Chapter 17

489 20 0
                                    

"Congratulations!"

Daddy planned a graduation party for me. Kanina pa ako ngumingiti sa iba naming family friends. Hindi ako maka-upo sa table ng mga Gutierrez dahil kailangan ko pang pasalamatan ang mga pumunta. Muli kong nilingon ang table nila, nagsimula na silang uminom. Nahuli ko ang mata ni Franz sa akin bago inumin ang isang shot na inabot ni Joseff.

Masakit na rin ang paa ko kakalakad dahil sa heels na suot ko. Hindi ko mahubad dahil pagkarating ko rito, pinili kong makihalubilo sa mga bisita ni Daddy. Lumayo rin ako kila Daddy dahil ang isang kaibigan niya ay palagi akong nirereto sa anak niyang binatang lalaki. Daddy noticed that I'm uncomfortable with it kaya sinenyasan niya akong umalis. I just felt uncomfortable dahil kapag nagtagal ako roon pakiramam ko'y hindi tama lalo na't nakatingin si Franz sa akin.

Pagkatapos kong makipag-usap sa mga tao sa huling table, hirap akong naglakad papunta sa table ng mga Gutierrez. Kumaway si Aubrey nang makita akong papalapit sa kanila. Umupo ako sa bakanteng upuan katabi ni Franz. Agad niyang nilagay ang kanyang kanang kamay sa sandalan ng upuan ko habang siya'y nakasandal sa sariling upuan at sumisimsim ng alak.

Nakaka-isang bote na sila at nangangalahati na ang pangalawa. Umiinom din sila Paolo pero mas kaunti ang binibigay na alak ni Joseff sa kanila. Kumain ako habang nakikinig sa usapan nilang tungkol sa kung ano-ano na pinangungunahan ni Lance.

"Bub," tawag ko sa katabi kong si Franz.

"Hmm?" Tugon niya.

"Can I have that?" Tukoy ko sa dessert niya na hindi niya nagalaw.

Umayos siya ng upo para maiabot sa akin. Muli siyang sumandal at nakipag-usap sa mga pinsan. Now they're talking about girls. I guess the oldies are in the mood to join the topic of their younger cousins.

"She's not a toy Zaff," kumento ni Franz.

Naramdaman ko ang kamay niya sa likod ko habang sumisimsim ako ng inumin at nakikinig sa kanila. Busog na ako lalo na't sobrang tamis ng dessert na kinuha ko mula kay Franz.

"I know pero Kuya Franz, serious relationship at our age is very uncommon." Tumango ang mga batang Gutierrez dahil sa sinabi ni Zaff.

"But still, it's not a valid reason to play with her feelings!" Sabat ni Aubrey.

"What if she's serious about you huh?" Tanong ni Franz.

"You will surely break her heart Zaff," sambit ni Klint.

"A girl's innocent heart." Dagdag ni Joseff.

Nalukot ang mukha ni Zaff dahil sa narinig sa mga nakakatandang pinsan.

"This is the reason why we don't want you to enter relationship in such a young age boys." Nilingon ko si Franz.

"Teenagers like you always make decisions because of curiosity. You want to do things to end your curiosity that can lead you to hurt other people." Dagdag niya.

Hindi ko alam kung nakikinig ba ang mga batang Gutierrez sa sinasabi ni Franz. Tumango ang sila Joseff at Klint sa sinabi ni Franz.

"I know all of you are sexually active." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Joseff. Kahit si Aubrey ay hindi makapaniwalang tumingin kay Paolo.

"But please stop ruining your life. We want you to enjoy your teenage years but we don't want you to destroy your future." Sambit ni Joseff.

Ngayon ko lang siya narinig na nagsalita ng matagal. He really cared for his cousins dahil ramdam ko ang sincerity niya sa boses niya.

"And Zaff please stop ruining that girl's trust. Wait until the karma hits you. It sucks bro." Pagkatapos sabihin ni Joseff iyon ay muli siyang nanahimik.

Unselfish Love (GS #2)Where stories live. Discover now