Chapter 26

473 16 0
                                    

"Paul, bilisan mo!" Sigaw ni Wayne

"Sandali lang bobo mainit yung buhangin! Napapaso paa ko!"

Naglalaro sila ng tumbang preso. Napa-iling na lang ako. Sino ba kasing matinong tao ang maglalaro ng tumbang preso sa tabi ng dagat?

Ang nobyo ng mga kaibigan ko ay sumali na rin. At first, I expected na hindi sasali ang oldies but look at them now.. Franz, Klint and Joseff are guarding the can para hindi matumba ng kanilang mga pinsan.

"Ang boring, let's play volleyball?" Tanong ni Aubrey.

Agad kaming sumang-ayon sa sinabi niya. Nanghingi kami ng bola ng volleyball sa isang crew. Matapos ibigay sa amin ang bola, lumapit kami sa net. All of us are wearing our two piece.

"Ilan ba tayo?" Binilang ni Veronica kaming lahat.

Dahil hindi balanse kung ilan kami, we decided to let go Elaisa at ilipat sa kabilang team. Hindi marunong si Divine kaya ayos lang sa amin na apat sila. I know how to play volleyball pero hindi lang ako sumasali sa school, while Raelyn and Elaisa are varsity players.

We started playing volleyball. Agaw pansin kami lalo na sila Aubrey na magaganda. Someone whistled when Divine tried to serve the ball. Maya-maya'y narinig na namin ang ingay ng mga Gutierrez.

"Wow mga babae!" Pabirong sabi ni Zaff na parang hindi kami kilala.

Malapit lang score namin sa isa't-isa. Lamang kami ng dalawa pero humahabol ang grupo nila Aubrey. Patuloy na palya ang nangyayari sa amin kaya nakahabol sila. Hindi sila makalamang lalo na't ramdam kong distracted na ang mga babae sa kabilang grupo dahil sa tingin ng mga batang Gutierrez sa kanila.

"I quit, they're distacted! Ayoko na," pagod na sabi ni Elaisa na siyang mag-isang sumasalba sa scores ng kabilang grupo.

Sabay-sabay kaming lumapit sa mga lalaki na naka-upo at inaabangan kami. Agad hinapit ni Franz ang bewang ko.

"I wore bikini, is that okay?" I asked him.

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. "You can wear whatever you want, Jaja. Hindi kailangan ang permiso ko."

Ngumuso ako. Nababasa ko kasi sa internet na may mga boyfriend na nagagalit kapag nagpapakita ng balat ang kanilang mga girlfriend.

"Hindi ko gustong pinagbabawalan ka. Gawin mo ang gusto mo, dahil mas matutuwa ako kapag ganon.." He kissed my forehead.

"Baby come here!" Nilingon ko si Zaff na hinahabol si Lance.

"Kadiri ka gago," sambit ni Lance habang patuloy na lumalayo.

"Ikinakahiya mo na ako baby?" Tanong ni Zaff.

"Putangina ka, Zaff!"

Narinig ko ang ngisi ni Franz sa kakulitan ng dalawa. Habang tumatagal din na-realize ko na, the oldies are not strict pagdating sa mga Gutierrez pero they want them to be respected. He even said one time na kaya nila sabayan ang trip ng mga batang Gutierrez, pero there's a limit. Isang beses na raw nasuway ng mga batang Gutierrez iyon kaya ngayon, lumaki silang natatakot sa mga nakakatandang mga pinsan.

Nagkayayaan maglaro ang mga Gutierrez ng volleyball. Hindi ko alam kung volleyball ba ang tawag doon dahil ang dami nilang ginagawa.

"Wayne, receive!"

Agad na tumalikod si Wayne and using his butt, he received the ball. My friends cheered when they saw that. Tuwang-tuwa dahil sa mga kalokohang ginagawa ng mga Gutierrez.

Unselfish Love (GS #2)Where stories live. Discover now