuwi siya para sabay kaming kumain ng tanghalian. Sa loob ng tatlong araw kong leave, mag w-work out, mag s-shower, manonood ng movies hanggang sa dumating si Franz. Pag-alis ni Franz ay manonood uli ng movies hanggang sa gabi. Tatayo lang ako kapag magsasaing dahil si Franz ang nagluluto ng ulam namin. Sa tatlong araw na paulit-ulit lang ang ginagawa ko, nakakaramdam na ako ng pagkabugnot.

najanavarro: I'm bored : ((

Iyan ang huli kong mensahe para kay Franz. Pinadala ko 'yon gamit ang telegram ko. Pinainstall ko siya ng app na 'yon dahil natutuwa ako at mas maganda sa messaging app na ginagamit namin. Nung una ayaw niya pero kahapon ay nagmessage siya gamit ang kaniyang telegram. Kanina ko pa sinend ang message ko pero hindi pa rin siya umuuwi para sabay kaming kumain ng lunch. May dalawang check sa baba ng message ko kaya alam kong nabasa na niya iyon.

Iwinawagayway ko ang paa ko habang nakahiga sa kama nang marinig kong bumukas ang pintuan. Bumangon ako agad para salubungin si Franz pero natigil ako dahil sa ingay ng mga kasama niya.

Napangiti ako at agad na niyakap ang mga Gutierrez na nasa likod niya. Mukhang labag sa loob ni Franz na nandito sila pero alam kong ginawa niya ito para hindi ako ma-bored dito.

"Wow," namamanghang sabi ni Wayne.

"Bili rin ako ng ganito," dagdag ni Zaff.

"Tanga wala kang pera." Agad na sinamaan ng tingin ni Zaff si Lance.

Unselfish Love (GS #2)Where stories live. Discover now