Wakas

1.1K 27 20
                                    

My breath hitched when I saw her walking in the aisle while holding her flowers. She's so beautiful. I can't help myself to be emotional habang pinagmamasdan ko siyang papalapit sa akin.

While watching her, I also can't stop myself from remembering the first time that I saw her years ago. It was when my parents are invited in a gathering where in politicians and business tycoons attended.

Natawa ako nang umirap si Joseff. Tinapik ni Klint ang braso niya nang ilang beses habang tumatawa. Lahat kaming magpipinsan ay nasa isang table lang pero the younger ones have their own world.

"I wonder why they needed to go back and forth just to have our attention." Kunot noong sabi ni Joseff.

"Our? They only want your attention, Joseff. Labas kami diyan." I said. Umiling siya sa sinabi ko.

"Bakit ayaw mo ba sa mga nagpapapansin sayo?" Natatawang tanong ni Klint. "Scam, you have a lot of flings. That's what I heard."

"People love to spread false information about me and they are not my fling, walang label lang but it's different,"

Mas lalo kaming natawa sa sinabi niya. Sa aming walo, siya talaga ang may masamang image sa mga tao. Takot sila kay Joseff, may iba pang na-iintimidate.

"Ganoong babae ba ang gusto mo kaya ayaw mo sa mga papansin na anak ng mga business man na narito?" Tanong ni Klint at may tinuro pa.

Napalingon ako doon. I saw a beautiful woman, she's helping the waiters to distribute the foods and serve drinks for the visitors. Hindi ko ma-ialis ang tingin ko sa kaniya.

"Gusto ko sa mababait gaya niya but I think Franz is already attracted to her. I'm not going to compete, that's corny."

Napalingon at napa-iling ako sa sinabi ni Joseff. How can he say that I am already attracted? That fast? He's kidding me. I've been into serious relationship. I have two exes and ang pinakahuli ko ay noong third year college pa ako. Sa tingin ko'y medyo nanibago lang ako dahil ngayon lang may babaeng muling nakakuha ng atensyon ko.

Gusto ko pang iuntog ang sarili ko dahil I prayed that night na siya ang magserve ng pagkain sa table namin pero hindi nangyari. Pina-upo na kasi siya nang nagkaroon ng dagdag na tauhan para sa pag s-serve. Nakita kong umupo siya sa mesa kung saan naka-upo ang Mayor ng bayan namin, with that I already got the idea of her being the daughter of our Mayor.

Months have passed before I saw her for the second time. Nagulat pa ako sa ideyang wala siyang kasamang bodyguards habang naglilibot sa plaza. Safe ba ang ginagawa niya? Nawala ang kunot ng noo ko nang makita kong halos lahat ng tao dito ay kilala siya.

Hindi ko napigilan si Klint nang sinubukan niyang lapitan para asarin ako. Halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang lumingon siya sa akin bago kinausap si Klint. Sandali silang nagka-usap bago siya sumama sa mga lalaki na sa tingin ko'y bodyguards niya.

Nakangisi si Klint habang pabalik sa pwesto ko. "Hindi ko natanong ang pangalan, sayang!" Mapang-asar ang tono niya. Narinig kong tumawa si Joseff na medyo malayo sa amin.

"Okay lang, I want to know her name nang ako ang nag-eeffort Klint. I don't need your old tactics."

"Dang bro!" Tumawa siya.

I thought matagal kaming hindi magkikita but when we attended the first mass of Uncle Rene dito sa bayan namin, I saw her. I focused sa misa dahil I don't want to be rude but when I saw her walking in the aisle para ibigay ang alay kay Uncle, hindi ko na napigilan ang sarili kong titigan siya. She caught me staring at her. That day, I decided to talk to her. I want to know her more.

"I heard you're helping homeless people too," I said. Halos manginig ang boses ko dahil masyado akong naapektuhan sa paraan ng pagtitig niya sa akin.

Ganiyan ba siya tumitig kahit kanino? Kung ganiyan ang paraan niya ng pagtitig sa bawat makaka-usap niya malamang lahat nang iyon ay nahulog na sa kaniya.

Unselfish Love (GS #2)Where stories live. Discover now